Airborne Dreams: VI

13 3 1
                                    


"Be careful," Alalay sa akin ni Emerald.

Kauuwi pa lang namin galing sa clinic. Pina-check-up ko kasi ang paa ko. Ilang araw na kasi siyang masakit. Mabuti naman at walang malalang nangyari. Mild Injury lang naman siya. Binigyan lang ako ni doc. ng gamot at mga cream.

"Gagala sana tayo ngayon, eh, boring kaya ngayon," Ani ni Geal habang nakanguso.

"Pwede naman tayong gumala ngayon, hindi naman masyadong malala yung sakit, eh" Ani ko.

Tumingin naman sa akin kaagad si Emerald dahil sa sinabi ko. Umiling ito.

"Hindi mo pa pwede igalaw nang igalaw ang paa mo because there's a possibility na mamaga siya. Hindi pa siya masyadong healed." Paliwanag nito na lalong nagpahaba ng nguso ni Geal.

"We have wheelchair naman ah, and crutch para mas madaling dalhin," pangungulit ko.

Napangiti naman si Geal nang malaki pagkatapos marinig ang sinabi ko. Nagmaka-awa pa ito kay Emerald na pumayag na siya.

Pumayag nga siya kaso kasama naman siya.

***

Tinuyo ko lamang ang aking buhok at nag-ayos na. Si Geal naman ang nag-ayos ng bulaklak na binigay sa akin ni Emerald. Dumadami na ito hindi dahil tumutubo na ito, nadadagdagan kasi ito kada nalabas kami ni Emerald.

Pinanagutan niya talaga 'yung sinabi niya nung nasa Batangas kami.

"Hay nako, sana all. Kailan kaya ako mag kakaro'n ng sarili kong Emerald. Bakit ba kasi nagpapakatanga si Sean do'n sa babaeng 'yon?" inis na tono nito.

Natawa na lamang kaming dalwa kay Geal. Napa-isip ako, ano na kayang balita sa kanila. Hindi lumalapit si Sean sa ibang babae kundi kay Pacacia lang. Selosa raw kasi ang babaeng 'yon at inaaway kung sino ang malapitan o lumapit sa lalaki.

Kala mo naman pagmamay-ari niya.

Kaya ang laki ng gulat ko nang pumayag siya na makasayaw niya si Geal. Dahil ba wala si Pacacia o dahil birthday nito?

***
" Hmm... sarap." Ani nito habang kumakain ng ice cream.

Nasa tabi kami habang kumakain kami ng ice cream. Nasa park kami pero hindi ito 'yung lagi naming pinupuntahan ni Geal.

Medyo malayo ito sa lugar namin at hindi ko rin alam kung saan ito. Basta na lang kami dinala ni Emerald dito.

" Napag-usapan kasi namin ni Cici about planning after graduation. So, ikaw, ano plano mo?" tanong nito

Napatingin din ako kay Geal at inaabangan kung ano ang isasagot niya. Kahit alam ko naman ang isasagot niya.

" I will pursue my dream to have a cafeteria. Cicie knew how much I love cooking. Pero bago 'yon, I wanna pursue our dream together." Ngumiti ito bago magsalita. "To be a Flight Attendant. After noon, if everything is settled, I wanna travel with Cicie. Gusto namin sa France o 'di kaya sa Italy."

Napangiti naman ako sa kilig dahil sa sagot niya. Parehas na parehas talaga kami ng pangarap.

" Sana all, baka kayo talaga sa isa't isa?" ani ni Emerald.

Sabay naman kami nagkatinginan na parang nandidiri kaya sabay din kaming natawa.

" Straight kami, 'no," sagot ko.
"Hindi mo sure" ani ni Geal.

Sabay kaming napatingin ni Emerald sa kanya habang may malaking mata. Aba, nagsisikreto na sa'kin!

"Kanino ka naman nabali, babaita ka?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Inilagay ko pa ang kamay ko sa magkabila kong beywang.

Airborne Dreams Where stories live. Discover now