Track 13: Track Limit

51 7 0
                                    

IORI'S POV:

--
HANDA na ang lahat para sa pag-alis namin papuntang China. Tanging si Ruax, Sytry, Warren, Duke, Melvin at ilang staff ng RDM Speed ang makakasama namin.

Wala si Griffin dahil may inaasikaso raw ito pero merong papalit sa kanya pansamantala sa loob ng race. Tinatanong ko nga si Ruax kung si Sytry ba ang papalit pero hindi raw. Susunod daw sa amin ang kapalit ni Griffin.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Usisa ko kay Ruax habang kaharap si Warren, Duke at Melvin.

Isang itim na bag pack ang dala ko na may kaunting damit pamalit once na lumapag ang sasakyan namin sa China.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi kami bumili ng plane ticket though my passport naman kaming lahat na laging pinapaalala ni Warren sa akin na kailangan ko 'yung dalhin. Isang private plane raw kasi ang sasakyan namin na pagmamay-ari ng isa sa mga business partner ng RDM Speed.

"We are just waiting for Homare," Ruax answered when I approached them.

"Homare? Siya ba ang ipapalit kay Griffin?"

Nagsalubong ang kilay ko nang sabay na natawa si Warren at Melvin habang si Duke naman ay nakangisi lang.

"Hindi tao si Homare, Iori. At tungkol sa kapalit ni Griffin, susunod siya sa atin pagkatapos tayong maihatid sa China." Sagot naman ni Warren.

"Eh bakit natin hihintayin ang Homare na sinasabi niyo? Pwede naman na tayong pumunta sa departure area nitong airport?"

"We have our departure area Iori that's why I am asking you to bring your passport without a plane ticket because we don't need it. Don't worry because we will get to China quickly."

Hindi na lang ako umimik at hinayaan sila at saka ko sila tinalikuran at pumunta ako sa isang sulok. Nasa loob pa kami ng airport at mukhang matatagalan ang Homare na sinasabi nila.

Labas pasok rin ang mga tao dito sa airport, may mga naghahabol ng flight at yong iba ay naghahatid lang ng kapamilya nila.

Ganitong-ganito rin ang eksena sa tuwing hindi ako nakakasama sa laban ni Mommy. Minsan sumasakto sa final exam ng school ko ang competition na sinasalihan ni Mommy. May mga panahon na hinhatid ko na lang siya sa airport at minsan din ay hindi na siya nagpapahatid sa akin.

"Iori, tara na?" Umangat ang kilay ko nang tawagin ako ni Melvin. Isa-isa na ring nagsi-damputan ng kani-kanilang gamit ang mga kasama ko kaya naman sumunod na ako sa kanila at sumabay kay Melvin.

Naunang maglakad si Ruax at Sytry kasunod si Warren at Duke na nag-uusap. Tinungo namin ang isang pasilyo na malayo sa normal na dinadaanan ng mga pasahero. Lumabas sa isang itim na pinto sina Ruax at Sytry kaya naman agad kaming sumunod. Nakita ko pa si Ruax at Sytry na nakipag-high five sa security guard na dinaanan namin hanggang sa tuluyan kaming makalabas.

"Nasaan ang sasakyan natin?" Tanong ko nang huminto sila sa gitna ng airport.

"There." Tinuro ni Ruax ang isang open space at wala akong makitang eroplano. Pero sa isang iglap, unti-unti nagpakita sa amin ang isang eroplano na kulay pula na may halong ginto ang disenyo nito.

"Holy sheesh!" Bulalas ko.

"It's a camoflauge airplane made by Glyden Ulysses Norhton with the help of Thunder Clyborne. Let's go." Naunang maglakad si Ruax at Sytry kaya naman agad kaming tumalima hanggang sa makaakyat kami sa loob ng eroplano.

Akala ko sa labas ako mamamangha ng sobra pero lalo nalaglag ang panga ko nang masilayan ang loob ng eroplano. Hindi siya yong typical na pampasaherong eroplano. It looks more luxurious than the normal once. A black leather single and double chair. Mayroon ding nag-iisang upuan sa pinaka-likod kaya 'yon ang pinili ko at halos lumubog ako sa kinauupuan ko sa sobrang lambot no'n.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon