Third Person's POV
Limang araw na ang nakalipas simula nang mamaalam si Brent. Unti-unti na ring namumulat si Chantel sa katotohanang wala na si Brent. Sa tatlong araw na nakalipas ay nahirapan silang lahat sa mga aksyon ni Chantel. Nahirapan silang pinawalain si Chantel sa realidad na nangyayari. Dumating na lng ang araw na tinanggap na ng unti-unti ni Chantel na wala na talaga ang minamahal niyang lalaki. Dumating ang araw na namulat na siya sa realidad at kailangan niya itong tanggapain.
Sa dalawang araw na natira. Puro iyak at pagkukulong lng ang ginawa ni Chantel. Ayaw niyang tignan ang labas na wala ng Brent na nakikita. Ayaw niyang makita ang kakulangan sa paligid. Ayaw niyang makita ang upuan ni Brent na wala na ang nag mamay-ari.
Dumating ang linggo at pumayag si Chantel na sumama sa tatlong natitirang magkakaibigan na sina Jace, Voughn, at Glenn. Napagpasyahan nilang bumisita sa tinutuluyang bahay ni Brent.
Chantel's POV
Limang araw na ang nakalipas mula nang mawala si Brent. Ilang araw din na puro iyak lang ang ginawa ko.
Nandito ako ngayon sa bahay ni Brent kung saan siya lang ang nakatira kasama ang mga kasambahay.
Pagdating namin sa isang kwarto, doon kami huminto. Tumingin muna sila sa akin sandali bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang maluwag na silid at malaking kama.
Itim at kulay-abo ang tema ng kwarto, at may mga nakadikit na bagay tungkol sa basketball sa mga pader. Mayroon ding mga medalya at trophy doon.
Pinagmasdan ko ang paligid hanggang sa may isang bagay na nakaagaw ng atensyon ko - dalawang picture frame.
Mga frame na nagpaluha sa akin.
Isa ay larawan ko na hindi nakatingin sa camera. Ang isa naman ay ang larawan naming dalawa. Nakangiti siya sa larawan habang ako naman ay nakasimangot. Naaalala ko pang inis na inis pa ako sakanya sa mga araw na ito.
Kung alam ko lang na mangyayari ito sa atin, sana sinulit ko na ang bawat oras na magkasama tayo.
Pinunasan ko ang luha ko nang bigla akong tawagin ni Jace. Tumaas ang kilay ko nang may iniabot siyang papel sa akin.
"Iniwan ito ni Brent para sa iyo, the day before he was shot."
Kinuha ko mula sa kamay niya ang papel at tinitigan iyon nang mabuti. Tumingin ako sa kanila at nakita kong lumabas na sila ng kwarto, kaya umupo ako sa isang silya para basahin ang laman nito.
Hindi pa man ako nagsisimulang magbasa, tumutulo na ang mga luha ko. Makita ang sulat-kamay niya ay lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.
Dear Chantel,
Habang sinusulat ko ang liham na ito, masakit sa akin ang isipin na mababasa mo ito kapag wala na ako. Isinulat ko ito nang maaga bilang paghahanda kung sakaling mawala man ako sa mundong ito. Matagal ko nang tinanggap ang kapalaran kong mamatay. Noong una, hindi ko matanggap na maaaring mapatay ako ng grupo nila Akairus, pero mula nang makilala kita, handa akong isakripisyo ang buhay ko para sa iyo.
Kung nagtataka ka kung bakit may liham na ako para sa iyo bago pa man ako mawala, ito ay dahil alam kong darating ang araw na kakailanganin kitang protektahan laban sa kanila. At tanggap ko na iyon. Our love becomes proof of true love.
Life's cruel twists have brought us to this bittersweet crossroad, where I must bid you a final farewell. Mas gugustuhin ko pang ako ang mawala sa mundong ito kaysa ikaw ang mawala sa akin dahil alam kong hindi ko kakayanin. Mas hindi ko kakayaning mabuhay sa mundong walang ikaw. Ikaw na lang ang natitira sa akin, at hindi ko kayang mawala ka pa. Hindi ko hahayaan na dahil sa akin, mawala ka. Kaya kung ano man ang mangyari sa akin, huwag mong sisihin ang sarili mo.
Though my physical presence will cease to exist, know that my love for you will endure eternally. It is beyond the limits of life and death, dahil ang pagmamahal ko para sa iyo ay hindi mawawala hanggang sa huli kong paghinga. Hindi ko kayang mabuhay sa mundo nang wala ka - ikaw ang hangin na kailangan ko para mabuhay. Kung wala ka, wala rin ako. Please let's meet again even if it's in another life.
I want you to know that no matter where life leads us, even if saying goodbye makes me cry, you have my love and support. I'm hoping that our paths will cross once more in the future, but in the meantime, know that you'll always be in my heart.
With all the love my heart can hold,
Brent Dawnson

BINABASA MO ANG
The Bet that Altered Everything
RomanceSa isang nakakatakot na kwento ng pag-ibig at swerte, may apat na lalaki ang kilala sa isang unibersidad ngunit iisang lalaki lamang ang matapang na sumubok pahulugin ang isang babae. Ang isang pustahan na nag bago sa buong kwento.