Kyrie's POV
"Tita, kami na lang po muna dito ang magbabantay," sabi ko kay Tita matapos naming makarating sa ospital.
Ngumiti siya sa akin bago sumagot.
"Salamat talaga sa inyo, ha. Paano na lang kami kung wala kayo?" sabi niya sabay hawak sa mga kamay namin ni Isolde.
"Okay lang po, Tita. Parang pamilya na rin tayo dito e. Magkakahiyaan pa ba," sagot ni Isolde at ngumiti.
"Sige, sige, ha. Babalik na lang ako," paalam ni Tita habang nagsimula nang mag-ayos ng kanyang gamit.
Tinitigan ko si Chantel na hanggang ngayon ay wala pa ring malay matapos ang insidente.
"Si Zeid, kinausap niya ako kanina," narinig kong sabi ni Isolde na agad nagpainit ng dugo ko.
Hindi ako sumagot at hinintay na lang ang susunod niyang sasabihin.
"Tinanong niya kung kamusta si Chantel."
Tumaas ang kilay ko sa narinig ko.
"Pfft. Nakarma siguro sa mga ginawa niya kaya nagkukunwaring nag-aalala ngayon," sagot ko.
"Ky..."
Huminga na lang ako nang malalim sa reaksyon ni Isolde sa sinabi ko.
"Parang hindi naman kayo nagkasama nang matagal kung ganyan," sabi niya habang iniiling-iling ang ulo niya.
Hindi na lang ako sumagot at ibinalik ang tingin kay Chantel. Lahat ng pinagdaanan ni Chantel bumabalik sa isip ko, lalo na ang mga ginawa sa kanya ni Zeid. Galit pa rin ako sa kanya.
Chantel's POV
"Dude, nasaan ang relo ko?"
"Ulol, kay Brent mo binigay 'yun!"
"Asan na ba kase yung lalaking yun?"
"Nasa akin, Voughn, pero kiss muna!"
"Bastos ka talaga!"
Rinig ko ang mga boses sa paligid. Biglang bumungad sa akin ang kisame at ang napakaliwanag na ilaw.
Tiningnan ko ang paligid kahit na hindi pa malinaw sa paningin ko. May naramdaman akong basa sa gilid ng mata ko.
Naalala ko na wala na pala ang lalaking mahal ko. Nagising na lang ako, pero mabigat pa rin sa dibdib ko ang sakit.
"Cha?!" sigaw ni Kyrie nang makita niya akong gising.
Bakit ako nasa ospital? Ang huling naalala ko ay nasa bahay ako ni Brent.
"Sol, tawagin mo ang doktor!"
"Cha, ayos ka lang ba?"
"Salamat sa Diyos!"
Sunod-sunod ang sinasabi nila, pero nalilito ako sa mga nangyayari.
Tinitigan ko lang sila dahil hindi ko magawang magsalita nang maayos. Kahit nahihirapan akong magsalita, pinilit kong magtanong dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyari.
"Anong nangyari? B-bakit ako nandito?" tanong ko kahit hirap na hirap.
Nagkatinginan sila bago may sumagot.
"Kyrie," tawag ko kay Kyrie nang makita kong parang ayaw nila akong sagutin.
"Cha, nakalimutan mo na ba?" sagot niya na mas lalong nagpalito sa akin.
"You got shot by a gun, kaya dinala ka kaagad dito sa hospital"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Tiningnan ko ang paligid at doon ko naalala ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/359506900-288-k309015.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bet that Altered Everything
RomanceSa isang nakakatakot na kwento ng pag-ibig at swerte, may apat na lalaki ang kilala sa isang unibersidad ngunit iisang lalaki lamang ang matapang na sumubok pahulugin ang isang babae. Ang isang pustahan na nag bago sa buong kwento.