Track 21: Meet

50 6 4
                                    

RENT DRAKE'S POV:

--
SA isang round table nakaupo ako sa silya habang nakatitig sa ipad ko. Sa pinakasentro nito ay si Aqueros at sa kanang bahagi nito ay si Senri katabi si Sinji, Dezrail, Trev, at Calvin. Sa kaliwang bahagi naman ay si Reiden Grei, Gun, Thud, at ako.

"Para saan ba ang pag-uusapan natin?" Usisa ni Thud na hindi matahimik ang bibig sa tuwing magkakasama kami.

"Rent.." Tawag ni Aqueros sa pangalan ko.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako umayos ng upo at minanipula ang ipad na hawak ko at may lumabas na hologram sa gitna ng mesa.

Isang kastilyo ang bumungad sa amin.

"This will be Sinji's first mission." Ani ni Aqueros. "Sinji will be with Cassius and Rent on this mission."

I frowned. "Why am I included?"

Aqueros looked at me. "Because I said so."

I just said nothing and let Aqueros explain the hologram in front of us.

"This castle is in Japan. It is hidden from the public eye but it is not unknown to the government that there is such a castle in their area. It is ruled by the Hyuga family and all you have to do is get the scroll that they consider a treasure."

"Scroll? Ano naman ang gagawin mo sa scroll?" May pagtatakang tanong ni Sinji sa kanyang kapatid.

Sa pagkakaalam ko, nangongolekta ng scroll si Aqueros mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa sa hindi ko malamang dahilan at isa na doon ang misyon na itinalaga niya sa kanyang kapatid.

Sinji is not part of the Bloodfist mafia but here she is not exempted from the mission we are talking about.

"It's for you to find out, princess."

Nagsimulang maglatag ng plano si Aqueros at saka ipinakita sa amin ang blue print ng kastilyo. Nasa basement ang naturang scroll at puno ito ng security panel na pwedeng kumuha sa buhay namin.

Alam ko naman na ang gagawin at hindi na ako nakinig pa kay Aqueros hanggang sa malingunan ko si Thud na pilit sumisilip sa Ipad na dala ko.

"The hell do you want?" I hissed.

A grin formed in his lips as he drag his chair towards me. "May progress na ba sa pagiging stalker mo kay Morimoto?"

"I am not a stalker, Thunder Clyborne. Go away!" Hinawi ko pa ang mukha ni Thud palayo sa akin.

Ramdam ko ang pag-ngisi ni Thud dahil hawak ko ang mukha niya.

"Fvck!" Dinilaan ba naman ang palad ko?

"Tangina! Ang asim ng kamay mo. Naghugas ka ba?"

"I will wring your neck if you'll continue pestering me!" Pigil na galit ko rito at marahas na pinunas sa kanyang damit ang kamay kong nilawayan niya.

Napakakulit niyang nilalang! Hindi ko nga alam kung paano itong napasok sa grupo namin dahil sa pagiging makulit at maligalig nito though he's talented when it comes to inventing cars and such.

"Umamin ka muna sa akin na stalker ka!"

"Fvck you!"

"Both of you get the hell out of here!"

Sabay kaming napalingon ni Thud kay Aqueros nang umalingawngaw ang malakas na boses nito sa loob ng conference room at nasa amin na pala ang atensyon nang lahat.

Humalukipkip ako sa upuan ko at iniwas ang paningin ko kay Aqueros na may pagbabanta ang ibinibigay na tingin nito.

I am not afraid of him but I can't ignore the fact that he's the owner of this organization where we are. I do respect him so much to the point I forgot my position inside his organization because of Thunder Clyborne.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon