Track 41: Yakuza

30 8 0
                                    

RENT'S POV:

--
WALA
akong sinayang na panahon, agad akong nag-utos kay Peréz na ihanda ang lahat ng kakailanganin ko para sa araw nang pagkikita namin ng Hyakki.

Aqueros deliver them a message that I wanted to have a meeting with their head master and no one can resist the name of Bloodfist. Agad nilang sinang-ayunan ang request ni Aqueros kaya naman pumunta si Fynrell at Thorndike sa Luxëmburg kung saan kami naroon.

"Dude, I didn't know you were a King?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gun habang nakaupo ito sa malambot na sofa na nasa kwarto ko mismo. I decided to let them stay inside my room since I need their assistance and I don't want others to hear what should we talked with each other. Balita ko ay may mga galamay si Saavedra sa mga tauhan ko although restricted ang kwarto ko at walang sino man ang nakakalapit kung ipapatawag ko mismo.

"Huwag ka nang magtaka dahil namulat tayo na puno nang misteryo sa paligid natin." Sagot ko.

Kasalukuyan kasi akong nagbibihis ng damit na sinusuot sa tuwing may ensayo ako sa mga royal knights. May kaakibat na selyo ang damit na ito nang pamilya namin at sigurado ako na makikilala ako agad ng Hyakki.

"Kung sabagay tama ka sa sinabi mo. Baka nga magulat na lang ako bigla kung sa mayamang angkan din nagmula si Thud at naglayas lang kasi sakit siya ng ulo."

Dezrail and I both laugh at Gun's statement. We do talk normally like the others do and yeah, we know how to use our own emotions every time we are in each other's company.

"That would be a great revelation for him. Anyway, let's go." Inaya ko na ang dalawa at saka kami lumabas ng kwarto ko.

Naghihintay sa amin si Sinji at Kastiel na siyang ipinagtaka ko dahil wala si Saviel.

"Where is Saviel?" Takang tanong ko nang huminto kaming tatlo sa tapat ni Kastiel at Sinji.

"She can't go with us Rent. Maiiwan si Sinji rito kasama si Saviel at baka kung anong gawin niya sa kastilyo mo." Kastiel answered.

I just shrugged my shoulder and order Peréz to look up on Sinji and Saviel. Hinatid kami ni Sinji at Peréz kung saan naroon si Homare dahil lilipad kami ng Japan para makipagkita sa Hyakki. Aayusin ko muna ang lahat bago ko suyuin si Iori at sisiguraduhin kong tahimik pa rin ang buhay niya kahit nasa poder ko siya.

Nasa isang tagong lugar kami nang hardin kung saan naghihintay sa amin si Homare. Naunang umakyat si Gun, Dezrail at Kastiel sa eroplano kaya naman muli kong binalingan si Sinji.

"Ayaw mo talagang sumama?" Usisa ko rito.

Marahang umiling si Sinji.

"Saviel don't want to go with you either, isa pa nandyan naman si Gun at Dezrail kung sakaling may mangyaring masama. May rason din kung bakit hindi kami sasama ni Saviel at alam kong naiintindihan mo 'yon."

Tumango na lang ako kay Sinji at saka ito tinalikuran at tinungo si Homare hanggang sa makapasok ako. Umupo ako malapit sa bintana at binigyan ng huling sulyap ang lugar kung saan ako lumaki.

Hanggang sa unti-unti nang umangat ang eroplano, sa isang iglap nasa himpapawid na kami at sumakit ang ulo ko nang lumapag ang eroplano sa airport ng Japan. Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naunang lumabas habang si Kastiel ay nakasunod sa akin.

Umangat ang kilay ko nang makita ang ilang kalalakihan na may suot na katana sa kanilang bewang at nakabihis ito ng sariling bersyon nila ng yokata.

"You must be Rent Drake Martin? The King of Luxëmburg?" Salubong sa akin ng isang lalaking mukhang sanggano sa laki ng katawan nito at balot ng tattoo characters ang dibdib at braso nito. Gamit ang kanilang wika, sumagot ako at ipinakita ang royal badge ng pamilya ko.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon