CHAPTER 17

0 0 0
                                    

Chantel's POV

Nabaling ang atensyon ng lalaking humahawak sa akin kay Brent, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong kagatin ang kanyang kamay at makawala sa pagkakahawak niya. 

Hinila ako bigla ni Brent at itinago sa likuran niya. Pinalibutan kami ng mga kalaban habang si Brent na hinaharang ako ay nakatayo sa harapan ko. 

Tumingin ako sa kanya habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.  Bakit kailangang mangyari ito sa amin? Bakit kailangan laging may humadlang sa amin? Ang unfair ng mundo. 

"Uy, si Mr. Saviour! HAHAHAHAHAHA!" sabi ng lalaking may peklat sa mukha. 

Tiningnan ko si Brent, pero hindi siya sumagot sa lalaki. Tahimik lang siya, pero nakakatakot ang mga titig niya. 

Biglang umatras si Brent, kaya napaatras din ako. 

"Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo ka," narinig kong sabi niya. 

Tumingin ako sa kanya at umiling habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. 

"Isa," simula niya. 

"A-ayoko. D-di ko kaya, Brent. Hindi kita kayang iwan dito." 

"Dalawa." 

Umatras pa siya, kaya napa-atras din ako.

"Brent" mas humigpit ang pagkakahawak ko sakanya.

"Tatlo, takbo!" sigaw niya sabay tulak sa akin ng malakas, dahilan para tumilapon ako at matumba. 

Tiningnan ko ang tuhod ko na ngayon ay may sugat na, hapdi ang nararamdaman ko, pero wala iyon kumpara sa kirot sa puso ko habang nakikita ko si Brent na nasa gitna ng laban. Puro suntok, sipa, at iwas ang ginagawa niya laban sa mga lalaki.

Isa sa mga kalaban, ang lalaking may peklat sa mukha, ang umabante at sumuntok ng malakas, pero naiwasan iyon ni Brent at agad siyang bumawi ng isang mabilis na suntok sa tagiliran. Napaurong ang lalaki sa sakit, pero hindi pa rin umatras.

"Yan lang ba ang kaya mo?" singhal ng lalaking may peklat habang hinihingal, sabay kuha ng patalim mula sa likuran niya.

"Brent, tama na! Umalis na tayo dito, please!" sigaw ko habang pilit bumangon. Pero parang walang naririnig si Brent. Ang mga mata niya, puno ng galit, pero ramdam kong ginagawa niya ito para protektahan ako.

Biglang sumugod ang dalawang lalaki mula sa likuran ni Brent. Isa ang sumipa sa kanya sa tagiliran, at ang isa naman ay sinubukang tusukin siya ng kutsilyo. Sa bilis ng galaw ni Brent, naiwasan niya ang patalim at hinawakan ang braso ng lalaki, sabay binigyan ito ng malakas na suntok sa mukha. Nadinig ko ang tunog ng pagbagsak ng kalaban sa lupa.

"Brent!" sigaw ko habang pilit kong iniabot ang kamay ko sa kanya. Ramdam ko ang sakit niya, pero parang wala siyang pakialam. Nagpatuloy siya sa paglaban.
Nakatayo na sana ako nang biglang may sumipa sa akin, dahilan para muli akong matumba. 

Hindi na kaya ng katawan ko. 

Kahit anong pilit ko, hindi na sumusunod ang katawan ko. Nanlumo ako nang makita kong natumba si Brent, at puno na ng dugo ang kanyang mukha. 

"BRENT!" sigaw ko habang gumagapang papalapit sa kanya. 

Umiiyak ako nang umiiyak habang pilit na gumagapang palapit sa kanya. May biglang humila sa buhok ko, dahilan para mapahinto ako. Pinatayo niya ako at itinapon palayo. 

Galit na galit ako, galit na galit sa sarili ko. 

Dahil hindi ko siya matulungan, dahil dapat magkasama kaming lumalaban ngayon. Hindi ko kayang makita si Brent na binubugbog ng mga kalalakihan. 

The Bet that Altered Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon