Brent's POV
Inaalalayan ko ngayon si Chantel habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ko.
Lasing na lasing na talaga siya.
"hmmm"
Lumingon ako sa kanya nang makita kong parang magsusuka siya. Huminto ako sandali baka nga sumuka, pero bumalik rin agad siya sa normal. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at inalalayan siyang pumasok.
Umikot ako para maupo sa driver’s seat. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang mukha ni Chantel na ngayon ay nakapikit na.
I'm willing to do anything for Chantel. I don't know how it happened, but the day just came when I realized that I had fallen in love with her. She is my tranquil sanctuary in a chaotic world, and being with her is all the comfort I need.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko siya nagustuhan. Siguro ito na ang isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan sa buhay ko — ang mahulog sa kanya.
Tahimik lang akong nagmamaneho hanggang sa may mapansin akong isang lalaki na nakaitim lahat, nakatago sa labas ng bahay nila Chantel.
Nasa dilim siya pero may mga parte ng katawan niyang nakikita ko.
Pinanatili kong kalmado ang sarili ko dahil alam kong kasama ko si Chantel ngayon. Huminto ako sa harap mismo ng bahay nila Chantel.
Third Person’s POV
Naunang bumaba si Brent mula sa sasakyan para lumapit sa gate ng bahay nila Chantel.
Pero imbes na pindutin ang doorbell, tumayo lang siya doon na nakapamulsa at nakatingin sa gate. Kalmado ang itsura niya, pero ang presensya niya ay nakakakilabot. Aakalain mong wala siyang malay pero alam niya ang galaw sa paligid niya.
Hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto ng sasakyan ng kotse.
"Touch her and you'll die," malamig na sabi ni Brent habang nakatalikod at nakapamulsa pa rin.
Hindi alam ni Brent na papalapit na sa kanya ang lalaking may dalang kutsilyo. Akma na sana itong susugod nang mabilis na nakaiwas si Brent at hinarap ang lalaki.
Sinipa niya ito nang malakas kaya natumba ito at bumagsak sa lupa. Agad na lumapit si Brent, pero nasipa rin siya ng lalaki pabalik. Dalawang beses siyang sinuntok ng lalaki at natulak.
Susugod ulit ang lalaki para saksakin si Brent, pero nasangga ito ni Brent. Pawis na pawis na si Brent habang pinipigilan ang kutsilyo na nakatutok sa kanya.
"Aaargghh!" Naputol ang tensyon nang biglang umingay si Chantel, dahilan para lingunin ng lalaking nakaitim ang direksyon niya.
Ginamit ni Brent ang pagkakataon para suntukin ang lalaki nang paulit-ulit hanggang sa muli itong bumagsak. Tatlong beses pa niya itong sinuntok, kasunod ng isang malakas na sipa sa tiyan dahil sa matinding galit. Sumuka ang lalaki ng dugo. Paulit-ulit itong sumuka ng dugo habang umaatras palayo.
Chantel’s POV
Nagising ako sa ingay ni Mama na nagsimula na namang mag sermon. Hinawakan ko ang ulo kong sobrang sakit. Bigla akong tumayo nang maalala ang nangyari kagabi.
Paano ako nakauwi rito?
"Chanteeell! Bangon na diyan, wala ka bang klase?!" sarkastik na sigaw ni Mama kaya agad akong bumangon.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina, kung saan nakita ko siya.
"Ma, sino ang naghatid sa akin kagabi?" tanong ko kay Mama.
"Lalaki ‘yun na may sasakyan. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa amin na mayaman pala ang boyfriend mo," tugon ni Mama habang nakangiti at nanunukso.
![](https://img.wattpad.com/cover/359506900-288-k309015.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bet that Altered Everything
RomansaSa isang nakakatakot na kwento ng pag-ibig at swerte, may apat na lalaki ang kilala sa isang unibersidad ngunit iisang lalaki lamang ang matapang na sumubok pahulugin ang isang babae. Ang isang pustahan na nag bago sa buong kwento.