Chantel's POVPagod na pagod na ako. Hindi dahil sa klase, kundi dahil kay Brent Dawnson—ang lalaking walang ginawa kundi ang guluhin ang tahimik kong buhay. Kung may subject lang na “Paano Maging Sagabal sa Kapayapaan ng Iba,” malamang valedictorian na ‘tong kumag na ‘to.
Habang nakikinig (o kunwari lang) kay Sir Elcamel, narinig kong nagtaas ng kamay ang pinakamalaking problema ng buhay ko.
"Sir," tawag ni Brent.
"Yes?" sagot ni Sir.
"Can I sit next to Chantel? Masyado na pong malamig dito, eh," sabay tingin sa bintana na akala mo may nagyeyelong hangin na dumaan.
Anong malamig?! Ako nga ‘tong pinagpapawisan dito sa kaba kung ano na namang kalokohan ang balak mo!
At siyempre, dahil malas ako sa buhay, pinayagan siya ni Sir. Nakangisi pa ‘tong si Brent habang dinadala ang upuan niya palapit sa akin. Kung hindi ko lang iniisip ang future ko, malamang tinulak ko na ‘to palabas ng bintana.
Nagpanggap akong hindi siya pinapansin, pero ambilis kong na-distract. Ang likot ng katabi ko! Halos banggain na niya lahat ng parte ng katawan ko.
"Brent, pwede bang wag kang malikot?" irita kong bulong sa kanya.
"Hmm?" Lumapit siya. AS IN SOBRANG LAPIT.
Naipikit ko ang mga mata ko dahil akala ko—AKALA KO LANG NAMAN—may balak siyang gawin. Pero sa halip…
"What? I didn't hear you," bulong niya.
Ay, pakshet. Ang init ng hininga niya sa tenga ko.
Nagka-system error ako ng saglit bago nakabalik sa katinuan. Kaso…
"Miss Riega!"
LINTIK!
Napatulak ako kay Brent sa gulat. Kaso, sa malas ng buhay ko, hindi siya bumangon agad. Bumagsak siya sa sahig habang ako naman nakatayo, nangangatog.
"S-Sir," kinakabahan kong sagot.
"Stand up."
Eh nakatayo na nga ako, Sir!
Bakit ako lng ang pinatayo? Halata namang sinadya ni Brent natumba para hindi tawagin ni sir.
"What is the primary function of DNA in living organisms?"
Nagpanic ako. Pero salamat sa last-minute naipong brain cells, nasagot ko rin nang maayos.
"Very good. Umupo ka na."
Akala ko tapos na ang kamalasan ko, pero hindi. Nang umupo ako, biglang hinatak ni Brent ang braso ko, dahilan para diretso akong bumagsak… sa kandungan niya.
YARI KA SA AKIN, DAWNSON.
Nilingon ko siya nang mabangis, pero ang ungas? Nakangiti pa! Kaya ang ginawa ko? Malakas kong inuntog ang noo ko sa noo niya.
"Agh! Chantel!" daing niya.
"Ano, gusto mo pa?" masungit kong tanong bago umupo ng maayos. Timing naman at napansin ni Sir na parang wala lang nangyari.
Binigyan ko ng matalim na tingin si Brent. Ang bwiset, nahilo ata sa ginawa ko, kaya tahimik na buong klase. Good. Dapat lang.
Pagkatapos ng klase, diretso na akong naglakad papunta kila Zeid at Kyrie. Habang naglalakad, panay ang daldal ni Kyrie tungkol sa “mga gwapong apat”—oo, kasama si Brent sa ‘apat’ na ‘yon. Jusko, wala bang noise pollution law dito?
Natigil kami sa paglalakad nang makitang may nag kukumpulang mga estudyante sa gate. Jusko sa gate pa talaga sa daming pwedeng pag pyestahan. Kahit maraming estudyante ay sumiksik pa rin kaming tatlo dahil nagmamadali kami. Pero imbis na dire-diretso lng kami bigla kaming natigil ni Zeid sa paglalakad nang biglang tumili ang Kyrie. Tinignan namin kung ano ang dahilan ng pagtili niya at doon ko nakita ang mga nakaparada na tatlong kotse na kulay itim, pula, at asul. At sa huli naman ang nag-iisang itim na motor. Nakasandal sila Brent, Glenn, Voughn, at Jace doon na para bang may hinihintay dahil kanina pa pabalik-balik ang tingin sa relo.
Sumigaw ulit si Kyrie dahilan para tumingin si Brent sa direksyon namin. Hanggang sa tumingin ito diretso sa mata ko. Umiwas ako ng tingin at hinila si Kyrie para makaalis na kami.
"Last na promise, uuwi na tayo maya-maya" pag pupumigil nito pero hinila ko pa rin.
Natigil ako sa paglalakad habang hila-hila si Kyrie nang biglang humarang ang tatlo sa harapan namin dahilan para mabaliw na naman si Kyrie. Inakbayan ni Jace si Kyrie at inaya itong sumakay sa sasakyan niya. Lumaki ang mata ko nang sumunod din ang bakla. ANG KATI!
"Kyrie!" tawag ko sakanya pero hindi na 'ko nilingon ng bakla.
May biglang humila ng kamay ko dahilan para mawala sa paningin ko si Zeid dahil agad itong hinarangan nila Voughn at Glenn.
Dumiretso kami sa likod ng sasakyan niya dahilan para hindi kami makita ng mga estudyante. Kinuha ko kaagad ang kamay ko kay Brent paghinto namin.
"Ano?" inis kong tanong sakanya. Hindi ito sumagot kaya tinignan ko ang mga estudyante sa likod na nag chichismisan na.
Paglingon ko ulit kay Brent, ang lapit na ng pagmumukha nito sakin. Habang ang isa niyang kamay na nakasandal sa kotse. Ibubunggo ko na sana ulit ang ulo ko sakanya nang bigla itong lumayo mula sa 'kin. Pucha nag mukha akong tanga! Tinignan ko ito ulit at para bang nagpipigil na ito ng tawa. NAKAKAHIYAAA!
Nawala ako sa sarili ko at bigla nitong binuksan ang pintuan at mabilis akong itinulak sa loob kasabay siya. Lumaki ang mata ko nang makitang nakapatong siya sa 'kin kaya agad ko itong itinulak. Pero mabilis rin nitong inilock ang pinto.
Taranta akong tumingin sa labas at baka may nakakita pa samin.
"don't worry it's tinted" sabi nito na para bang alam niya ang iniisip ko.
"problema mo?" irita kong tanong sakanya nang magsimula na itong mag drive.
"may problema ba kung gusto lng kitang ihatid?"
"Oo dahil ikaw ang problema ko"
"Love your problems or else you might end up on dying"
"Teka! Teka! Baka naman kidnappers kayo? Saan niyo dadalhin si Kyrie?"
"Woman, chill. Etong mukhang 'to?" itinuro nito ang mukha niya "Kidnapper? You gotta be kidding me"
"Pwede" diretsong sagot ko rito.
"Don't judge the book by its cover" sabi nito na akala mo naman siya na ang pinaka anghel.
"Bakit libro ka ba?"
"Edi don't judge the person by its appearance"
"Talaga? Tao ka pala?"
"Talaga? May hayop palang nagsasalita?" asar nito.
"Oo, ikaw."
"You know, sabihin mo na lng kung san banda ang bahay ninyo" pag-iiba nito sa topic.
"Itigil mo na lng diyan sa kanto" Hindi ito nagsalita at maya-maya pa ay tumigil na nga ang kotse.
"Hoy, Brent!" tawag ko sakanya para iunlock na ang pintuan ng kotse.
"Later" sagot nito sakin habang may tinitignan ito sa labas. Taka ko siyang tinignan hanggang sa nakita kong may dumaan na mga kalalakihan mula sa labas. Lumabas na ito kaya lumabas na rin ako.
"Anong pumasok sa utak mo at pinasakay mo 'ko?"
"Para ihatid ka?" pilosopo nitong sagot sakin. Inirapan ko siya pero ngumisi lng ito sakin.
"See you tomorrow" paalam nito sakin bago ito pumasok sa sasakyan niya at iniwan akong tulala.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
The Bet that Altered Everything
RomanceSa isang nakakatakot na kwento ng pag-ibig at swerte, may apat na lalaki ang kilala sa isang unibersidad ngunit iisang lalaki lamang ang matapang na sumubok pahulugin ang isang babae. Ang isang pustahan na nag bago sa buong kwento.