These past few days were the WORST and most TIRING part of my life.
Geal doesn't look okay, ang tagal ko nang napapansin pero hindi talaga siya nagsasalita. Wala siyang sinasabi sa akin at alam kong may tinatago siya.
Her face always looks pale at lagi ko siyang nakikitang naghahabol ng hininga. What is really happening to this girl?
Nakita ko siyang naka-upo sa loob ng room, mag-isa lamang siya. Hindi kasi siya sumama sa amin dahil tinatamad daw siya bumaba. I took this chance na tanungin siya dahil nag-aalala na talaga ako sa kanya.
" Geal, please be honest with me, are you sick?" diretso kong tanong pagkalapit ko sa kanya.
Halatang-halata ko sa kanya ang pagkagulat niya dahil nakatulala lamang siya sa may bintana.
"Anong ibig mong sabihin? Of course, I'm okay." nakangiti nitong sabi sa akin
"Eh bakit iba na ang kinikilos mo sa nagdaan na araw? Hindi ka naman ganito, ah?" ani ko
Umiling lamang siya at ngumiti sa akin. Hinawi niya ang buhok ko na humaharang sa mukha ko at inilagay sa likod ng aking tainga.
" OA ka talaga. Okay lang ako, syempre. Puyat lang talaga ako these past few days dahil nag-aaral ako at ginagawa ko yung mga activities. Kailangan ko na makahabol, malapit na 'di ba ang last sem." ngiti nito.
Tinignan ko siya sa mata niya at hindi na ito tulad ng dati. May lungkot na nakapaskil dito na para bang pinipigilan ang mga mata niyang sumaya.
Hindi ko na mapigilan ang maluha dahil sa kanya. Hindi ko kayang makita na ganto kalungkot ang best friend ko.
"Bakit ka naiyak?" gulat nito na natatawa.
" Ikaw kasi, nagsisikreto ka na sa 'kin. Di ba nga, ayoko no'n." Singhot ko.
Tinawanan niya lamang ako at pinunasan ang luha ko.
" Sorry na, alam ko rin kasi na busy ka rin sa mga studies mo kaya hindi na ako nagpaturo pa,"
" Hindi ako sasama kay Emerald ngayon at tuturuan kita." Seryoso kong sabi.
Bahagya naman itong natawa sa akin at umiling " Minsan ka lang magka ganyan sa buhay at unang beses mo pa. Enjoyin mo lang 'yan, don't mind me too much. Besides, may kasabay na ako umuwi." Ngisi nito.
Napakunot naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya " At sino naman iyan?"
" Sino pa ba, e di si Sean" pinatalsik pa nito ang buhok niya sa likod.
Sumeryoso ang mukha ko at naningkit ang mata ko " Hindi ako nakikipagbiruan, ah."
" Luh, totoo nga. Ang sama mo sa akin, ha."
Inalog ko ang balikat niya " Kung sino mang espirito ang sumapi sa katawan ng kaibigan ko, nagmamakaawa akong lubayan nyo siya." Ani ko.
Agad naman ako nitong nahampas " 'Namo ka. Apaka sama mo sa 'kin." ngumuso ito at pinag-cross ang kanyang braso at tumalikod sa akin.
" Please, ayoko ng kaibigang kabit!" iyak-iyakan ko.
Muli nito akong himpas at this time mas masakit na.
" Apaka OA mo, shuta ka! Hindi talaga ako papayag na kabit ako, 'no. Sa ganda kong 'to, gagawin lang akong kabit? No, I deserve more than that"
" Okay na yung una, eh. Dinagdagan mo pa." seryoso kong sabi.
Sinamaan ako nito ng tingin at tumawa naman ako.
" Seryoso ba talaga? Pa'no nangyari yon, eh, 'di ba baliw na baliw 'yon do'n sa nililigawan niya?" Kay Pacarat- eh, Pacacia pala
YOU ARE READING
Airborne Dreams
Kısa HikayeCOMPLETED! 03/17/24 07/07/24 Having a friend is fun especially when it's really a true friend. Yung pwede mo laging kasama, kausap, katawanan at maaasahan mo sa kung saan. Yung tipong para na kayong mag kapatid dahil sa napaka sanay niyo na sa isa'...