19

91 8 1
                                    

Chapter 19
Habang nagluluto si Art ng pagkain for Hilda inaayos naman ni Hilda mga pinamili nila. Ang dami 'non kaya nako-curious si Hilda paano naipasok lahat iyon ng lalaki doon.

Anyway may mga dumating na appliances sa bahay nila like oven, rice cooker tapos refrigerator. Binuksan ni Art kanina iyong refrigerator tapos pinasok na doon ni Hilda iyong ibang foods na pinamili nila.

Iyong mga can foods ilalagay niya sa drawer pero dahil hindi niya abot iyon humila siya ng high chair tapos sumampa doon.

Bahagya napatingin si Art at pasimple tinapakan iyong metal na nasa ilalim ng upuan sa ganoon hindi ito gumalaw at mahulog ang babae.

"We saw Aron Nicastro earlier. You have already invited him to the house. What is your plan next?" tanong ni Art. Yumuko si Hilda para abutin iyong apat na can na nasa sink.

"Hindi ako sure pero gagawin ko best ko para mapalapit sa kaniya," ani ni Hilda at ipinasok ulit iyon sa drawer.

"Alam mo Art weird lang kasi feeling ko kilala ako ni sir Aron. Ganoon ba talaga kayo dito sa italy like kahit sino hino-hook niyo?" tanong ni Hilda tapos nilingon si Art na kasalukuyang binabaliktad ang pancake.

"Well except me," ani ni Art. Napanguso si Hilda sa isip ng babae malamang iyon since maya asawa na ito.

"I mean feeling ko interesado sa akin si sir Aron. Sa tingin mo naga-assume lang ako?" tanong ni Hilda ulit. Agad na sumagot si Art ng yes.

"Sabi ko nga," ani ni Hilda na naka-pokerface. Masyado honest si Art in some reason gusto niya ito sapukin.

After magluto ni Art inilapag niya na iyon sa lamesa. Agad na nanubig ang bibig ni Hilda after makita madaming pancake.

Umupo si Hilda tapos kumuha agad ng dalawa. Maya-maya may naglapag ng baso ng gatas sa lamesa. Napatigil si Hilda at lumingon.

"I'll buy something outside. Locked the door," ani ni Art at naglakad palabas ng kusina.

"Uuwi ka din ba agad!" tanong ni Hilda. Sumagot ng yes si Art.  Dumiretso si Art sa pinto tapos binuksan iyon. Lumabas ang lalaki at mukhang ni-lock na iyon mula sa loob.

Luminga-linga si Hilda sa paligid. Hindi niya akalain na gusto magkaroon ng sariling bahay pero ayaw niya mag-isa. Paano pala kung wala si Art— naku po.

Imbis kung anu-ano iniisip niya nagsimula na siya ulit magligpit after kumain. Iyong mga natira na pancake tinakpan niya tapos iniinom iyong gatas na binigay ni Art.

"Bakit gatas? Ginawa niya ako bata," ani ni Hilda at ngumuso. Ngunit natutuwa sya dahil nag-effort si Art na ipagtimpla siya tapos pagluto ng pagkain.

Nagkabit-kabit na din si Hilda ng mga kurtina. Nagkabit siya ng kurtina sa bintana ng living room tapos sa sarili niyang room.

Maya-maya kinuha niya na din iyong makapal na cushion na binili niya outside, unan tapos dalawang kurtina para sa room ni Art. Bumili din siya ng lamp shade para kay Art.

Natutulog siya bukas ang ilaw pero hindi si Art. Naaalala niya kagabi nakita niya patay ilaw sa room ni Art, walang kurtina tapos bukas ilaw ng living room.

Mukhang hindi nakakatulog si Art kapag may ilaw so naisipan ni Hilda bumili ng lamp shade.

Inalis na muna ni Hilda iyong cushion ni Art na pagmamay-ari niya. Yakap iyon ng babae at hindi maiwasan ni Hilda mas yakapin pa iyon. Dikit na dikit doon ang natural scent ni  Art. Nailing si Hilda at tinanong sarili ano ginagawa niya. Agad niya iyon binaba sa bakante na upuan na nandoon. Kinuha niya din ang unna ni Art tapos blanket. Inayos na ng babae iyong kama ni Art tapos pinatong sarili nitong cushion tapos inayos higaan ng lalaki.

Touch Me and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon