"Hi, ganda! Makita lang kita, buo na ang araw ko."
Maharot na sabi ng isang lalaki mula sa likod ko. Automatiko namang napa-irap ang aking mata at napabuntong hininga dahil sa kanya.
"Buti ka pa, ako kasi nasisira, eh." Sarkatiko ko siyang nginitian at pasimpleng inirapan.
Ngumuso lang ang lalaki. Hindi talaga ako tinatantanan niyong lalaking iyon eh.
Siya si Emerald, Business Ad. student. Gusto niya raw ako pero hindi ako naniniwala dahil wala naman akong pake sa kaniya. Isa lang siyang lalaking laging sumisira ng araw ko.
I hate him so much! Lagi niya kasi akong inaasar at napakaclingy pa niya. Ayoko pa naman sa gano'n.
"Napakasama mo na talaga kay Eme." Pa-concern na ani ni Geal.
Siya naman si Geal, kaibigan ko since I was just a child. Siya ang may dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ako.
Agad naman akong napatingin kay Geal at napataas ng kilay sa kanya.
"Argh, bakit ba!? Nakakainis kasi siya." Mataray kong sabi.
"Unfair ka! 'Pag ibang lalaki, ang hinhin mo. Ta's sa akin naman, napakasungit." Ginaya pa nito ang irap ko kaya naman napa-awang ang bibig ko at napa-amba rito.
"Hep! Tama na! Tama na, ha." Pag pigil sa akin ni Geal.
Napa-irap na lang ulit ako sa lalaki at siya namang nakangisi dahil hindi natuloy ang panghahampas ko sa kanya.
" Arg! I really hate that guy" sabay gulo ko sa buhok ko habang nakasandal sa lamesa.
"Chill ka lang. Masasanay ka rin do'n." Pagpapakalma sa akin ni Geal habang hawak-hawak ang dalawa kong balikat.
***
Another day, another ganda-gandahan na naman.
It's Tuesday and I'm wearing my uniform. It's fun wearing a uniform kasi nakakasexy but not in a very hot weather.
Ang banas sa San Pablo! Ta's wala pa akong payong. Yeah, that's life.
"Uy, ganda! Ang init-init, wala kang payong," sabay pasukob sa akin ng payong niya.
Napa-irap na naman ang mata ko dahil sa inis ko sa kanya. Boses pa lang niya, nasisira na araw ko!
Nagtaka naman siya kung bakit bigla na lamang ako huminto sa paglalakad. Nakatingin lamang ako sa kanya nang masama dahil naiinis na ako.
"Ang init-init nga ta's mambi-bwisit ka pa." Mataray kong sabi.
Nginusuan niya na naman ako pero pinapayungan niya pa rin ako.I somehow felt guilty whenever I did this to him yet he still stayed by my side.
Hinatid niya pa ako sa building namin kahit malayo yung building nila sa amin."Thank you, ingat ka."
Seryoso lamang ang pagkakasabi ko sa kanya. Kailangan ko pa rin maging humble, 'no. Kung hindi siguro dahil sa kanya, kanina pa akong sunog dahil sa init.
Tumingin siya sa 'kin na may malaking mata na tila siya ay gulat. Ngayon lang kasi ako nagsabi na mag-ingat siya. I only say 'thanks' to him kasi.
"Sabay ulit ako mag-lunch sa inyo, ha." Ngiti niya sakin
"Kahit naman tumanggi ako, sasabay ka pa rin naman,"
Sabay pabiro akong napa-irap. Ginulo niya pa ang buhok ko at hahampasin ko na sana siya pero tumakbo na siya papalayo. Tinawanan niya na lang ako at umalis na siya.
"Hoy! Kakaiba mood natin today, ah" Sulpot ni Geal sa likod ko.
Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa pagtataka sa kanya.
YOU ARE READING
Airborne Dreams
Short StoryCOMPLETED! 03/17/24 07/07/24 Having a friend is fun especially when it's really a true friend. Yung pwede mo laging kasama, kausap, katawanan at maaasahan mo sa kung saan. Yung tipong para na kayong mag kapatid dahil sa napaka sanay niyo na sa isa'...