If meron akong worst part sa buhay ko, syempre may BEST part din.
Nandito kami ngayon sa loob ng isang room kung saan kami ay kumukuha ng final exam.
Ang bilis ng panahon, grabe. Dati hirap na hirap pa si Geal na maka habol dahil she forced herself na i-push ang sarili niya sa course na FA kahit hindi talaga 'yon ang number one dream course niya. Pero unti-unti ay nakakahabol naman siya. Yung pagca-cram namin dahil lagi akong inaaya ni Geal na maggala kahit hindi pa kami tapos sa activities at projects.
Those precious time no longer can be done again dahil last sem na lang kami magsasama sama sa universidad na ito. It’s good din naman dahil tatayo na kami sa mga sarili naming paa. Mamumuhay sa gusto naming pamumuhay. Wala nang bawal-bawal for Geal. We can live freely as free as we want.
Hindi pa nag sisimula kayo andito kaming lahat, nagri-ritual.
“ Isaiah 41:10 ‘So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.’
Psalm 46:1 – ‘God is our refuge and strength, an ever-present help in trouble.’ Sa ngalan ng amang makapangyarihan sa lahat, hinihiling po namin na gabayan mo kaming lahat. Sana po ay kami ay makapasang lahat. Sa ngalan ni Hesus, tayong lahat ay mag sabi ng amen.”“Amen.” Sabay sabay naming sinabi.
Kahit ang hindi religious dito naki dasal dahil sa takot na baka hindi makapasa. Nag review naman kami syempre, pero baka kasi may makalimutan kami.
Nakasanayan na naming ganito kami kada kukuha ng exam kada sem. At isa rin 'to sa pinaka mami-miss ko. Hindi man kami gaanong close lahat, pero kahit papaano ay nakakapagsaya kaming lahat.
Nang dumating na ang Prof na mag bibigay sa amin ng test papers ay agad naman kaming napatahimik at napa-ayos ng upo. Para silang nakakita ng multo dahil namumutla ang mga labi nito. I also got nervous dahil sa kanila pero kinalma ko ang sarili ko dahil baka wala akong masagot.
Ngunit bago pa man kami magsimula ay nagpatasa muna kami ng lapis na gagamitin namin sa prof namin. It’s a pamahiin when you’re taking exam. Before raw magsimula ay magpatasa ng lapis sa matalino na kilala mo. Some of them ay sa 'kin na nagpatasa.
“ Putanginaa, yes! Natapos na!” sigaw ni Havid.
“ Grabe, mali-mali yata yung compute ko, shuta!” nagaalala nitong sabi.
Natawa naman ako sa kanilang dalwa. At taka ko dahil sabay silang tumingin sa akin.
“ Iba talaga 'pag matalino, oh. Hindi man lang nagreklamo.”
“ Hoy, nahirapan din naman ako, ‘no. Pero kasi, anong masasagot ko kung hindi ko kinalma yung sarili ko, di ba?” irap ko.
Habang palabas kami ng gate ay nag sabi sa amin si Geal na hinayin daw muna namin si Emerald at si Sean.
Nalimutan ko, pupunta nga pala kami do'n kila Sean dahil pinaghanda kami ni Tita Marietta ng food. Dati kasi no'ng hinatid kami one time ni Sean ay inaya kami ni Tita Marietta na kumain pero dahil anong oras na no'n ay sabi na lang namin ay sa susunod na lamang.
Ilang minuto kaming nag-intay sa ilalim ng overpass at nakita na namin ang sasakyan ni Sean na tumigil sa harap namin.
Agad na kaming sumakay dito dahil ang init. Nakasakay na rin si Emerald at pinaggigitnaan nila akong dalwa ni Havid.
Medyo malayo ang bahay nila Sean sa university kaya nakatulog pa ako sa byahe. Nagising kasi ako ng alas tres para mag-review ulit.
Nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Emerald at dahil malikot ang ulo ko ay hinawakan ito nito.

YOU ARE READING
Airborne Dreams
Historia CortaCOMPLETED! 03/17/24 07/07/24 Having a friend is fun especially when it's really a true friend. Yung pwede mo laging kasama, kausap, katawanan at maaasahan mo sa kung saan. Yung tipong para na kayong mag kapatid dahil sa napaka sanay niyo na sa isa'...