Airborne Dreams: XIII

17 3 2
                                        

"Putangina, hayop ka talaga, Havid!" Malakas na sigaw ko.

"Luh, ginigising lang naman kita!" Takbo nito.

Hahabulin ko na sana siya kaso mabilis siyang nakalabas ng kwarto.

"Letche, aga-aga, eh." Bulong ko sa hangin.

Pa'no ba naman, ginigising ako ni hayop, eh, deputa nilawayan yung ilong ko. Pagkadilat ko pa ay sobrang gulat ko sa mukha niya.

Pa'no gulat? Wahh, gano'n.

Tumingin ako sa tabi ko, wala si Emerald. Bumaba na siguro yon, anong oras na rin kasi.

Kaya bumangon na ako at naghilamos at toothbrush. Habang nababa ako ng hagdan ay nililibot ko ang tingin ko. Walang tao sa sala, siguro ay nasa kusina. Kaya do'n ako dumiretso.

" Mabuti naman at gising ka na. Aalis tayo ngayon." Ani ni Tita Marietta.

"Ay, bet ko yan, tita. Sa'n tayo po pupunta?" Tanong ni Havid.

Tita chuckled. " Syempre, 'di naman mabubuo ang bakasyon na 'to kung 'di tayo pupunta ng beach, right?"

"Talaga, pupunta tayo ng beach, Tita?"

"Oo nga, binge ka rin, eh 'no."

***

"Woohoo, andito na tayo!!" Aniya sabay takbo papunta sa tubig.

Tangina, parang bata.

'Di na lang namin pinasin yung lokong lalaking 'yon at dumiretso na kami sa aming tutuluyan for some days. Ewan, basta tatagal kami rito nang ilang araw.

As usual, kung ano ang set up namin sa bahay nila Sean, gano'n din dito. Katabi ko pa rin si Emerald. Well, I'm not complaining about it, masaya naman siya katabi.

Tanghali na kaya naman tinawag agad kami ni Tita Marietta na nasa baba para kumain ng tanghalian. Pero sabi na lang namin ay susunod ako dahil magbibihis lang ako.

Mag-isa lang ako sa kwarto dahil nakababa na kanina pa si Emerald. Pero biglang pumasok si Geal na naka beach robe na floral. Sumandal pa siya sa dingding para mag-posing.

"Mukha kang tanga," tawa ko na siyanag inirapan niya.

"Bilisan mo na d'yan, nagugutom na 'ko." demand nito.

Kinuha ko na ang damit ko pero bigla niya kong pinigilan.

"Really, 'yan susuotin mo? 'Di ba may bikini ka??" Aniya.

"Ayoko, ito na lang." Ani ko.

Actually, 'di talaga ako nagbi-bikini, pinipilit lang ako ni Geal. Like no'ng birthday niya, pinilit niya lang ako no'n. Ewan ko ba kung pa'no ako napapapayag nitong lukaret na 'to.

" 'Yan ka na naman. Bilis na, para matchy-matchy tayo." She crunched her nose.

See, with that napapapayag niya na 'ko. I took the bikini in my bag and went inside the CR to change.

"Perfect!" Pumalakpak pa ito habang nagtatatalon.

"Ewan ko sa 'yo." Irap ko sabay kinuha yung aking beach robe at agad na ibinalot sa skin.

Hinigit niya na ako papunta sa resto bar na kakainan namin. At pagkakita namin do'n ay napakaraming seafoods. Nilalantakan na nga ng magaling na loko, eh.

"Upo na kayo at kumain." Aniya.

Kumain na kami. Habang nakain pa kami ay nag-iingay na si Shea dahil gusto niya na raw pumunta sa dagat. 'Di naman namin siya pwedeng hayaan mag-isa dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

Airborne Dreams Where stories live. Discover now