CHAPTER 8

1 0 0
                                    

Chantel's POV

Uwian na pero pa balik-balik pa rin sa utak ko ang sinabi kanina ni Zeid. "confess to him"

AAARRGGHHH!!

Tinignan ko si Brent na ngayon ay nililigpit na ang mga gamit niya. Grabe, buong araw talaga siya hindi namamansin. May ginawa ba 'kong mali kagabi? May kinalaman ba ang mga pasa niya kaya hindi niya ako pinapansin ngayon?

Tinignan ko siyang lumabas sa pintuan kaya kaagad ko itong sinundan palabas.

"Brent" pagtawag ko sakanya.

He turned around and gave me a cold look. I can't read him. Hindi siya sumagot at hinintay lng ang sasabihin ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko rito.

Tinignan niya sila Voughn, giving them sign na iwan muna kaming dalawa kaya tumango lng ang mga ito bago kami iwan. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sakanya, lalo pa't ganito ang trato niya sakin.

Hindi ko alam pero simula nung hindi niya na ako pinapansin ay palagi ko na siyang hinahanap-hanap. Palagi ko ng hinahanap ang presensya niyang sinanay ako. Kasabay ng tahimik na paligid at ang walang katao-taong paligid ay ang kasabay na pagbilis ng pagtibok ng puso ko.

"What?" bored na tanong nito.

"U-uh, may ginawa ba 'kong mali? parang hindi lng ako sanay na hindi tayo magkakilala, alam mo na-- parang iniiwasan mo ako"

"I can't?"

"I mean--"

"Look, chantel. Nagmamadali ako kaya kung ano man yang gusto mong sabihin, sabihin mo n-"

"Gusto kita" mabilis kong pagsabi at wala sa sariling pag-amin ko sakanya.

Shit anong sinabi ko?!

"pfftt" tumawa ito sa sinabi ko kaya tinignan ko siya ng nagtataka.

"God, naniwala ka talaga?" mas lalong kumunot ang noo ko nang magsalita na siya.

"Well, to make it clear, we made a bet. Bibigyan nila ako ng 1,500 kung mapapahulog kita" tumawa ito "you know just a simple bet '1,500', at hindi ko alam na ganon ka lng pala kadali pahulugi-"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad na itong sinampal. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko ng sunod-sunod, na sa sobrang bilis ng pagtulo nito ay hirap na 'kong pigilan ang mga ito.

Putangina naman oh!

"Tama nga si Zeid, sana naniwala na lng ako sakanyang isa ka rin sa mga stupido rito sa campus. Ang tanga ko no?" tumawa ako ng mapait "dahil nagpaloko ako sa isang tulad mo... " Tumigil ako at pinunasan ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo "kalimutan mo na lahat ng mga sinabi ko dahil hinding-hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo!"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad itong tinalikuran at mabilis na naglakad palayo sakanya. Sabay ng dire-diretso kong paglakad ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Ang tanga ko! Bakit hinayaan ko siyang lumapit sakin? Bakit ko ba binalewala ang sinabi ni Zeid? Bakit kinalimutan kong isa siya sa mga stupido? B-bakit hinayaan ko ang sarili kong mahulog sakanya?

May biglang tumulong butil ng tubig sa kamay ko hanggang sa sunod-sunod na itong tumulo.

Tangina bakit ngayon pa umulan?!

Wala akong dalang payong kaya hinayaan ko na lng ang sarili kong mabasa sa ulan. Hindi ko na alam ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung uuwi ba ako o magpapakalunod na lng dito. Maraming nakasagabal sa utak ko at ang gusto ko na lng gawin ay mahiga at iiyak ang lahat.

Habang pabalik-balik ang mga nangyari kanina sa utak ko ay hindi ko namalayang nasa harap ko na pala ang bahay namin. Binuksan ko ang pintuan namin at bumungad kaagad sakin sila mama at ang kapatid kong nanonood ng tv.

"Oh? Bakit basang basa ka? Sana sumakay ka na lng o kaya tumawag ka" nag-aalalang sabi ni mama at nilagyan ako ng tuwalya sa likod "oh sige na maligo ka na don at baka makakuha ka pa ng sakit"

Nagmano lng ako sakanya at dumiretso sa kwarto habang walang sinasabi. Pagpasok ng kwarto ay ang madilim na paligid kaagad ang bumungad sa akin.

Kasabay ng paghulog ko sa mga gamit ay ang kasabay ng pag-upo ko sa sahig. Umiiyak at tulala sa kawalan. Maga ang mata at basa ang katawan.

Napatingin ako sa sahig nang biglang tumunog ang cellphone ko at ang notification ko. Tinignan ko ang notification ko at bumungad kaagad sa akin ang notification kong puno ng mga naka mention sakin. Pinindot ko ang isang notification at isang video kaagad ang nagpakita sa akin. Pinindot ko ang play at nakita ang dalawang lalaki at babae.

Ako at si Brent?

Tinignan ko kung sino ang nag post pero wala itong mukha at unknown ang pangalan. Nagsimula ang video at may biglang nagsalitang lalaki.

"Look, chantel. Nagmamadali ako kaya kung ano man yang gusto mong sabihin, sabihin mo n-"

"Gusto kita"

"pfftt" pagtawa ni Brent sa video "God, naniwala ka talaga? Well, to make it clear, we made a bet. Bibigyan nila ako ng 1,500 kung mapapahulog kita" tumawa ito "you know just a simple bet '1,500', at hindi ko alam na ganon ka lng pala kadali pahulugi-"

At natapos ang video pagkatapos ko siyang sampalin. Biglang nanginig ang kamay ko pagkatapos makita ang video at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko. Bakit ako nandoon sa video?

Parang bumalik ang lahat ng sakit kanina at naging triple pa ang sakit nito. Ang sikip ng dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. Tinignan ko ang mga reacts na puro "haha" and angry. At ang mga comments na

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA deserve!"

"Yan kase ang landi"

"The hell? Sino ka para sampalin si Brent?"

"Chantel?"

"The nerves"

Agad kong naihulog ang cellphone ko pagkatapos mabasa ang mga pinagsasabi nila sa comment box. Bakit? Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Bakit parang wala na akong kakampi? Pakiramdam ko galit na ang lahat sakin, hindi ko alam kung papasok pa ba ako bukas o hindi na kase alam kong puro negatibong komento na naman ang maririnig ko mula sakanila.

Tinignan ko ang messenger ko na puro chats at tawag nila Kyrie at Isolde pero wala akong binuksan kahit isa sakanila.

Anong gagawin ko?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The Bet that Altered Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon