Track 6: Insults

40 8 0
                                    

IORI'S POV:

--
MAAGA pa lang nasa byahe na kami. Gamit ang van ng RDM Speed, magkakasama kami nina Thud, Ruax, Griffin, Melvin, Warren at Duke habang si Sytry at Astaroth ang magkasama sa truck kung saan naroon ang mga sasakyan na gagamitin namin mamaya sa laban.

Panay ang hikab ko habang nakaupo sa likurang bahagi ng van. Nasa unahan nakaupo si Thud bilang driver at sa tabi nito si Griffin, sa sunod na upuan ay si Ruax at Warren at si Melvin naman ang katabi ko.

"Parang puyat na puyat ka, ah? Umuwi ka pa ba ng Laguna?" Usisa sa akin ni Melvin nang mapansin nitong panay ang hikab ko habang nasa byahe kami.

"Hindi. Sa condo ako ni Michael tumutuloy. Hindi lang siguro sanay ang katawan ko sa pag-gising ng ganito kaaga."

3 am pa lang binubulabog na ako ni Warren. Sinabi rin nito na nag-text siya sa akin kagabi na hindi ko nabasa agad dahil nakatulog ako habang hawak-hawak ang cellphone ko.

"Mahaba-haba pa naman ang byahe natin. You can sleep if you want, lilipat na lang ako ng upuan para makatulog ka ng maayos."

Tumango ako kay Melvin pero hindi ko siya hinayaan na lumipat ng upuan. May dala naman akong neck pillow at isinandal ko na lamang ang ulo ko sa bintana. Madilim pa naman ang kalsada kahit na 5 am kami bumyahe papuntang Tarlac.

Bandang 6 pm gaganapin ang karera kaya may oras pa kami para maghanda at may oras pa akong matulog ng mahaba.

Hindi ko alam kung na saan na kami nang maramdaman ko ang marahang tapik sa balikat ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Melvin.

"Tara sa jollibee. Kakain daw sabi ni Boss Thud."

Nailinga ko ang paningin ko sa loob ng van at kami na lang pala ni Melvin ang naiwan. Naunang bumaba si Melvin at saka ako nag-ayos ng sarili ko. Sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok na ngayon ay sabog-sabog na at tinignan ang sarili ko sa salamin at baka may tuyong laway ng hindi ko namamalayan. Balahura yern?

Pagbaba ko ng sasakyan, naghihintay pa rin pala sa akin si Melvin kaya naman inaya ko na itong pumasok sa fast food chain. 6 am na pala ng umaga, kaya pala naisipan nilang mag-stop over muna.

"Saang lugar na ba tayo?"

"Angeles. Malapit na tayo."

Pagpasok namin ni Melvin, nadatnan namin sina Griffin sa mahabang table at mukhang sila na ang naglagay no'n tutal madami kami.

Umupo ako sa tabi ni Griffin at naupo naman sa harap ko si Melvin. Si Warren at Thud ang nag-order ng pagkain namin kaya hinayaan na lang namin sila.

"I guess you're still sleepy?"

Napalingon ako kay Ruax na naka-upo sa tabi ko at hindi ko namalayan na napapagitnaan pala nila ako ni Griffin.

"Medyo lang."

"Are you nervous about the match later?"

"Hindi. Sanay ako sa karera."

"Why did you choose car racing instead of being sexy like other girls? Don't you love lipstick more than holding a steering wheel?"

I frowned at him. "Not all women are addicted to make-up. I prefer the smell of the steering wheel and the sound of the engine."

"I know women who would rather hold a katana than the make-up you say. Maybe not all women want the same thing."

"Naku, Ruax, huwag ka ng magtaka dyan kay Iori. Walang ibang ginawa 'yan kundi ang bumuga ng alikabok sa kalsada." Sabat ni Melvin.

Inirapan ko ang binata at hindi na rin nagsalita si Ruax. Bakit parang pakiramdam ko, nahihiwagaan sila sa mga babaeng may kakaibang trip sa buhay?

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon