11

130 3 0
                                    

Chapter 11
Nasa office ni Gabriel Assente si Hilda. Kasalukuyang humihikbi ang babae habang sinasabi nito ang tunay na nangyari.

Grupo pala ng mga sindikato ang mga kumuha kay Hilda at ngayon ay pinatatawag si Hilda ng boss nila para kausapin.

Napasapo si Gabriel sa noo at tinanong ngayon si Hilda paano ito nakatakas. Pagdating kasi ng grupo na pinatawag ni Gabriel para tulungan si Hilda ay nasa labas na si Hilda at wala ng buhay iyong mga kumuha kay Hilda.

Sinabi ni Hilda na niligtas siya ni Art. Napataas ng kilay si Gabriel. Pinatay ng hinire niya na driver iyong limang professional gun man na kumuha kay Hilda?

Gusto itanong ni Gabriel kung ilang taon na iyong driver nang tumunog ang speaker sa loob ng office at pinatatawag si Hilda at Gabriel sa main building.

"Mr Nicastro! Bigyan mo na lang ako ng isang buwan. Magagawa ko mission ko," ani ni Hilda na pinagko-cross ang mga daliri. Sinabi nito sisuguraduhin niya na makakapasok siya sa mansion ng anak ni Arthur. Aalis na siya sa shop at susubukan niya mag-apply as a maid sa sinasabing mansion ni Aron Nicastro.

"And how could you do that?" tanong ni Arthur na naka-cross arm at masama ang tingin na pinukol kay Hilda.

For the second time kasi iniligtas na naman ito ni Arthur after ito ma-kidnap ng ilang sindikato sa kabilang city. Wala pa ito nagagawa sa binigay niya na kondisyon nadagdagan na naman ang utang na loob ni Hilda.

"How about asawahin mo ako tapos gawin mo na lang ako step mother niya,"suhesyon ni Hilda at nagtaas-baba ng kilay.  Pangiti-ngiti pa si Hilda na para bang nakakatuwa sinabi nito. Agad na binawi iyon ni Hilda at napanguso. No reaction kasi si Arthur at kung titigan siya nito para ba na napakaliit niya na nilalang. Natatakot siya na hampasin na lang siya nito na parang lamok.

"Fine, I'll give you on chance Miss Alegre and I'll help you this time."

Sinabi ni Arthur na may gaganapin na party sa La Sosenta Hotel, next month. Imbitado lahat ng kilala na tao doon at sigurado ang lalaki na a-attend ang anak niya to make a deal to someone.

Tumayo si Arthur mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Nahila ni Hilda ang hininga at bahagya napaatras 'nong lumapit sa kaniya ang lalaki at hawakan ang panga niya.

Walang buhay ang mga mata na tinitigan ni Arthur sa mata si Hilda na nakatingala at hindi inaalis ang mata sa kaniya.

"I'll give you invitation for that party. Make yourself presentable and seduce him because if you fail again... I'll make sure this is the last time we see each other," may pagbabanta na sambit ni Arthur at inilapit ang mukha kay Hilda na tila nabato sa kinatatayuan. "Remember, from now on you're life is on mine and I can take it anytime."

Naitikom ni Hilda ang mga labi. Sumalubong ang kilay ni Hilda. Natatakot ang babae ngunit wala siya balak ipakita pa iyon sa lalaki.

Iritang-irita na si Hilda Alegre sa buhay niya. Walang ibang bagay gusto ang ibang tao kung hindi gamitin siya at kuhanin ang buhay niya.

Hilda was annoyed because she live once and many of them want to take it.

They are not a gods to take her life that they did not even give. She's weak at wala 'man lang siya kakayahan protektahan ang sarili niya.

Wala siyang ibang magagawa kung hindi mag-gamble para mabuhay dahil sa ngayon may dalawa lang siyang choice to move forward.

Bumalik sa side ng ama niya at magpakasal sa italiano na kalbo or pumayag sa condition ng isang Arthur Nicastro at pumayag na bantayan ang anak nito.

Kinaya niya ang pang-aabuso ng step mother at sister niya, pag-abandona ng sarili niyang ama at pag-iisa sa buhay. Naiinis siya sa idea na maraming tao sa mundo na iyon ang nakikita niya namumuhay ng tahimik at masaya bakit siya ganoon? Bakit parang araw-araw niya yata need makipagpatintero kay kamatayan para sa kalayaan na gusto niya.

Touch Me and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon