Special Part:

8 2 0
                                    

"Ate Marie, ipagpitas mo nga po ako ng bulaklak. Make sure po na magkaiba ha." utos ko.

"Okay, sir!" tugon nito.

Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin. Napili ako ng aking maiisuot. May lakad kask kaming tatlo. Ay— apat pala. Kasama namin si Kres.

Bumaba na ako nang matapos ako mag-ayos.

"tito, where are you going po?" tanong ni Sola.

Napangiti naman ako. "Secret. Do you want to come?"

"Yes! Yes, please!" nagtatalon pa ito.

"Anong yes? Hindi ka pwedeng lumabas." Sabi ni ate.

Sumimangot naman si Sola kaya naman ay kinarga ko siya. Ang laki laki na niya pero ang sweet niya pa rin sa akin.

"Ayaw ni ate eh. Next time na lang." sabi ko.

Mabilis naman siyang sumang-ayon. Napaka bait talaga nitong batang ito.

Pumunta na ako sa garden para ayusin ang mga bulaklak na ipina-pitas ko. Mas dumami nga pala ang tanim kong bulaklak. Mas nahilig kasi ako.

Tatlong klase ito. Para sa tatlong babaeng importante at napaka importante buhay ko.

Nang maayos ko na nga ay umalis na ako.

"Uy, kumusta kayo?" salubong ni Havid sa amin.

"Okay lang naman." Sagot namin.

" Dahil sama-sama na rin naman tayo, tara inom mamaya?" aya nito.

"Basta libre mo eh."

Bumusangot naman ang mukha niya.

"Nasan na ba yung baklang yon? Napaka tagal eh." reklamo ni Havid.

"Tang ina mo! Maka bakla ka! Nakita nga kitang hinalikan mo yung bakla sa bar eh." sigaw ni Kres na nasa likod namin.

"Ay, andyan ka na pala."

Pumunta na kami sa aming pupuntahan.

Mabigat man sa pakiramdam pero nakaya namin. Mahirap man tanggapin pero pinilit naming tanggapin. Nagpakatatag kaming lahat.

"Hay, nakaka-miss." Malungkot na sabi ni Kres.

Inilapag na namin isa-isa ang bulaklak naming dala.

"Napaka ganda niga talaga." sabi ni Sean.

Geal Farah Blyte
Born: May 31, 2003
Died: May 04, 2010

"Walang kupas talaga." hinawakan ko ang lapidang katabi.

Euncie Sora Takashi
Born: January 14, 2004
Died: May 04, 2010

Nagtagal kami roon. Halos inabot na kami ng dilim. Bago nga kami umalis, dumaan muna ako sa isang puntod dito. Ang puntod ng mama ni Euncie. Nagtirik lang ako ng kandila. Nilagyan ko na rin ito ng bulaklak.

"Hi, tita. Napaka bilis ng panahon, ano?" Pilit akong tumawa. "Dati kasama lang ako ni Euncie pumunta rito, ngayon ako na lang ang pumupunta. May dagdag pa, kasama siya sa pinupuntahan ko." Pinigilan kong umiyak.

"Pasensya na po kung hindi ko siya nagawang iligtas nung araw na iyon." Hindi na napigilan ng mga luha kong hindi umalpas sa mga mata ko.

***

Kasalukuyan akong nabyahe ngayon. Ewan ko ba, bigla ko na lang siyang gustong dalawin. Feel ko kasi matutuwa si Euncie kapag ginawa ko ito.

"Nanay Nena!" tawag ko.

Airborne Dreams Where stories live. Discover now