Track 37: End

35 7 3
                                    

IORI'S POV:

--
TUNOG ng baso ang nakapagpabalik sa diwa ko at nakita ko ang bulto ni Michael na kakalapag lang ng isang basong tubig sa coffee table dito sa loob ng kanyang opisina. Umupo si Michael sa tabi ko at iniumang ang baso ng tubig.

"Drink this and stop crying." Paano akong hindi iiyak nang ganito kung pinakawalan ako ng taong mahal ko?

"Masama ba akong tao?" Wala sa sariling tanong ko kay Michael habang patuloy na rumaragasa ang luha sa mga mata ko.

"Hindi ka masamang tao Iori." Aniya bago sumandal sa sofa habang nakade-kwatro ito ng upo. "Mula pagkabata, magkasama na tayong dalawa at kilala natin ang isa't-isa. Hindi ka gumawa ng mga bagay na ikakasira mo. Ano ba ang nangyari? Akala ko patay ka na nang mapabalitang sumabog ang kotseng kinasasakyan mo. Hinanap kita Iori."

I bit my lower lip as I remember that night. Alam kong isa sa maaapektuhan nang nangyari sa akin ay si Michael pero hindi ko siya magawang tawagan noong nasa poder ako ni Rent at noong mga panahong pinahirapan ako ni Cielo.

"That night...that night change my life when Cielo planted a bomb on the back of my car. He abducted me and torture me, Michael." Tahimik lang si Michael sa tabi ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Before that night happened, I was in a bar drinking liquor with Thud. Nagising na lang ako na nasa tabi ni Rent at nanatili ako sa kanyang condo. Inaamin ko may nangyari sa aming dalawa and that was my big mistake. He's not even my boyfriend but I let him take me to his bed. Lumipas ang mga araw na magkasama kaming dalawa sa condo niya at noong umalis siya papuntang Egypt, I decided to visit my Mom's grave. I also meet Felip there and we catch up about his surgery. Nang maghiwalay kami doon nangyari ang lahat. Nagising ako na nakatali sa kama at si Cielo ang una kong nakita."

"It was a hell of a week for me. He punched me, drowned me on a big drum with ice, tied me up on his bed, slapped my face for I don't know how many times he did it. I barely survive. And then one day, someone rescued me and I saw a group of men together with Rent and they killed Cielo's men."

"Recently ko lang nalaman na ang agency na sinasabi ni Sytry ay hindi normal na ahensya na inaakala ko. That forbidden mountain is containing of skilled assassins, doctors, and hackers. In short they are all killers. Before I left that place, a group of syndicate invades the area and they are trying to forbid me from living kaso masyadong masakit ang nalaman ko."

"Do you love him?"

Napalingon ako kay Michael at seryoso lamang siyang nakatingin at nakatitig sa akin.

"H-He did c-confess the night of Christmas."

"Sa nakikita ko sa'yo, wala naman silang ginagawang masama laban sa'yo. Your pain is visible every time you talk about them, Iori. Thud is my friend and I know the reason why they are hiding on that mountain. They are all good people and you witnessed it from the time you stayed with Rent."

"Ito ang unang beses na makita kitang masaktan bukod sa pagkamatay ni Tita Riorin. Ang pagiging mamamatay tao lang ba ang rason mo kaya mo sila tinalikuran o may iba pa?"

Kinuha ko ang phone ko sa bag at binigay ko 'yon kay Michael. Nagtataka siya nang iabot ko 'yon sa kanya pero agad niya namang tinignan at halos manlaki ang mga mata niya.

"What the fvck!? Don't tell me makikipag-kita ka sa kanya?" Pagalit na singhal ni Iori sa akin.

"I need answers, Michael. Kung totoo man ang nasa mensahe na 'yan isasakripisyo ko ang kaligayahan ko. I want to know what happened in the past."

Marahas na tumayo si Michael at nagpalakad-lakad sa harapan ko habang hawak pa rin ang phone ko. Parang na-stress siya bigla nang mabasa ang text message sa phone ko.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon