Airborne Dreams: IV

17 2 3
                                    

“Alright, everyone, have a wild time tonight!” Sigaw ng isang DJ saka nag patugtog nang malakas na musika.

Today is Geal’s day, May 31. She planned to have a pool party at their house. She just invited her well-known friends for safety purposes. It was a hilarious night, especially for Geal.

She is wearing a black two-piece swimwear. It was a skirt style to cover her lower part. She’s stunning. Well, I’m just wearing a simple black one-piece and a polo to cover up my body.

Everyone is having fun and being chaotic. While I’m just here at the corner, looking at them. Geal is busy with her guests at ayoko naman siyang guluhin.

“Ang lungkot naman ng bakla na ‘yan” sabi ng isang lalaki sa harap ko.

“Oh my, Kres! Namiss kitang bakla ka!” Sabay yakap sa kanya.

“ Kumusta ka naman? Tagal natin ulit 'di nagkita-kita.” aniya

“ Okay lang, ito buhay pa.” sabay tawa ko.

Nagkwentuhan lang kami rito dahil wala naman kaming ibang kilala rito.

“Ano na meron sa inyo ni Emerald?" Tanong nito. "Nakita ko siya ro'n sa may counter bar, mag-isa lang siya. Ang lungkot niya pa tingnan."

Bigla naman akong napatingin sa kanya pero agad din akong nag-iwas

Ilang linggo na rin nung last naming nakita o naka-usap 'yan. Kahit kay Geal o Havid, wala siyang paramdam.

Ano bang nangyayari sa kanya? Puwede naman siya magsabi sa amin. Our ears are all free to listen to him.

Nagkibit-balikat na lamang ako at ngumiti nang tipid sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya

Bumuntong hininga ako at tumingin sa entrance. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Emerald at tila may hinahanap. Nakasuot ito ng button down plain polo and shorts. He looks attractive in that polo, it suits him.

Napansin ata ni Kres na napatulala ako kaya tiningnan niya kung saan ako nakatingin. At nanliwanag ang mata niya nang makita niya na si Emerald ang tinitignan ko.

“Lasing na ang bebe mo, broken ata. Inano mo 'yon?" biro nito.

Tiningnan ko lang siya ng weird na tingin at saka inirapan siya at umiling. Tuwang tuwa naman si bakla.

“ Ba't 'di mo kaya puntahan?"

Napatingin ako kay Emerald at saka kay Kres. Nag-iwas tingin ako nang tinaas-baba niya ang kilay niya at napa-iling.

Because of boredom, kumuha kami ng makakain ni Kres at ng cocktails. Busy talaga si Geal kaya mamaya na namin siya lalapitan. I wonder kung nasaan kaya si Eme, baka may nakitang kakilala niya dito. Bigla ma lang kasi siya nawala.

Nakasandal lang ang ulo ko sa balikat ni Kres. Hindi pa kami lumulubog sa tubig dahil masyadong maraming tao at masyadong magulo. Mamaya na siguro.

Nililibot ko lang ang mata ko sa mga tao rito nang makita ko si Emerald sa bar area at umiinom ng beer. May lumapit pa sa kanyang babae at sinubukan siyang landiin ngunit pinagtabuyan niya lang ito.

Halata mo talaga sa kanya na lasing na lasing na siya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-inom. Mapungay na ang mata nito at mapula na ang mukha dahil sa kalasingan.

“ 'Di pa ba siya titigil?” nakakunot kong bulong sa sarili.

“ Hoy!” Panggigitla sa akin ni Geal.

“ Oh!... Ano ba!?” gitla ko.

Tinawanan lamang niya ako at tumabi sa akin. Basa na siya dahil kanina pa siya nagbababad.

Airborne Dreams Where stories live. Discover now