Airborne Dreams: VII

14 2 0
                                    


Geal, Havid and Emerald acted differently these past few days. Hindi nila ako masiyado nilalapitan or kinakausap. Even Emerald, minsan ay 'pag nagpapasama ako sa kanya ay nagdadahilan siyang busy.

Kaya si Leikine ang lagi kong kasama. Nagtataka nga rin siya at 'di kami masyadong nagpapansinan ni Geal.

Kada lapit ko sa kanya ay hinihigit niya si Havid. Lumalayo talaga siya sa 'kin. 'Di ako galit pero tampo lang.

Anong dahilan?!

" Havid, tapos ka na ro'n sa project mo?" tanong ko kay Havid.

Hindi niya ako pinansin dahil naka-focus siya sa laro niya. Hindi na ko nagtanong muli dahil hindi rin naman niya ako sasagutin nang maayos.

Nagpapatulong ka ta's 'di mo 'ko papansinin?! Pasapak nga.

Si Geal, absent. Ewan pero dati naman ay nagsasabi 'yon or message man lang pag-aabsent siya. Pero ngayon, wala man lang kahit isang salita. Kahit si Emerald ay hindi rin nag-message sa akin.

" Ie-extend ko ang deadline no'ng pinagawa kong project sa inyo. Para na rin hindi kayo masyadong ma- pressure. Okay, class is dismissed."

Nagsilabasan na ang lahat maliban sa akin. Pinag-iisipan ko kung kakain pa ba ako or hindi na. Vacant kami sa dalwang sunod na subject namin. Ewan ko kung ano gagawin ko sa dalwang oras na 'yon.

Habang naka-ubob ako sa lamesa ko ay napansin kong dumaan si Havid at Emerald. Bakit sila andito?

'Di man lang sila tumingin dito o kaya nilapitan ako. Dire-diretso lamang sila sa paglalakad habang nagtatawanan silang dalawa.

Umuwi na 'ko dahil vacant naman na sa lahat ng subject. Wala rin naman akong trabaho ngayon dahil sarado ang shop. Ang boring naman sa bahay pero no choice dahil nakakatamad tumambay mag-isa.

Pagkadating ko pa lang sa bahay ay naglinis na lamang ako. Diniligan ko ang bulaklak na binigay sa akin ni Emerald. Tinanggal ko ang mga nalantang mga bulaklak at dahon nito.

Bigla naman akong napa-isip kung bakit kaya hindi talaga nila ako pinapansin. Wala naman akong ginagawang masama. Did I offend them or something?

Ang huli naming usap na maayos pa kami ay 'yung nag-sleep over kami rito sa lugar ko.

Kaso habang nagluluton ako no'n at pabalik ako sa sala ay nakita kong nagbubulungan sila. Pero 'di ko 'yon pinansin.

At nang sumapit na ang gabi, nakahiga na lamang ako. Hindi pa 'ko kumakain dahil wala akong gana. Habang nakatingin sa kisame, hindi mapigilan maluha. Ayoko naman tanungin si Geal dahil baka hindi ako sagutin.

Nakalaan na ang tatlong araw at hindi pa rin nila ako pinapansin. Kahit isang salita ay wala akong naririnig sa kanila.

***

Kaka-awas ko lang at umuwi na agad ako dahil pagod na pagod ako ngayong araw. Ang daming ginawa sa school dahil magkakaroon ng event. Dahil busy ang lahat ng prof. ay nagbigay sila ng maraming activities.

Kakabukas-bukas lamang ng pinto ay bigla na lang may pumutok.

" Happy birthday, Cicie!" sabay sabay na sigaw nilang tatlo.

Sa sobrang gulat ko sa kanila ay nabitawan ko na ang dala-dala kong bag. Walang salitang kayang umalpas sa aking bibig. Para akong napipe. Napa-upo na lang ako at napaluha.

Kumanta na sila ng happy birthday sa akin at tawang-tawa si Havid sa akin dahil sa pag-iyak ko.

"Happy birthday, bebe," natatawa nitong sabi habang inaalis ang buhok na humaharang sa mukha ko.

Airborne Dreams Where stories live. Discover now