Sa mga nagdaan na araw, wala naman akong ginagawa ay lagi akong tambay sa coffee shop. Minsan nga ay ako lang ang nagbabantay dito. Pero okay lang dahil dagdag din yon sa sweldo ko.
Hindi rin kami masyadong nagkikita ni Geal. Lagi lang kaming magkausap sa telepono. Pero dalawa lang naman iyon, it's either kasama niya si Sean or nasa bahay lang siya.
Si Emerald naman ay minsan ay pumupunta rito. Kasama pa niya si Sola. Nagiging taga alaga na lang siya ngayon.
Si Havid, wala. Wag na yon. Lagi lang naman yon tulog. Pero laging present kapag may galaan na magaganap.
***
Dalawang linggo na nga lang at magaganap na ang graduation namin.
Isang linggo na nga rin walang paramdam si Geal. Ni text or chat ay minsanan lang. Masyadong nawiwili kasama si Sean.
Lagi nga ang kasama ko ay si Havid. Pati si Emerald ay medyo busy din sa nagdaan na araw.
No'n ngang last na labas namin ay ang tahimik niya. Halata mo sa kaniya na malalim ang iniisip niya. Sinubukan kong itanong kung ano iyon kaso iniba niya ang usapan.
Linggo nga ngayon. Kasisimba ko lang kanina pero umuwi ako agad dahil wala naman akong pupuntahan. Nakatambay nga lang ako sa balcon ngayon eh.
Iniisip ko na puntahan ko si Geal sa kanila. Miss ko na siya, tagal na namin hindi nagkikita. Pero may bumabagabag sa isip ko na huwag. Ewan, parang tinatamad ako umalis. Ayoko rin maggayak. Ni paglalakad ay tinatamad ako. Saka na siguro.
Pero gusto ko talaga umalis! Naisipan ko na lang pumunta sa Park para magpahangin. Ang gulo-gulo ng isip ko ngayon.
Ilang oras nga ako nagtagal doon. Naka-upo lang ako at pinapanood ang mga tao at ang ulap.
Nung gumabi na, dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng maiinom. Gusto ko malasing para lang hindi ko maisip yung mga naiisip ko.
Naisipan ko ngang sa sala na lamang para habang nainom ay nanonood ako. Nasa hita ko nga si Sophy, nakahiga. Hinihimas ko lang ang ulo niya habang nanonood.
Medyo marami na nga ang naiinom ko at natama na ito sa akin. Napatingin ako sa telepono kong napaka tahimik. Kinuha ko iyon at dinial ang number ni Geal. Naka ilang ring nga iyon pero walang nasagot. Ilang beses ko itong dinial pero wala talaga.
Ibinaba ko na lang ito. Iniliyad ko ang ulo ko dahil nakasandal naman ako sa sofa. Nahihilo na ako.
Naisipan kong pumunta sa balcon para magpahangin. Dala-dala ko ang lata ng alak. Malamig ang hangin na dumadampi sa aking balat. Tahimik na rin ang labas dahil lumalalim na ang gabi. Tanging ang nakikita ko na lang ay ang mga ilaw ng nga building. Nakaka-relax itong pagmasdan.
Naisip ko na naman si Geal. Hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita o naririnig man lang. Gusto ko talaga siya puntahan pero para bang may pumipigil sa akin na hindi ko malaman.
Pumasok na ako. Naupo ako sa lapag at tinuloy ang pag inom ko. Hindi ko alam kung marami ba yung binili ko pero kasi lasing na lasing na ako. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip si Geal. Ewan ko ba pero bigla na lamang tumulo ang luha ko.
Hayop ka, Geal. Hindi naman kita inaano pero pinapa-iyak mo ako.
Humagulgol lang ako nang humagulgol. Inaalo nga ako ni Sophy. Para ka namang si Emerald. Hay nako, dahil lang siguro ito sa kalasingan ko.
Tatayo pa nga sana ako pero masyado na akong nahihilo para tumayo at magligpit. Ni hindi na ko nakapag hinaw ng katawan kahit lagi naman akong naghihinaw ng katawan kahit lasing na ako. Ang huli ko na lang naalala ay nakatulog na ako sa sofa.

YOU ARE READING
Airborne Dreams
Cerita PendekCOMPLETED! 03/17/24 07/07/24 Having a friend is fun especially when it's really a true friend. Yung pwede mo laging kasama, kausap, katawanan at maaasahan mo sa kung saan. Yung tipong para na kayong mag kapatid dahil sa napaka sanay niyo na sa isa'...