Track 45: Revenge

41 7 0
                                    

IORI'S POV:

--
INALIS
ko ang mga dahon na naging dahilan para matabunan ang lapidang nasa harapan ko at tanging Martin na lang ang nababasa ko. Nang tuluyan ko nang maalis ang dahon sa paligid, agad kong inilagay ang bulaklak na dala ko sa tabi ng lapida at sinindihan ang kandila na dala ko.

"Kumusta ka naman diyan sa kabilang buhay? Siguro masaya ka na kasi wala ka nang mararamdaman na sakit, diba? Huwag mo kaming alalahanin dito dahil okay lang naman kami lalong-lalo na si Felip."

Sharmaine Lei Martin ang nakasulat sa lapida na nasa harapan ko. Siya ang taong tinutukoy ni Felip noong magkita kami rito sa sementeryo at hindi ko akalain na dito niya sa Pilipinas inilibing ang bangkay ng girlfriend niya kasama ang anak nila.

Pinsan ni Rent si Sharmaine at isa sa mga branches ng pamilya Martin ang angkan na pinagmulan ni Sharmaine. Hindi ko man siya nakita sa personal, alam kong mabait siya at mahal niya ang kapatid ko.

"Aalis na tayo, Iori. Hindi ka pa ba tapos?" Untag sa akin ni Felip kaya naman tumayo na ako mula sa harapan ng lapida ni Sharmaine at saka nagsalita.

"Kita mo itong boyfriend at Ama ng anak mo? Masyadong mainipin. Multohin mo na lang siya nang hindi ako napagdidiskitahan niya--"

"Iori!"

"Oo na! Nagpapaalam pa ako kay Sharmaine eh." Balik na sigaw ko kay Felip na nasa loob na ng sasakyan. Tuluyan na akong nagpaalam kay Sharmaine at tinahak ang daan patungo sa sasakyan ni Felip at nang makapasok ako sa passenger seat, agad niyang pinasibad ang kotse patungong airport kung saan naghihintay si Homare.

"Ready ka na?" Bungad sa akin ni Doc Gun nang makapasok ako sa loob ng Homare. Nandoon si Thud, Warren, Duke, Melvin, Sytry, Ruax, Griffin, Astaroth at iba pang myembro ng RDM Speed.

"Born ready." Nakangiting sagot ko.

Gun patted my head as he turn his back on me. Kaya naman umupo na ako sa tabi ni Melvin at kinabit ang seatbelt sa katawan ko.

It's been a month since I came back where I belong and it feels home inside the RDM Speed. Ayaw sana akong bitawan ni George pero wala itong nagawa nang makita niyang desidido ako sa balak ko. Gusto ko kasing magretiro sa ilalim ng pangangalaga ng RDM Speed at muling makasama ang mga kaibigan ko.

Sa totoo lang hindi naging madali sa akin ang lahat pero sila na mismo ang gumawa ng paraan para magka-ayos kaming lahat. Ako 'yong tumalikod sa kanila pero ako pa ang sinuyo nila hanggang sa humingi ako ng tawad.

Hindi naman masusukat ng trabaho nila ang pagkatao na meron ang bawat isa sa HuPoFEL at Bloodfist. Naging sarado lang ang utak ko noon dahil sa mga nangyayari sa akin at hindi ko matanggap ng lubos dahil sa tulad nila, nawala ang Mommy ko at naiwan akong mag-isa.

Pero hindi ibig sabihin na delikado ang trabaho nila ay gano'n na rin ang kanilang pagkatao. HuPoFEL and Bloodfist's are all amazing people I've ever meet at nasaksihan ko kung paano silang manatili sa isa't-isa sa hirap man o ginahawa. Isang masayang pamilya ang nakita ko na hindi ko naranasan sa buong buhay ko.

That forbidden mountain change my life. Akala ko, nang dalhin ako ni Sytry sa HuPoFEL masasagot lahat ng tanong ko pero nagkamali ako. Balot ng misteryo ang bundok na 'yon at sa likod nito naninirahan ang mga taong walang ibang hinangad kundi ang kapakanan ng taong mahal nila kaysa sa kanilang sariling kaligtasan.

Luther made an impossible world for them but he make sure that the person he adopt, that person will be a good example of life. At dami ng pinagdaanan nila, nanatili pa ring nakatapak sa lupa ang kanilang paa at kahit sinubok ng panahon, nananatili silang magkakasama.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon