Track 10: Break

38 9 0
                                    

IORI'S POV:

--
ISANG linggong pahinga ang ibinigay sa akin ni Thud na pabor sa akin. Pagkabalik ko kasi ng Maynila, tumawag sa akin si Attorney Hidalgo na kailangan niya akong makausap para sa kaso ng pagkamatay ni Mommy.

1 pm ang binigay na oras sa akin ni Attorney kaya naman agad ko itong sinang-ayunan at makikipagkita ako sa kanyang law firm ngayong araw.

Dala ang maliit na shoulder bag na naglalaman ng cellphone at wallet. Agad akong lumabas ng condo at tinungo ang elevator. May ibang kasabay ako sa loob ng elevator pero hindi ko sila pinansin. Isang brown polo shirt, leather jacket na bigay ng RDM Speed, black fitted jeans at combat shoes ang suot ko.

Nang huminto ang elevator sa ground floor, agad kong pinindot ang button papuntang basement matapos makababa ng ilang pasahero na kasabay ko sa elevator. Tinungo ko ang basement kung saan naroon ang kotse ko at agad akong pumasok doon bago pinasibad ang kotse patungo sa Law firm ni Attorney Hidalgo.

Mahaba-haba ang magiging byahe ko dahil sa Laguna ang Law firm ni Attorney Hidalgo. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic kaya nakarating agad ako sa Law firm.

Sumalubong sa akin ang assistant ni Attorney Hidalgo na agad akong iginiya sa opisina ng matanda.

"Good afternoon Attorney Hidalgo." Bati ko nang makapasok ako sa opisina nito. Nasa mid 50's na si Attorney Hidalgo and he is one of my mother's friend when she was alive.

Umupo ako sa harapang silya kung saan nakapagitan sa aming dalawa ang kanyang mesa na puno ng dokumento sa ibabaw nito.

"Sorry to called you out of nowhere Iori. According to your Mother's case, hindi na natin siya mabubuksan sa husgado."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"May humaharang sa akin sa tuwing pinipilit kong halungkatin ang mga articles tungkol sa Mommy mo. Mula sa unang laban niya hanggang sa bawian siya ng buhay. Tignan mo ito."

May inilapag na isang puting sobre si Attorney Hidalgo na agad kong kinuha at binuksan 'yon. Isang puting papel na may nakasulat.

'If you don't want to join me in my grave, do not dig out any information about me. - Riorin Morimoto.'

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko at saka ibinaling ang atensyon ko kay Attorney Hidalgo.

"What is the meaning of this Attorney? My Mom won't write a letter like this."

"Alam ko Iori. Kaya nga sinabi ko sa'yo na may taong humaharang sa akin sa tuwing naghahanap ako ng ebidensya tungkol sa pagkamatay niya. Alam mo namang kaibigan ko ang Mommy mo diba? At ginagawa ko ang lahat para matulungan ka. Pero araw-araw may nagpapadala sa akin ng sulat at pare-pareho lang ang laman."

May inilabas na shoe box si Attorney Hidalgo at inilapag ito sa harapan ko. Agad kong binuksan 'yon at tulad ng sabi niya, lahat yon ay sobre na pare-pareho ang nakasulat.

Naalala ko 'yong tungkol sa kompanyang pinakita sa akin ni Mommy. Magbabakasakali ako na baka meron akong makuha na sagot doon.

"May alam ka ba tungkol sa kompanyang itinayo ni Mommy noong buhay pa siya?"

"Meron, pero hindi ako ang may hawak no'n."

Umalis si Attorney Hidalgo mula sa kinauupuan niyang swivel chair at saka ito lumapit sa estante ng mga libro at may kinuha doon. Isang pulang notebook na malaki na agad nitong inilapag sa mesa nang makabalik siya sa harap ko at muling naupo sa swivel chair niya.

"This is the list that Riorin gave me. Nakasulat dito ang mga investors, buyers at partners niya sa kanyang auto company."

Kinuha ko ang notebook at binuksan 'yon. Halos malula ako sa dami ng pangalan na nakasulat doon pero hindi ko sila kilala.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon