It all started with a DARE ♥ by Lurobinus. ツ
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~ZORO'S point of view.
Hay. Galit talaga siya...
...Saken? Aish! Ewan..
Nasa harap ko na ang limousine at agad namang binaba ni Sir Sabo yung bintana para magsalute sakin.
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng kotse. Sumunod naman sakin si Ray, at nagsimula siyang magsalita.
"Anong nangyare?" tanong niya habang naka-grin na nagpapakita ng malisya na ewan.
"Anong ibig mong sabihing 'anong nangyare'?" pagbabalik ko nang tanong. Kasi kahit ako, hindi ko maintindihan ang nangyare.
"Ay ewan ko sayo Pre. Ang slow mo ata ngayon. -,-" sabi ni Ray at isinandal niya ang magkabilang braso niya sa couch.
Hindi ko nalang siya pinansin. Yumuko ako at ibinaon ko ang mukha ko sa mga kamay ko at, pinatong ko yung elbow ko sa tuhod ko.
Ano ba talaga problema? Bakit biglang nagbago mood niya? Bipolar ba siya? Para siyang tigre kanina kaya kinakabahan ako kung ano man yung gusto niyang sabihin. Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga nangiinterrupt para hindi matuloy kung ano man sasabihin niya eh kasi paniguradong kakainin niya ako kapag lumabas yung sasabihin niya sa mga bibig niya. Ewan ko ba, pero nararamdaman kong hindi maganda ang gusto niyang sambitin. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para sabihin niya kung anuman 'yon kaya maraming hadlang.
Aaargh! Anu ba Zoro, tumigil ka nga sa kakaisip ng mga ganyan. Baliw ka na! Oo, baliw kay Vivi. Aish. Dalhin niyo nalang ako sa mental hospital o kaya pakamatay nalang ako? =___=
"So.. Di ka talaga magkekwento?" sabat ni Ray habang ako, nakayuko parin.
"Tumahimik ka nalang please?" inis kong sagot sakaniya. Ang gulo pa nang utak ko eh. Alam niyo namang ayaw kong nagagalit si Vi lalo na kapag ako yung dahilan. Tsk! MAHAL KO YUNG PINAGUUSAPAN NATIN DITO.
"Bahala ka, kundi uunahan kita." sabay smirk ni Ray.
"Ako ang mauuna at ako ang magiging last niya. Okay? STFU!"
"STFU TOO, ZORO!" sabi niya pero pabiro.
Huminto na yung sasakyan at bumaba na kami. Nakita kong nakapark na sa loob ng bahay ni Vi yung sasakyan ni Nic na ginamit nila Mar at Ray. Speaking of Nic, kamusta na kaya siya?
Nagpaalam na ako kay Sir sabo at pumasok na kami ni Ray sa loob ng bahay ni Vi.
Pumunta muna kami sa kwarto para magpahinga at dun na ako nagisip kung ano man yung ikinagalit ni Vi kanina.
~Kinabukasan.
Maaga kaming tatlo nagising. Mga 5:30 gising na kami. Ako? Puyat ako. Tsk. 1:00 ng madaling araw ako natulog sa kakaisip eh.
Niready namin yung mga kelangan iready at naglinis narin kami ng buong bahay nila Vi. 7:00 na nang umaga namin natapos lahat ng ginawa namin.
~VIVI'S point of view.
*KRINGGGG! KRINGGG!*
-___-
Aaargh! Yan nanaman yung alarm ko.
-__0
*KRINGGG! KRINGGG!*
0__-
BINABASA MO ANG
It all started with a DARE. ᴼ ᴺ ᴳ ᴼ ᴵ ᴺ ᴳ
Teen Fiction[Tagalog Story] (Cover by LizGlitz)