CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Chantel's POV

Nakayuko lng ako habang tinatakpan ang bibig ko hanggang sa biglang may nahulog na sigarilyo sa harap ko at may agad na sapatos ang nagpakita at tinapakan ang nahulog na sigarilyo. Dahil sa nakita ko ay nag umpisa na namang manginig ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong tumingin sa taas upang makita kung sino ito.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko nang ang makita ko ay ang nakaitim na lalaki. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko kahit na nanginginig pa rin ang mga kamay. Bigla nitong hinila ang kwelyo ko dahilan para mabitawan ko ang cellphone ko. Hindi ko na halos maibuka ang bibig ko para humingi ng tulong dahil sa sobrang kaba na nararamdaman at dahil na rin sa sobrang higpit na pagkakahawak niya sa akin.

"Susubukan mo pa talaga akong takasan ha" sabi nito at mabilis akong sinapak.

"SINO KA BA?!" sigaw ko sakanya dahilan para pumwersa ulit ito at handa ng isapak sa akin.

Naipikit ko na lng ang mga mata ko nang makitang papalapit na ang mga palad niya sa mukha ko. At sa mabilis na sigundo ay agad ako nitong nataboy gamit lng ang isang palad niya. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa akin ay biglang namanhid ang pisngi ko. Masakit pa rin ang katawan ko. Masakit pa rin ang ulo ko. May lagnat ako!

May lagnat ako pero bakit ganito ako tratuhin ng mundo?

Kinuha niya ako ulit gamit ang paghawak sa kwelyo ko. Katulad ng ginawa niya kanina ay itinaas na naman nito ang kamay niya. Natakot ako. Nanginig ang mga tuhod ko. Ipinikit ko na lng ang mga mata ko dahil kahit ang katawan ko ay wala ng lakas para labanan siya. Ilang sigundo lng ay wala akong naramdamang sakit mula sa mukha ko pero isang malakas na pagsabog ang narinig ko kaya binuksan ko kaagad ang mata ko. Isang lalaking nakapatong sa lalaking nakaitim kaagad ang nakita ko. Sunod-sunod lng ang pagsuntok nito sa lalaking nakaitim habang nakapatong pa rin dito.

Brent?

Nang makilala kung sino ito ay kaagad ko itong nilapitan.

"B-brent tama na!" pagtigil ko sakanya dahil parang papatayin niya na ang lalaki.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napahinto ito at hinabol ang hininga niya. Kinuha niya ang nakatabong itim na tela mula sa mukha ng lalaki at isang pamilyar na pagmumukha kaagad ang bumungad sa amin. Hindi ko na masyadong nakikilala ang pagmumukha niya dahil sa mga pasa niya sa mukha at mga nakapalibot na dugo sakanya, pero sigurado akong isa ito sa pitong mga lalaki na kaaway nila Brent.

Biglang tumayo si Brent dahilan para mapaatras ako. Humarap ito sa akin na punong-puno ng ekspresyon. Ngayon ay nababasa ko na ulit siya. Ang mga mata niyang galit na galit pero may halong pag-aalala. Ang bilis ng nangyari at hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

Niyakap niya ako.

Ang higpit ng pagkakayakap niya dahilan para maging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Hindi ito tama.

Kaagad akong kumawala sa pagkakayakap niya at tumingin sakanya na naguguluhan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman kaya agad akong umalis mula sa harapan niya at mabilis na naglakad palayo.

"Chantel, sandali!" pagtawag nito sakin pero hindi ko ito nilingon.

"Chantel please" pagmamakaawa nito at hinawakan ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sakanya.

"B-bitawan mo 'ko..." hanggang sa unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko "Sinaktan mo' ko, h-hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko tapos ano ngayon? Babalik ka na parang wala lng? Putangina naman Brent oh, pano n-naman yung nararamdaman ko?"

"Just once please, let me explain... I didn't meant to--"

"Brent ano ba? Naguguluhan na ako! Bakit ba andito ka ulit ngayon pagkatapos ng mga ginawa mo sakin, ha?! Ginagawa mo naman akong tanga nito e"

"Chantel, hindi mo alam--"

"Hindi alam ang ano?! Bakit ba ang dami niyong tinatago sakin?"

"Inaamin kong nagsimula ang lahat sa isang pustahan, pero habang tumatagal ay mas nagiging totoo na ang nararamdaman ko para sayo" tumigil ito na para bang may namumuo ng mga luha mula sa loob ng mga mata niya "Alam kong una pa lng ay mali na ako"

"Kahit bali-baliktarin mo pa ang sitwasyon. Nangyari na, Brent. P-pinagpustahan niyo pa rin ako" sagot ko rito habang ang mga luha kong nag-uunahan na sa pagtulo. "Do you believe that only a few words will remove the misery you've caused? You messed with my feelings as it was a game, a-and now you are asking me to simply accept and neglect?" pinunasan ko ang mga luha ko bago ulit nagsalita "g-ginusto kita, Brent. Ginusto kita!Pinili kita kahit ayaw ng mundo sa ating dalawa. Pero mas pinili mo akong saktan at iwan... T-tapos ngayon? Babalik ka na parang wala lng ang nangyari?"

"I never meant to hurt you. I never thought I'd fall for you this hard. Pero sa tuwing nakikita ko ang mga luha sa iyong mga mata, parang may malaking suntok ang tumatagos sa dibdib ko. I understand that I am not worthy for your forgiveness, but please allow me this chance to make things right. I'm willing to do everything to get back your trust and prove myself to you"

"S-sinaktan mo ako na hindi man lng inisip ang mararamdaman ko, tapos ngayon sasabihin mong kailangan mong mag paliwanag? So, guess what? I do not owe you anything." matapang nasagot ko rito kahit na alam kong unti-unti ng pinupunit ang puso ko.

Aalis na sana ako nang bigla ulit itong nagsalita. Mahinahon ang boses nito habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Minahal kita ng totoo kase sayo ko naramdaman ang totoong pahinga sa nakakapagod na mundo. Sayo ko naramdaman ang hindi pilit at natural na kasiyahan na hindi ko mahanap-hanap sa iba. Hanggang sa isang araw, napagtanto kong hindi ako ang para sayo. Alam kong dadating ang panahon na gagawin kitang miserable at ayokong mangyari yun sayo nang dahil sakin. Ayokong idamay ka sa mga--"

"Then be miserable with me"

"No, I don't want both of us to be miserable so I will be better for you. I used to think that the solution to protect you was to keep you away from me but I want to change all that. Gugustuhin ko pang mamatay habang pinoprotektahan ka kesa mamatay akong wala ka sa tabi ko."

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The Bet that Altered Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon