CHAPTER 11

6 0 0
                                    

Chantel's POV

Hapon na nang pumasok ako dahil namamaga pa rin ang mga mata ko kaninang umaga at ayokong makita ako ng ibang mga estudyante na ganon pa rin ang sitwasyon. Para sa sarili ko, gusto kong ipakita sakanila na okay na ako. Sarili ko na lng ang kakampi at mapapagkatiwalaan ko ngayon kaya kailangan ko maging matapang para sa sarili ko.

Pag pasok ko sa room ay bilang lng ang mga taong andito. Siguro ay nasa canteen pa ang iba. Nagulat ang iba pagkatapos akong makita pero kaagad lng din itong nawala at bumalik na kaagad sila sa dati nilang ginagawa. Hindi pa rin nawawala ang sipon ko dahilan para sumakit na naman ang ulo ko kaya dumiretso na kaagad ako sa desk ko at ipinatong dito ang ulo ko habang walang pinapansin kahit ni isa sakanila.

Biglang umingay ang paligid kaya binuksan ko ang mga mata ko at tinignan ang loob ng classroom. Dumating na sila Brent. Nginitian ako nila Jace, Glenn, at Voughn pero si Brent ay diretso lng ang tingin sa daan papunta sa desk niya. Nakapamulsa at seryoso ang mukha nito. Hindi niya ako tinignan kahit saglit hanggang sa pag-upo niya.

Habang nag lelesson si ma'am ay mas lalong sumakit ang ulo ko at lalong mas umiinit ang loob ng ilong at mata ko. Para na itong mabibiak sa sobrang sakit at hindi ko na kayang indahin pa. Kasabay ng pagtulo ng mainit kong sipon ang pag tulo ng malamig kong pawis dahilan para lamigin ako. Umupo si ma'am at may pinag pipindot sa laptop niya kaya nakakuha ako ng pagkakataon para lumapit sakanya.

"Excuse me ma'am, masama po kase ang pakiramdam ko. Maaari po ba akong pumunta sa clinic?" mahinang tanong ko kay ma'am.

Tumingin ito ng nag-alala sa akin at dinampi ang palad niya sa noo ko.

"Naku, ang init na ng katawan mo. Kaya mo bang pumunta don ng mag isa?"

Tumango lng ako sakanya kaya pinikpik niya ang balikat ko at hinayaan akong umalis.

Nakarating ako sa clinic at ang nurse kaagad ang bumungad sakin. Kaagad akong lumapit dito at sinabi ang sintomas ko.

"Fever, nurse" sagot ko rito kaya hinawakan niya ang noo ko at may inilagay sa kili-kili ko. Malamig ang nararamdaman ko sa palad niya kaya sa tingin ko ay mainit ang nararamdaman niya mula sa noo ko.

"Ang taas ng lagnat mo, nak. Inumin mo muna to pagkatapos ay humiga ka roon" sabi nito sakin at binigyan ako ng gamot at tubig.

Malaki ang clinic dito at may dalawang kama na may nakaharang na kurtina sa pagitan ng dalawa. Pumunta ako sa pinaka dulong kama at doon piniling humiga. Mga ilang minuto lng ay may narinig akong bagong dating na estudyante. Hindi ko na lng ito pinansin at ipinikit ko na lng ang mga mata ko para maibsan ang sakit ng ulo.

Makakatulog na sana ako nang bigla akong magising ng maramdamang ang tuyo ng lalamunan ko kaya bumangon muna ako para kumuha ng tubig. Inalis ko ang kurtina at nakitang wala ang nurse sa lamesa niya. Dahan-dahan akong naglakad papunta ng lababo habang hawak-hawak ang ulo kong nananakit pa rin.

Iinom na sana ako mula sa baso nang bigla kong nailagay ng mabilis ito dahil biglang umikot ang paligid ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Ipinikit ko muna ang mata ko at tumayo ulit. Kasabay ng pagtayo ko ay ang kasabay ng malalang pag-ikot ng paligid dahilan para mawalan ako ng balanse.

Naipikit ko na lng ng marahan ang mga mata ko nang sa akala kong sahig ang sasalo sa likod ko. Pero may naramdaman akong kakaiba dahilan para dahan-dahan kong maibuklat ang mga mata ko. Hindi ko masyadong mabuksan ng maayos ang mata ko at medyo malabo pa ang paningin ko pero sigurado akong lalaki ang kaharap ko ngayon habang hawak-hawak niya ang likod ko.

Pamilyar ang mukha niya. Na sa sobrang pamilyar ay aakalain mong si Brent ito. Para akong ibinabalik nito sa kung paano ko unang nakilala si Brent. Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa dumilim ulit ang paligid ko.

The Bet that Altered Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon