03

222 9 4
                                    

Chapter 03
Sa isang maliit na renthouse nakahiga ang isang lalaki sa mattress. Nakapatong ang isang braso sa noo at nakasuot ito ng mamahaling suit at wrist watch na nagkakahalaga ng million euro.

Madumi ang silid— may mga nagkalat na bote ng alak, papeles at tatlong laptop na lahat ay nasa sahig.

'Forgive me Arthur if i leave you again. You always give me favors and simply living with you for a long time is something I unable to give you. I-I'm so helpless.'

Nakita ni Arthur ang sarili sa isang silid kung saan yakap niya ang katawan ng isang babae. Sobra ang payat nito at namumutla.

'I failed to save you again, sister.'

Nabalutan ng apoy ang buong paligid kasunod 'non ang pagmulat ng mga mata ng lalaki na nakahiga sa mattress. Bumugad sa kaniya ang madilim na silid at ang kisame.

Bumangon ang lalaki at bahagya sinuklay ang buhok. Tiningnan ng lalaki ang wrist watch at nakita na 2am pa lang.

"I only slept for 3 minutes, but my nightmare felt like I was slept and tortured for a year."

May dinampot na alak ang lalaki at nang makita na wala na iyon laman agad niya iyon tinapon. Tumama iyon sa pader at nagkadurog-durog.

Napasandal ang lalaki sa pader at sinapo ang noo.

Arthur Cage Nicastro, sa kabila ng natatamasa nitong kapangyarihan, impluwensya at kayamanan ay walang segundo or minuto na naging masaya. Anytime, tila mababaliw siya dahil sa sobrang kalungkutan na nararamdaman niya. Either mabuhay at huminga ay torture pa sa kaniya— mabuhay ng 40 years sa mundo na mag-isa ay isang malaki ng achievement para sa katulad ni Arthur.

Marami na siya napatay, sa sobrang dami ay hindi na niya matandaan sinu-sino ang mga ito at anong dahilan. Kinamumuhian din siya ng kaisa-isang tao na tinuring niya na pamilya sa mundo na iyon to the point na makita siya ay kinasusuklaman nito.

Hindi na ng lalaki makita ang sariling purpose niya sa buhay.

"I'm so hopeless," bulong ng lalaki na ngayon ay nakatingala at nakatingin sa kisame.

Maya-maya bumukas ang pinto at isang lalaki ang naka-suit ang bumungad kay Arthur. Nakayuko ang lalaki.

"Padrino,I have contacted Abott and they are waiting for us at the port. Our personnel are also ready and in position."

Inangat ng lalaki ang tingin at tiningnan ang tauhan.

Habang nasa loob ng sasakyan binuksan ng lalaki ang hawak na liquor flask at iniinom ang laman 'non.

Nagbukas din ito ng kaha ng sigarilyo at hinithit iyon. Kasalukuyan silang patungo sa port nang dumaan sila palabas ng city may babae na lang ang biglang tumawid.

Napahinto ang sasakyan na naging dahilan para maglabasan ang mga tauhan ni Arthur na nakasunod sa sasakyan.

"Jusko lord! Ayoko pa mamatay! Marami pa ako pangarap sa buhay! Hindi pa ako nakakain ng fried chicken at umiikot na baboy!"

Bumaba si Arthur sa sasakyan at nakita niya pinalibutan ng mga tauhan niya ang babae na nakasubsob sa lupa. Nagmamakaawa ito na wag siya patayin.

Bago pa makapagtanong si Arthur may dalawang sasakyan ang dumating at bumaba ang mga ito.

Familiar ang marka na nasa sasakyan dahilan para maitaas ng nga tauhan ni Arthur ang baril nila at itutok iyon sa kabilang panig.

"Nicastro!"

"Triad?"

Napatigil ang babae at nag pabalik-balik ang tingin sa dalawang grupo na ngayon ay nagtutukan na ng baril.

Napamura na lang si Arthur sa isipan at napahilot sa sentido niya. Mas maraming kalat mas matagal ang kailangan niya trabahuhin.

"I hope that your group are know whose territory you are treading on."

Napaatras ang grupuhan. Napatili ang babae after bigla na lang magpaputok ang mga tauhan ni Arthur at binaril lahat ng mga humahabol sa babae.

Nanlalaki ang mata ng babae habang nakaluhod at nakatingin sa mga tauhan ng matandang Truson. Naghihilakbot ang babae after makita ang maraming katawan ng patay na tao.

Lumingon ang babae sa lalaki ngayon na nakatayo sa harapan niya at dahan-dahan nag-angat ng tingin. Madilim masyado ang paligid at natatakpan ang halos kalahati ng mukha nito ng isang malaking sumbrero.

Dahil nasa paanan lang ng babae si Arthur malinaw na nakikita ng babae ang kulay berdeng mga mata ng lalaking nasa harapan niya na mukhang pinaka-boss doon.

Hindi na nagulat si Arthur sa expression ng babae. Iyong takot at tingin nito na para siyang isang halimaw.

"Boss, what are we going to do with this woman?" tanong ng isa sa mga tauhan ni Arthur after tumalikod ang lalaki para pumasok na sa sasakyan niya.

"Let her go, don't waste any more bullets and time. We have more important deals to settle, anyway," bored na sambit ni Arthur. Bago pa makahakbang si Arthur niyakap siya ng babae sa hita at sumigaw.

"Please! Isama mo na ako! Huwag mo ako iwan dito!"

Lahat na shock even si Arthur na napalingon na lang sa babae na umiiyak. Sinabi nito na baka bigla siya multuhin ng mga humahabol sa kaniya kanina. Takot siya sa multo.

"Fuck," mura ng lalaki at hinilot ang sentido sa sobrang pagkairita. Mahigpit ang pagkakayakap ng babae sa hita niya  at ayaw nito umalis.

"Put her inside the compartment, make sure she won't make any noise and won't cause trouble later," pikon na sambit ni Arthur. Hinablot ng isa sa mga tauhan ni Arthur ang babae at kinaladkad sa kabilang sasakyan. Katulad ng utos ni Arthur ay binuksan ng isa sa mga tauhan ni Arthur ang compartment at ipinasok doon ang babae.

Bago pa makatili ang babae ay itinali na siya ng mga tauhan ni Arthur at nilagyan ng duct tape sa bibig.

Naka-pokerface si Arthur habang nasa loob ng sasakyan at may nilalaklak na alak. Nagsimula na umandar ang sasakyan at parang mga basura lang na iniwasan ng mga sasakyan ang mga katawan na nakakalat sa sahig.

Napatingin si Arthur sa phone niya na nakapatong sa upuan ng sasakyan 'nong umilaw iyon at lumabas ang id name.

Son's calling...

"This son of the bitch," bulong ni Arthur  at tiimbagang dinampot ang phone at sinagot iyon.

"How are you dad? did you receive my birthday present earlier? how is it? did you like it?" may excitement na tanong ng lalaki na nasa kabilang linya na may bahid ng pagka-sarcastic.

"Aron, let's talk you m*ther f!ker!do you think don Amordo will let you go after everything that happened! do you really want to die!"

Nag-iigting ang panga ni Arthur habang hawak ang phone niya at kausap ang lalaki sa kabilang linya.

"Why dad? is this what you want? you are the one who trained me and taught me how to hold a d!mn gun," ani ng lalaki na may natutuwang boses then maya-maya ay nagsalita ulit ito. "Dad remember that this m*ther f!ker you take care of was the one who will kill you. You will die before me. Don't interfere with my deals and wait your turn," malamig at puno ng pagbabanta na sambit ng lalaki before pinatay ang tawag.

Kita ngayon ng driver slash kanang kamay ni Arthur kung gaano kagalit ngayon ang boss niya.

Si Aron ang iisang anak ni Arthur na magmamana sa triad in future ngunit in some reason gusto iyon wasakin ng lalaki. Sa edad nito na 22 ay gumawa ito ng sariling grupo na siyang nagsu-surpress both triad at sa iba pang grupo.

Bilang ama naiintindihan ng kanang kamay ni Arthur ang nararamdaman na anxiety at pag-aalala ni Arthur ngunit— itinikom ng matanda ang mga labi.

Hindi din ordinaryong tao ang adopted son ni Arthur siguro dahil ang boss nila ang nag-train sa young master nila at nakuha nito mostly sa personalidad ng boss nila kasama na din ang pagiging calculative nito kaya mas nahihirapan sila ngayon i-tract ang binata. Almost 2 years na 'nong umalis si Aron at wala sa kanila ngayon nakakaalam kung nasaan ito at kung mahanap 'man nila ito ay wala sa mga tauhan nila nakakapagdala sa binata pabalik sa city.

Touch Me and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon