Track 17: Fight

33 6 0
                                    

IORI'S POV:

--
TINANGGAL ko ang belt na nakakabit sa bewang namin ni Michael at saka ako bumaba ng motor at sumunod naman si Michael sa akin.

Naglakad ako palapit kung saan tumaob si Montejo at ang angkas nito na nanatiling nakalupagi sa kalsada. Marahas kong hinablot ang kwelyo ni Montejo at pinakatitigan ito.

"How does it feel to lose to someone like me again, Montejo?"

"Nothing. Other than seeing you succeed in the race, I want nothing else, Morimoto! I want you to experience the things that your Mother experienced in this field. I'm not done torturing you yet, Morimoto. I am just starting."

Pabalibag na binitawan ko si Montejo at hinayaan ko ito sa kalsada. Tinalikuran ko ito at saka nilapitan si Michael.

"Tara na, Michael." Nauna akong maglakad palayo sa lugar kung saan naroon si Montejo at saka ko tinungo ang sasakyan ni Michael na nakaparada sa isang gilid.

Wala akong pakialam sa perang napanalunan namin. Gusto kong magpahinga at matulog. Masyado akong nagulat sa mga nangyari at hindi ko inaasahan ang pagiging marumi ni Montejo sa karera na ito.

Nang sumakay si Michael sa driver seat, pinakiramdaman ako nito pero hindi ako nagsasalita hanggang sa paandarin niya ang makina ng kanyang kotse at pinasibad 'yon paalis ng Rancho Laguna Seca.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Michael. Alam niyang kapag nagagalit ako ay hindi ako umiimik kaya naman hinayaan lamang ako nito.

Hanggang sa marating namin sng bahay ko, bababa na sana ako nang pigilan ni Michael ang braso ko.

"Ayos ka lang, Iori?" May halong pag-aalala ang boses ni Michael pero hindi ko siya nilingon.

Mariin akong napapikit at saka umayos ng upo hanggang sa bitawan ni Michael ang braso ko na hawak niya. Sumandal ako sa upuan at saka ako bumuga ng hangin.

"Hindi ako okay, Michael. Hindi ko inaasahan ang ganung pangyayari sa loob ng race. Paano kung may nangyaring masama sa'yo? Hindi ako nag-iingat."

"You're the one who gets hurt, Iori. Look at your arm, it's swollen." Turo nito sa braso kong may pasa na nang mahampas ito kanina.

Marahan kong niyakap yon ng isang kong kamay at itinago kay Michael. I know its useless to hide but I can't show it to him.

"Pasa lang ito, Michael. Matatanggal din ito."

Michael let out a sigh as he removes his seatbelt and get off the car. Lumigid si Michael papunta sa gawi ko at saka ako nito pinagbuksan ng pinto at hinila ako palabas ng sasakyan na agad naman akong nagpa-ubaya rito.

"Take some rest Iori. Kung gusto mo, ihahatid kita sa Maynila bukas?"

"Michael, ayos nga lang ako. Kaya ko magdrive pabalik ng Maynila bukas. At isa pa ayokong abalahin kita, may trabaho ka pa bukas diba?"

Tinitigan lang ako ni Michael pero ako na ang kusang umiwas at saka ako naglakad papasok ng bahay ko. Hindi naman na sumunod si Michael na siyang ipinagpasalamat ko kaya naman ini-lock ko na lamang ang main door at saka ako pumanhik ng hagdan patungo sa kwarto ko.

Napasandal ako sa pinto pagpasok ko sa kwarto at hinayaan ang sarili ko na mamahinga doon. Hindi ko alam kung bakit nagawa ni Montejo 'yon at kung bakit niya nasabi na kailangan kong maranasan ang mga bagay na naranasan ni Mommy?

Hindi pa nga ako nakakakuha ng hustisya para sa kanya at hindi ko pa siya naipaghihigante, mukhang nakakuha ako ng kaaway mula sa katauhan ni Montejo.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako naglakad palapit sa kama ko at naupo doon bago ko kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko at sinimulang mag-dial ng numero.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon