Track 33: Perfect Christmas

29 7 0
                                    

IORI'S POV:

--
IT'S already twenty-fourth day of December and we were celebrating the christmas season. Ramdam ko ang diwa ng pasko sa loob ng HuPoFEL dahil naging abala ang lahat sa pagdedecorate ng back garden na pagmamay-ari ni Luther.

Dalawang araw nga palang nanatili si Rent sa kwarto niya at siya na mismo ang nag-alaga sa akin. Ni katiting na bakas ng sugat at pasa ay wala akong makita, maging ang tahi sa ulo ko ay nawala na rin. Masyadong maganda ang ointment na binigay sa akin ni Doc Gun at exclusive lang daw 'yon sa HuPoFEL at wala itong balak na ilabas sa publiko.

Bumalik na rin sa dati ang katawan ko dahil hindi ako hinahayaan ni Rent na magutom. Limang beses ata ako sa isang araw kung kumain at mabuti na lang ay may sariling kusina si Rent sa kwarto niya though my canteen naman sa ground floor kaso tinatamad na lumabas si Rent unless pinapatawag siya ni Luther para magtrabaho.

Nagsalubong ang kilay ko nang madatnan sina Sinji sa kwarto ni Luther at nakita silang lahat doon. Kompleto sila at mukhang may pinag-aawayan si Rent at Sinji habang ang iba naman ay nakapalibot sa isang coffee table na pabilog at tila may pinag-uusapan.

"Quit pestering me, Sinji!" Napipikang wika ni Rent at tila pinipigilan lang nitong sigawan ang babae.

Nakita ako ni Kastiel at Celine nang pumasok ako sa kwarto at nilapitan nila akong dalawa. Nakangiti silang sumalubong sa akin at bigla akong hinawakan sa magkabilang braso at hinila sa isang sulok. Sinenyasan pa ako ni Kastiel na manahimik at saka tinuro si Rent at Sinji.

"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka nagso-sorry sa paninigaw mo sa akin." Sagot naman ni Sinji. Mukhang hindi pa rin nito makalimutan ang ginawa ng lalaki sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Railene na nagbabasa ng libro, habang sina Seiji, Serin, at Shin ay abala sa pagkukulay sa coloring book nila habang binabantayan ni Sav. Si Sky naman ay nasa crib maging ang kambal ni Alanis at Doc Gun na si Arquebus at Elysium. Samantalang ang anak ni Kastiel na sina Kasreil, Kassandra at Kaiden ay natutulog sa kama ni Luther. At si Angelo na abala sa sariling tablet nito, naglalaro ng murder case game.

"Why should I apologize to you? Si Iori ka ba?"

Malakas na singhap ang pinakawalan ni Sinji at napahawak pa ito sa sariling dibdib na tila hindi makapaniwala sa mga salitang binitawan ni Rent. Nagpipigil ng tawa si Saviel, Kastiel, Celine, Ernaline at Alanis sa tabi ko. Hindi pa ako napapansin ni Rent dahil nakatalikod siya sa gawi ko.

"Bakit? Si Iori lang ba ang may karapatan ng sorry mo!?" Bulalas ni Sinji.

"Of course!"

"Oh my god! Si Rent Drake Martin na amoy computer at walking codes, nagiging tao na? Himala na ba ito o nahamugan ka lang!?"

Napapailing na inalis ko ang atensyon sa dalawa dahilan para mapabaling ako kay Railene. Umangat ang isang kilay ko nang makitang Chemistry ang binabasa niya at sobrang kapal no'n para sa isang bata na tulad niya.

"Bakit 'yan ang binabasa mong libro?" Mahinang sambit ko kay Railene.

"Because this is what I want to read than a fairytale book." Aniya.

Napatingin ako kay Ernaline na ngayon ay nakangiti lang at naghihingi ng paumanhin sa inaasta ng anak niya. Actually, na inform na ako ni Sinji at Saviel tungkol sa ugali ni Railene. Mataray talaga ang batang ito at mukhang nagmana kay Perth Dezrail sa pagiging tahimik. Samantalang ang triplets ni Sinji ay maligalig at makukulit maging ang mga anak ni Kastiel. Si Railene at Angelo lang talaga ang nakikita kong behave since magkaedad silang dalawa.

"Fairy tales can model behavior for children and provide a context in which children can evaluate their own emotions and decision making." Wika ko nang muli kong ibaling ang atensyon ko kay Railene.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon