Chantel's POVTatlong beses nang tumunog ang alarm ko, pero kahit anong pilit kong bumangon, parang may tatlong toneladang bato na nakapatong sa katawan ko. Gusto ko pang matulog! Pero hindi pwede. Kundi, si Papa na mismo ang gagamit ng alarm clock pang hampas sa ulo ko.
Bumangon na rin ako kahit feeling ko parang kaluluwa lang ako na naglalakad. Habang kinakain ko ang almusal, pumasok si Papa at umupo sa harap ko.
"Aba, himala! Maaga kang gumising ngayon, anak," nakangising sabi niya habang nagsasandok ng kanin.
"Wala akong choice, Pa," sagot ko habang nginunguya ang hotdog na parang sinasama ko na rin ang galit ko sa mundo.
"Kamusta naman ang bagong eskwelahan?" tanong niya.
"Okay naman yung iba kong mga kaklase," sagot ko.
Oo, yung iba lng dahil hindi kasali ang aoat na mga kumag.
Napakunot-noo siya. "Iba lang? E bakit parang may tinatago kang sama ng loob d'yan?"
Huminga ako nang malalim bago tinusok nang malakas ang hotdog ko.
"Pa, kung kilala mo lang yung apat na lalaking ‘yon, lalaki talaga ang question mark mo kung paano sila pinalaki."
Natawa si Papa. "Bakit naman inis na inis ka sa kanila? Hindi ka naman maiinis kung walang ginagawang masama ang tao."
"Aba, ewan ko ba sa mga babae rito! Kahit ang papangit na ng ugali nila, at mala bad boy pa ang datingan, parang naka-hypnotize pa rin ang karamihan. Gusto ko ngang itanong sa science teacher namin kung may kakaibang pheromones bang lumalabas sa katawan ng mga 'yon!"
"Anak, iba mag-mahal ang mga bad boy," natatawang sabi ni Papa.
"Ano? Kasi masakit sila magmahal? HAHAHAHAHA!"
"Lahat naman nasasaktan kapag nagmamahal, kahit bad boy o good boy pa 'yan. Pero 'pag seryoso ang bad boy, lahat kaya niyang gawin para sa'yo—kahit buhay niya, isasakripisyo."
Napakunot-noo ako. "Pa, parang may pinaghuhugutan ka, ah? Bad boy ka rin ba dati? HAHAHAHA! Ma! She's dating the bad boy ka pala dati e!"
Sumilip si Mama mula sa kusina at walang kaabog-abog na sumagot. "Yang papa mo? Eh mas takot pa nga 'yan sa'kin noon!"
Natawa ako. "Aba, matindi pala, Ma! Di nagtagumpay ang pagiging bad boy ni Papa!"
"Hay, anak, maligo ka na lang at baka ma-late ka pa," sabi ni Papa habang umiiling-iling.
"Opo, opo, eto na po!"
Pero kahit matapos akong maligo, hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Papa. Magse-seryoso raw ang bad boy? Maniniwala lang ako ‘pag nakakainom na ako ng tubig dagat na hindi ako nasusuka.
Habang naglalakad ako papasok ng school, nagtataka ako kung bakit parang may kakaiba. Parang lahat ng tao, nakatingin sa akin? At hindi lang basta tingin — nagbubulungan pa!
Naramdaman ko ang kakaibang presence sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon.Putik.
Si Brent at Voughn, nasa likod ko! Tapos, sa magkabilang gilid, hindi kalayuan, nandoon din si Jace at Glenn.

BINABASA MO ANG
The Bet that Altered Everything
RomanceSa isang nakakatakot na kwento ng pag-ibig at swerte, may apat na lalaki ang kilala sa isang unibersidad ngunit iisang lalaki lamang ang matapang na sumubok pahulugin ang isang babae. Ang isang pustahan na nag bago sa buong kwento.