DISCLAIMER: This is a work of fiction. Characters, names, places, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Chantel's POV
"Chanteeelll! Pag hindi ka pa bumangon diyan, isusumpa na kita sa lahat ng santo!"
Jusko, umagang-umaga, sigaw agad si mama na parang may sunog! Napakamot ako ng ulo habang pilit na binubuksan ang mga mata ko.
"Si mama talaga!" bulong kong reklamo habang bumangon at tinatamad na naglakad palabas ng kwarto.
At ayun, pagbukas ko pa lang ng pinto, sumalubong agad sa akin ang mukha ng kapatid kong may tuwalya pang nakasabit sa leeg.
"Ano, tutunganga ka na lang diyan? Akala mo walang oras? Tapos mamaya magpapanic ka na naman!" sermon ni mama.
Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na lang ako sa kusina. Jusko, baka pag sumagot pa ako, isumpa na niya talaga ako.
Dahil ang aga-aga pa at ang lamig pa ng tubig, inuna ko na muna ang pagkain. First day ko ngayon sa bago kong eskwelahan, dahil nga naglipat-bahay kami malapit sa trabaho ni papa. Ang kaso, mukha akong hindi estudyante sa suot kong maong na pants at white t-shirt. E paano kasi, ang tagal dumating nung pinatahi kong uniporme! Bahala na si Batman!
Tahimik akong nagsusuklay ng buhok nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makita kong si Kyrie ang tumatawag, alam ko na — may pasabog na naman ‘to.
"Hoy, bakla, ano na?! Kanina pa kami rito sa labas ng gate, naghihintay sa’yo!"
Sa lakas ng boses niya, napalayo ako sa telepono. Jusko, parang may kausap na speakerphone!
"Kalma! Kalma! Eto na nga oh, palabas na!" sagot ko habang sinisiksik sa bag ang mga gamit ko.
RIIIIING!RIIIIING!
Narinig kong tunog mula sa kabilang linya.
"Ayan na nga ang sinasabi ko sa’yo, CHANTEL RIEGA! Tumunog na ang kampana ng demonyo!"
"Hoy, girl, chill! Umagang-umaga, highblood ka!"
"Ganito na lang, mauuna na kami ni Zeid, at baka tuluyan na kaming ma-late. I-text mo na lang sa’min kung anong room mo, agreeable ba tayo diyan?"
"Sige na nga!"
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay.
"Ma, alis na po ako!" sigaw ko habang tumatakbo palabas.
"Chantel, ano? Naririnig mo ba ‘ko?!"
Napakurap ako. Jusko, hindi ko pa pala napapatay ang tawag!"Oo na, oo na! Sige na, babuuush!" sagot ko at agad pinindot ang end call.
Kung alam ko lang na early bird pala ‘tong eskwelahang ‘to, sana ginising ko na rin sarili ko ng maaga!
Habang naglalakad papunta sa office para malaman ang section ko, sinisiksik ko sa utak ko kung saan ako pupunta. Nakita ko ang isang babaeng naka-eyeglasses na may mapupulang labi at pisngi. Mukha siyang strict teacher sa anime na hindi pwedeng kulit-kulitin.
"Excuse me, Ma’am. Good morning po," bati ko habang nakatayo sa harapan niya.
Tumingala siya at tinaasan ako ng kilay. Shet, titig pa lang, nanginginig na ako.
"New student?" tanong niya na parang detective na iniimbestigahan ako.
"Opo," sagot ko.
"Name?"
![](https://img.wattpad.com/cover/359506900-288-k309015.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bet that Altered Everything
RomanceSa isang nakakatakot na kwento ng pag-ibig at swerte, may apat na lalaki ang kilala sa isang unibersidad ngunit iisang lalaki lamang ang matapang na sumubok pahulugin ang isang babae. Ang isang pustahan na nag bago sa buong kwento.