Track 18: Forbidden Mountain

30 7 0
                                    

IORI'S POV:

--
GAMIT ang sasakyan ni Sytry, umalis kami nang RDM Speed. Siya na rin ang nagmaneho tutal siya naman ang may alam kung saan naroon ang HuPoFEL.

Gusto ko sanang convoy kami kaso sabi ni Sytry delikado daw kapag may na-detect na hindi familiar na kotse ang lugar na 'yon at isa pa meron silang secret pathway patungo sa HuPoFEL which is I find it weird dahil masyadong secretive si Sytry tungkol sa agency nila.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nakapangalumbabang tinititigan ang mga building na dinaraanan namin hanggang sa makalabas kami ng syudad na siyang ipinagtaka ko.

"Saan tayo pupunta?" Hindi ko na napigilang magtanong kay Sytry dahil papasok na kami sa isang bundok na ipinagbabawal nang gobyerno. Hindi lingid sa kaalaman ko ang lugar na ito dahil ilang tao na rin ang nagtangka na pasukin ang bundok at alamin kung ano ba ang nakatago rito pero walang sinuman ang nagtagumpay na mapasok ang naturang bundok.

"You'll know when we get there." Tamad na sagot ni Sytry.

Makalipas ang ilang minuto, tumambad sa amin ang mataas na pader at ipinarada ni Sytry ang kotse sa madilim na parte ng lugar na 'yon na walang makakakita sa kinalulunaran namin. Nang masiguro ni Sytry nasa madilim na kaming parte, agad itong bumaba nang sasakyan. Akmang susunod ako sa kanya pero bigla itong nagsalita.

"Stay here, Iori." Sambit nito bago isinara ang pinto ng driver seat. Tanging ang ilaw ng sasakyan ang nagbibigay liwanag sa mataas na pader na nasa harapan namin nang hawiin ni Sytry ang makapal na baging sa gilid na bahagi nito at may lumabas na pulang button na agad pinindot ni Sytry.

Nakarinig ako nang pagyanig nang tila lupa pero namangha ako nang bumukas ang isang pinto na gawa sa bato ang pader na nasa harapan namin. Agad na bumalik si Sytry sa sasakyan at muli nitong minaneho ang kotse papasok nang lagusan na 'yon na gawa sa bato.

Sumalubong sa akin ang makapal na lumot at naglalakihang baging hanggang sa bumulaga sa akin ang isang aspaltong daan at narinig ko ang pagsara ng lagusan na gawa sa bato. Dumiretso ang kotse ni Sytry at halos puro puno ang nakikita ko at pagliko namin sa isang kurbadang daan, isang mahabang kalsada na paahon ang nakita ko.

Makalipas ang ilang minuto, tumambad sa akin ang isang building na sa wari ko ay may apat na palapag at may nakasulat na HUPOFEL sa labas ng building kung saan makikita ang entrada ng naturang gusali. Gawa 'yon sa ginto at talaga namang kumikinang kapag nasisilayan ng ilaw.

"May ganitong building sa gitna ng bundok?" Bulalas ko.

Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko dahil ang restricted na bundok na ipinagbabawal ng gobyerno na pasukin, ay siya palang teritoryo nang HuPoFEL na sinasabi ni Ruax at Sytry.

"Welcome to HuPoFEL, Iori." Wika ni Sytry at hindi pinansin ang tanong ko.

Nang huminto ang sasakyan, agad itong bumaba kaya naman sumunod ako sa kanya hanggang sa makapasok kami nang building. Sumalubong sa akin ang malawak na ground floor at may recieving area pa sa isang sulok na walang tao.

Naglakad si Sytry palapit sa isang pinto at napagtanto kong elevator 'yon. Merong apat na pinto sa harapan namin at lahat 'yon ay elevator. Nang bumukas ang pinto, agad na pumasok si Sytry kaya naman sumunod ako at pinindot nito ang numerong '3' dahil apat na palapag lamang ito.

"Sikreto ba talaga sa publiko ang lugar na ito? Sa pagkakatanda ko, nai-feature na ito sa isang documentary series na restricted ang lugar na ito at walang sinuman ang makakapasok."

"Yes. This mountain is a private property of a certain person and you'll meet him later. Also, about that documentary you just mentioned, we already deleted it from the eyes of the public."

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon