3:30am pa lang ay gising na ako. Nag-message kasi sa 'kin si Ms. Juarez na kung pwede ko ba raw siya tulungan sa pag-aayos dahil pagod na raw ang mga SSG. Well, before ay part ako ng SSG pero hindi na ako sumali noong nagkaroon ng bagong election.
Naligo na ako at inayos ang kailangang dalhin. Nag-double check pa ako dahil baka may makalimutan ako.
Masyado pang maaga at wala pang masiyadong taxi or grab. I mean— malapit lang naman ang school sa apartment ko pero delikado mag lakad dito kapag masiyado pang maaga. Mabuti na lamang ay may jeep na.
“Ang aga mo naman, Ms. Takashi. Pero maigi na rin para mas mabilis matapos. Nagalmusal ka na ba?” ani nito.
“ Opo, Ma’am. Salamat po.” Ngiti ko.
Konti pa lang din ang tao rito. Napaka dilim kaya kada saang punta ko ay may flashlight ako dahil kakaunti lamang ang ilaw dito.
Inayos na namin ang mga gamit na gagamitin sa pageant mamaya. Inuna na namin 'yon dahil mas maraming aasikasuhin do'n.
Maraming magaganap mamaya at siguro ay aabutin kami ng gabi dahil marami talaga. Sports, games at booths. May magaganap pa nga raw na kantahan at sayawan. Kailangan mo lamang magpalista para sumali dahil hindi na sila nag assign, voluntary na lamang.
Habang nag-aayos nga ako rito ay iniisip ko na baka makinood na lamang ako rito dahil hindi naman ako mahilig sa mga gano'n. Hindi nga sana ako pupunta kaso kailangan nga nila ng katulong. Nakakahiya naman kung tatangihan ko.
“ Dapat maririnig kitang kumanta mamaya, ah. Gusto ko na ulit marinig na yanigin mo ang buong unibersidad. Matagal-tagal na rin since last kita narinig na kumanta.” Aniya.
Bahagya naman akong napatawa “Susubukan ko po.”
Before kasi, nung last na kumanta ako pinilit lang ako dahil kailangan makumpleto yung 15 katao na kakanta. Eh, kaso nagkasakit yung isang participant. Nagkataon naman na nando'n ako sa tabihan ng stage at ako ang nahagip nila. Wala silang ka-alam-alam na kaya ko palang kumanta. Nagulat din ako dahil kaya ko pala. Never in my life kasi ako kumanta, lagi lang ako nakikinig sa music.
Natapos na namin ayusin ang mga gamit sa pageant. Pinagpahinga na lamang ako rito ni Ma’am Juarez dahil nakakapagod talaga yung pinagawa niya sa 'kin. Pina-akyat akyat ba naman ako.
7:30am na at marami-rami na rin ang mga estudyante. Sine-set up na nila ang mga booth nila. Natuwa naman ako dahil meron pa ring marriage at jail booth.
[ Geal Farah Blyte]:
Pupunta ka pa?[ Euncie Sora Takashi]:
No choice, pinatulong ako. Kanina pa ‘ko nandito[ Geal Farah Blyte]:
Aga, ah HAHAHAHA[ Euncie Sora Takashi]:
Bilisan mo, ang boring dito[ Geal Farah Blyte]:
Oo, liligo na 'koFor sure, naka-dress ang lukaret na yan. Magpapaganda na naman yan kay Sean.
“ Uy, Sora! Long time, no see.” Ani ng isang lalaki.
Napakunot naman ako dahil hindi ko siya kilala. Pero parang pamilyar ang mukha niya.
“ Ako ‘to, si Vincent. Kasama mo dati sa SSG.” pakilala nito.
“Ah, hello! Long time, no see nga.” Ani ko.
Tumabi ito sa akin at ngiting-ngiti ito. Tagal na no'n last kami nagkita kasi after ko umalis sa SSG ay hindi na kami nagkaka-usap.
“ Kumusta ka naman? Miss na kita kasama sa SSG.” Aniya

YOU ARE READING
Airborne Dreams
NouvellesCOMPLETED! 03/17/24 07/07/24 Having a friend is fun especially when it's really a true friend. Yung pwede mo laging kasama, kausap, katawanan at maaasahan mo sa kung saan. Yung tipong para na kayong mag kapatid dahil sa napaka sanay niyo na sa isa'...