Track 34: Three words

31 7 0
                                    

IORI'S POV:

--
KABADO ako habang nakaharap sa full lenght mirror na nasa kwarto ni Rent. Binili niya ito para sa akin mula nang mag-stay ako rito sa HuPoFEL. Nakasuot ako ng pulang bistida na may kaunting ruffles sa laylayan at belt sa waist ko na kulay itim. Bahala kayo mag-isip kung anong itsura ng damit ko dahil tinatamad ako mag-describe.

Tube dress sana ang susuotin ko kaso naisip ko ang costume na binigay sa akin ni Sav kaninang hapon. Suot ko na siya ngayon at buti na lang hindi gaanong halata ang buntot sa likuran ko dahil pa-balloon naman ang dress na suot ko.

"Ready, my queen?" Napatitig ako kay Rent nang lumapit siya sa akin nang yakapin nito ang bewang ko at binigyan ako ng magaang halik sa sintido.

Napasimangot ako.

"Why are you ignoring me earlier?" May halong pagtatampo ang boses ko dahil buong maghapon talaga akong hindi pinansin ni Rent. Kinakausap niya lang ako pag kami lang dalawa ang magkasama at walang ibang tao sa paligid namin.

Mabuti na lang at naging abala kami sa back garden at namangha pa ako nang ipakita sa akin nina Sinji, Celine, Saviel, Ernaline, Alanis, at Kastiel ang concept house na pinapagawa nila. Tapos na ang concept house ni Ernaline, Kastiel, Sinji, at Celine. Susunod na ang kay Alanis at sobrang mangha ko sa disenyo nang kani-kanilang bahay. Nakita ko rin ang poison garden ni Luther at meron itong harang at gumawa pa sila ng pathway papunta sa concept house at space kung saan gaganapin ang party namin mamaya. Masyadong malawak ang bundok na ito at pwede na silang gumawa ng sariling baranggay o kaya subdivision.

Rent put his chin on top of my shoulder as he snaked his both arms on my waist while hugging me tightly.

"I didn't ignore you. It's just that, I don't want to get teased by Thud and Gun. They are the most annoying person I've ever known. And if you'll add Sinji and Saviel, they are a walking disaster inside this building."

Humarap ako kay Rent at inilagay ang pareho kong mga kamay sa kanyang batok.

"In short, you don't want them to witness how sweet you are when we are together?" Pang-aasar ko sa kanya.

Rent's lip up a bit and formed it into a grin. He leaned down at me as he claimed my lips and gave me a mind-blowing kiss.

"Yes..my..queen...because..they..are..annoying..and..always..giving..me..headache.." He said between his kisses.

"But you treasure them, right?" Wika ko nang lumapat ang pareho kong kamay sa kanyang pisngi at pinakatitigan ang berde niyang mga mata.

"They are my family, Iori. You will understand why I choose to live here rather than the populated place of a city."

Nasa labas na kasi ito ng syudad pero ilang minuto lang naman ang byahe kaya hindi rin hassle kung pupunta sila sa kani-kanilang trabaho.

Magkahawak kamay na lumabas kami ni Rent. He's not wearing his eyes glasses and he's also wearing a red polo shirt, maong pants and black combat shoes. Bagsak rin ang kanyang buhok at natatakpan ng bangs niya ang berde niyang mga mata pero kitang-kita naman sa malapitan. Sabay kaming pumasok sa elevator at siya na mismo ang pumindot ng button papuntang groundfloor.

Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang elevator at naglakad kami palabas. Halos magulat kami pareho ni Rent kung hindi lang niya ako hinila pabalik nang muntikan akong mabangga ng isang lalaki. His reflexes is damn fast!

"Hey, careful where you are walking." Inis na sambit ni Rent habang nakaharang ang isang braso nito sa pagitan nila ng lalaking may dala ng isang box na puno ng Christmas decorations.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon