Airborne Dreams: V

16 3 2
                                    

"Wahh!!" sigaw ko sabay taklob ng unan sa mukha ko.

10:32pm na at nanonood kami ngayon ng horror movie. Ewan ko ba, si Emerald pumili niyan, eh. Si Geal naman, hindi takot sa mga ganyan.

Tawa nang tawa nang malakas si Geal sa tabi ko kaya naman hinampas ko yung hita niya nang malakas.

" Aray ko, hayop!" Hawak niya sa hita niya. Sinamaan niya 'ko ng tingin at ako naman ang natatawa ngayon.

Nilabasan ko lang siya ng dila at nanood na uli.

Lumipat ito sa kabilang side ni Emerald kaya si Emerald na ang nasa gitna namin. Sinubukan ko siyang hilahin pero hindi ko na siya na-abot. Hindi ako umiipod malapit kay Emerald.

Nahihiya pa rin talaga ako hanggang ngayon sa kanya. Lalo na sa sinabi niya kahapon no'ng gabi.

At hanggang ngayon ay pinag-iisapin ko pa rin.

"Hoy, dito ka na! Pikunin ka talaga." Sabi ko. Pero dinilaan niya lang ako. Aba! Taksil!

Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa rin masiyado iniimikan si Emerald. Hindi ko rin alam kung bakit!?

Hindi ko na sila pinansin at nanood na lang. Kahit pa may nalabas na nakakagulat ay pinipigilan ko na mapasigaw. Tawang-tawa naman si Geal dahil alam niyang gustong gusto ko na sumigaw.

Kaso may lumabas na multo...

"Fuck shit! Save me!!" malakas kong sigaw sabay tago sa balikat ni Emerald.

Napahawak naman si Emerald sa likod ko bilang suporta at ito naman si Geal, ngiting-ngti dahil sa kilig. May pagpalirit pa ito.

Bigla naman akong napa-ayos ng upo at nanood na lang.

Tumikhim ako dahil sa kahihiyan ko. Nakahawak pa rin si Emerald sa likod ko at nakatingin na parang nag-aalala.

Natapos na ang pinapanood namin at si Geal ay pumasok na dahil antok na siya. Si Emerald naman ay alam kong antok na pero ayaw pa matulog. Nanonood naman kami ng cartoon movie.

" Why are you not talking to me?" pagsasalita nito habang nakatingin lang sa TV.

Napatingin naman ako sa kanya. Ngunit binaling din agad pabalik sa TV.

"H-ha?"

"Did I do something wrong?" tanong nito na may malungkot na boses. Nakatingin ito sa akin.

" Ha? Wala...wala naman" nauutal kong sabi.

" Come on, Euncie. Say it, please. Ilang araw mo na 'ko hindi kinakausap, eh." Humarap ito lalo sa akin. "Are you uncomfortable about what I've said last day?"

Napatingin ako sa kanya. Natigilan ako nang makita ang matamlay niyang mga mata. Bilugan ang mga ito at tila parang may mga luha na gustong makawala mula roon.

"Don't mind it. And I'm not uncomfortable about last night, it's just... I'm still not used to this."

Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Tinutok ko na lang ang sarili ko sa panonood.

Napakalungkot ng boses niya at feel ko nagi-guilty ako dahil hindi ko siya iniimikan kahit wala naman siyang ginagawa.

Well, he can't blame. It's my first time experiencing this kind of situation. Lahat ng ito ay wala akong ka-ide-ideya kyng ano ang mangyayari. And until now, I'm still thinking of an answer to his question.

Binalot na lamang kami ng katahimikan. Parehas lang kaming nakatutok sa pinapanood namin. Parang sinusumpong na ako ng ka-antukan ko pero ayoko pa matulog.

Naalimpungatan na lang ako nang may humagip sa ulo ko. Si Emerald lang naman iyon. Isinandal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib kaya naman siya ang nagsisilbi kong unan.

Airborne Dreams Where stories live. Discover now