Chapter 22
"What are you doing here? I ordered you to watch over Miss Hilda, didn't I?"May napakagandang babae lumapit sa dalawang lalaki ngayon na nakaupo sa lupa malayo sa mismong bahay kung nasaan si Hilda Alegre.
"I think I scared Miss Hilda earlier and I almost got hit in the forehead with a knife," ani ng lalaki tapos may pinakita sa babae na kutsilyo. Kumunot ang noo ng babae sinabi na hindi trained si Hilda.
"I know but that guy who watches over her doesn't. He almost killed me," ani ng lalaki. Hindi nila nakita iyong patalim kanina na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Kung hindi siya nahila ng kaibigan tapos na siya.
Sinabi ng lalaki na sumandal sa puno at inilagay ang mga braso sa likod ng ulo.
"I don't think we are needed here. That man could kill me with just a kitchen knife," ani ng lalaki. Nakumpirma nilang pinoprotektahan din ng lalaki si Hilda ang hindi lang nila alam ay iyong original ng lalaki na kasama ni Hilda like— hindi mukhang normal na tao lang mula sa city ang kasama ni Hilda.
"Gosh, I made two of you watch over there because we can't trust that guy. He looks suspicious for a normal damn citizen and driver," ani ng babae at hinarap ang dalawang lalaki na nakaupo pa din sa lupa.
"If you sneak out like that and scared Hilda out of whits again. I'll report to the office that someone attacked the house and unfortunately the three of you were killed."
Napatalon iyong tatlo at sabay-sabay na napalingon. Nakita nila si Art na bukas ang mga butones ng suot na sleeve at naglalakad palapit sa tatlo.
Naalarma ang mga ito at agad na nilabas mga sandata nila. Hindi pa din sila naniniwala na ordinaryong mamayan lang ito ng city.
Iba ang dalang presensya ng lalaki. Aura pa lang nito lubha ng delikado.
"What do you want? We just doing our mission here," ani ng babae na salubong ang kilay at mukhang handa na umatake.
Nandoon sila para bantayan si Hilda dahil this past few days nakatanggap sila ng report marami sa tauhan nila naitumba at lahat iyon nautusan na bantayan si Hilda.
May kutob sila na iyong may bantay kay Hilda ang may gawa pero— nakita nila kanina kung paano alagaan ni Art ang babae at buong araw sila nandoon. Walang ginagawa na kahit ano si Art maliban kanina 'nong nakita ni Hilda isa sa kanila tapos natakot.
Sinabihan sila ni Art na magpakilala kay Hilda kung hindi kaya ng mga ito itago presensiya nila. Magkakaroon sila pare-pareho ng problema kung matatakot ulit ng ganoon si Hilda at mag-panic.
"What the heck do you mean?"
"She's pregnant," bored na sagot ni Art. Napatigil ang tatlo. Sinabi din nito na muntikan na madapa si Hilda kanina dahil sa pagkataranta.
Nanlaki ang mata ng tatlo like hindi naman lingid sa kaalaman nila iyong nangyari na aksidente during mission ni Hilda Alegre.
—"Nakakapagtagalog kayo?"
Nanlalaki ang mata na tanong ni Hilda habang nakatingin sa apat na tao na nasa harapan niya.
"Kailangan namin mag-aral ng atleast tatlo or apat na language dahil madalas mission namin nasa labas ng bansa," ani ng nagpakilalang Aoi tapos tinuro mga kasama nila.
"Atleast diba makakausap ko kayo ng maayos at hindi ako nahihilo sa pag-english english niyo," ani ni Hilda na tinuro ang ulo niya.
"Ibig sabihin ikaw iyong nasa bintana kagabi?" tanong ni Hilda at itinuro si Ivory na napakamot sa ulo. Sumagot ng oo ang lalaki at nag-sorry.
BINABASA MO ANG
Touch Me and You're Dead
General FictionSimula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siy...