Airborne Dreams: III

30 3 0
                                    

These past few weeks, na-busy ako. Lagi akong overtime sa trabaho ko dahil nagkaroon ng concert ang isang banda na galing sa Amerika. 'Di ko sila kilala kaya nag-duty na lang ako.

Si Geal naman, busy kaka-aral. Malapit na kasi ang exam namin. Ako naman, nakakapag-aral naman ako 'pag breaktime ko.

Dinadalaw din ako rito ni Geal para dalhan ng pagkain.

"Isa ngang matcha iced coffee." Sabay bigay ng pera na padabog.

Nakita kong nagulat si Kim, yong cashier namin. Ang tahi-tahimik ng buong shop at nanginginabaw ang boses niya.

"Ano? Titingin ka lang diyan? Gumalaw ka!" mataray at pasigaw nitong sabi.

Dali-daling sinulatan ni Kim ang cup at binigay sa 'kin ang order niya.

Ang babae ay matangkad at medyo maputi. Plakadong-plakado ang make-up niya at mukhang artista. May kasama siyang dalwang babae. Assistant niya ata.

Umupo sila sa isang upuan at busy ang dalwa niyang assistant habang siya ay nag pi-picture lang.
Mga ilang minuto bago natapos ang order niya at saka sinerve sa kanya ni Kim.

Nang inumin niya ito ay ibinuga niya ito. Nag-sisigaw siya kaya lahat ng tao sa shop ay nakatingin sa kanya.

"Ano 'to?! Napakapait!" pag rereklamo nito.

Agad itong lumapit sa cashier at ibinato ang inorder niyang drink. Umuusok pa ang ilong nito sa galit.

"Asan ang manager mo?" sigaw nito.

Agad naman lumabas si Ms. Vela, ang manager namin.

"Yes, Miss? Ano pong problema natin?" Mahinanong tanong nito.

"Yung service niyo, ang panget. Ilang minuto akong nag-intay ta's ang ibibigay niyo sa 'king inumin, mapait!" ani nito.

"Ano bang order nito?" Pabulong na tanong ni Ms. Vela

" Ma'am, matcha iced coffee po." Aniya Kim

Natawa naman si Ms. Vela. Kaya mas lalong sumama ang mukha ng babae.

"Sorry, ma'am, pero matcha iced coffee is a bit bitter. If you don't want bitterness, you should've ordered the iced matcha latte. It's much sweeter and doesn't have a bitter taste." Pag papaliwanag nito.

Umirap ito na parang walang pake sa sinabi ni Ms. Vela.

"Eh, yong service niyo, mabagal!" pamimilit nito

" Ma'am, we take time in preparing our drinks para po ma-satisfied ang costumers name. And we only prepare our drinks for a maximum of 4 minutes." Pagpapaliwanag nito. "Kung gusto niyo po ng mabilis, sana po tubig na lang ang binili niyo. "

Napaawang ang labi ng babae at kita mo talaga na inis na inis na siya.

"Nasaan ba ang gumagawa ng order ko?" sigaw nito.

"Yes? What do you need?" seryosong tanong ko.

"Oh? You!" Napangisi pa ito nang makita ako. "Kahit kailan talaga malas ka, eh. Kaya ka talaga iniwan ng mama mo kasi puro ka mali." Aniya

Oh, now I remember. She's the one who bullied me since I was grade 3. Hanggang ngayon ba, hindi pa rin siya mahal ng mama niya?

"Ganyan ba talaga 'pag walang nagmamahal? Please, ang tanda mo na, hindi ka pa rin maalam mag-isip." Ani ko

Nanlisik ang mata niya sa akin at parang gusto na akong sugurin.

" Sorry, ma'am, if I made you feel vexed, but we didn't do anything wrong. You're the one who's wrong and disrespectful. You don't have the right na sabihan ang shop na 'to na panget ang service. Have you heard yourself? If our shop has the worst service, well, our shop is unlucky to have a costumer like you. Wala kaming kasalanan o mali. You should've asked properly to change your drink. Hindi 'ykng magkakalat ka rito. Hindi ka na nahiya, ang daming nakatingin sa 'yo, oh." Turo ko sa paligid

Airborne Dreams Where stories live. Discover now