Track 11: Clutch

39 7 0
                                    

IORI'S POV:

--
"BAKIT ba kasi ayaw mo akong samahan na puntahan 'yon?" Pangungulit ko kay Sytry.

Kasalukuyan kaming nasa RDM Speed para magsanay sa nalalapit na race namin sa China. Thud won't be coming with us because he's in Bhutan. I don't have any idea why he should go there do it's not even concerning about me.

"Quit pestering me Iori. I won't bring you there even if you beg." Tamad na sagot ni Sytry. Abala kasi ito sa pagkakalikot ng Chevrolette ni Ruax.

Ang ford mustang ay nanatili sa loob dahil hindi ko pwedeng gamitin 'yon para sa practice kaya ang Lamborghini lang ang ginagamit ko.

Ang dahilan kung bakit pinipilit ko si Sytry na dalhin ako sa HuPoFEL, gusto kong humingi ng tulong sa agency na 'yon at magbabakasakali na may malaman sila tungkol sa kaso ni Mommy lalo na't wala na akong mahitang pakinabang kay Attorney Hidalgo.

Isa pa ang pinoproblema ko ang mga death threats na nakapangalan kay Mommy. Hindi ko alam kung bakit ginagawa 'yon ng kung sino mang nananakot sa akin para huminto sa paghahanap ng sagot tungkol sa pagkamatay ng Mommy ko.

Pasalampak na naupo na lang ako sa couch na nagkalat dito sa loob ng RDM Speed. Hindi na rin naman sumagot si Sytry at mukhang ayaw niya talagang pumayag sa gusto kong mangyari.

"What's with the long face Iori?"

Napatingala ako at tumambad sa akin ang bulto ni Ruax. Nakasuot ito ng jersey jacket na may logo ng RDM Speed at nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng jacket niya.

"Ayaw kasi akong samahan ni Sytry." Pagmamaktol ko.

Umuwi sa tabi ko si Ruax habang nakaunat ang mga paa nito sa sahig. Sa tangkad ni Ruax at sa baba ng kinauupuan namin, nagmumukha siyang higante.

"Where to?"

"Sa HuPoFEL. Sabi niya kasi agency daw 'yon na nag-iimbestiga tungkol sa mga kaso."

Nagsalubong ang kilay ni Ruax sa akin bago nito ibinaling ang atensyon kay Sytry na abala sa pagkakalikot ng chevrolette niya.

"Why do you wanna go there? It's dangerous Iori."

I let out a sigh as I leaned my back on the wall and crossed my arms in front of my chest.

"I wanted to seek an answer about my mother's death, Ruax. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya na gusto ko."

"To be honest, HuPoFEL can help you with that thing you mentioned but it's not that easy to have an appointment there."

"Paano nga?"

I may look like desperate but I will do my best to get what I want.

"Forget it Iori. Don't even try to find that agency because it's not safe. Let's practice before we fly to China the next day."

Tumayo na si Ruax mula sa kinauupuan namin at saka ito naglakad papunta sa pinto kung saan naroon ang oval na pinagpapa-practice'an namin.

Nasabi ko na rin kay Michael na hindi ako makakadalo sa anniversary ng S.A Financial at sa birthday ni Tita dahil 'yon din ang araw na lilipad kami papuntang China. Ayoko sanang magtampo si Tita kaso naiintindihan naman daw nito na pangarap ko ang sumali sa car racing dahil 'yon na lang daw ang alaala na meron ako kay Mommy.

Malaki ang pasasalamat ko sa magulang ni Michael dahil naiintindihan nila ako at hindi nila ako pinagbabawalan sa mga gusto ko. Bagkus, sinusuportahan pa nila ako.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Ruax at inirapan ko pa si Sytry nang tinignan ako nito at lagpasan ko siya para lumabas ako ng oval.

Naghihintay si Ruax sa akin sa labas habang kausap si Melvin. Nang makita ako nito agad itong lumapit sa akin.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon