Chapter 12
Bumaba kami ni Art ng sasakyan after makalampas ng tunnel. Alangan naman kasi mag-ikot kami sa city nang nakasakay sa sasakyan.Lumapit ako sa isang stall. May tinda silang rice ball doon na palagi sa akin dinadala no Art 'nong nasa labas kami ng city.
"Art, look may rice ball. Bili tayo."
"How come you just finished breakfast and you're still hungry," react ni Art habang nakapamulsahan naglalakad palapit sa akin.
"Duhh sabihin mo lang kung ayaw mo. Hindi ba pwedeng gusto ko lang kumain ng ibang dish," ani ko at sinabihan ang tindera na gusto ko bumili ng apat.
"Pare-pareho kasi iyong mga dish na ino-offer sa main building. Nakakasawa iyong pare-pareho iyong dish na kinakain," ani ko. After ibigay sa iyon ni manang kumuha ako ng dalawa at binigay kay Art iyong mga natitira.
Kinuha niya iyon tapos naglakad na ulit kami. Natutuwa na kumagat ako sa hawak ko na rice ball tapos nagpatuloy sa paglalakad.
Napatigil ako after sa kabilang kalsada nakita ko iyong bata na nagbigay sa amin ni Art ng tinapay last time. May ipinakikita itong walang laman na tray sa isang lalaki na mukhang ama nito.
Agad ito binuhat ng lalaki tapos sinampa sa balikat niya. Nagtatawanan ang mag-ama papasok ng shop.
Bigla ko naalala ang dad ko at paano ako nito tingnan 'nong bata pa ako.
"Here."
Napatigil ako at napatingin sa inaabot ni Art. Nagtataka ko siya tiningnan dahil inaabot niya sa akin iyong binigay ko sa kanya na rice ball.
"You look like you're about to cry. Eat them."
Bigla ako tumawa. What the— iniisip niya ba na gutom pa ako kaya naiiyak ako?
"Hindi ko pa nga nauubos iyong kinakain ko. May naalala lang ako. Ang sama mo. Kapag malungkot ako iniisip mo talaga na gutom ako?" ani ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"You are a glutton when it comes to food."
Lumingon ako at pinangkitan siya ng mata. Sinasabi niya ba na patay-gutom ako?
Napanguso ako at sinabi na 'nong nasa mansion ako ng mga Alegre. Hindi ako nakatikim ng ibang pagkain hanggang sa tumuntong ako ng 23.
"Kung hindi patatas pinakakain nila sa akin mais. Medyo maswerte na ako kung may malalaking event sa mansion katulad ng birthday ng step sister ko."
Ako maghuhugas ng mga plato at iyong mga natitira na pagkain ng mga bisita makakain ko.
"Kaya ngayon may pera ako. Gusto ko ibili lahat ito ng iba't ibang klase ng foods tapos tikman sila lahat."
Pinakita ko ulit iyong sobre kay Art na nanatili nakatingin sa akin at kumakain ng rice ball.
"Okay," ani ni Art tapos walang pakialam na kumagat sa hawak niya na rice ball. Napanguso ako. Ang cold talaga nito. Hindi 'man lang ba siya naantig sa kwento ko.
Biglang may dumaan na sport car sa gilid namin ni Art at naglikha iyon ng malakas na hangin.
Napatili ako nang mabitawan ko iyong sobre tapos lumipad iyong mga pera.
"Iyong pera ko!"
Napatalon ako at agad na pumunta sa gitna para pulutin iyon. Dadamputin ko iyong sobre nang makarinig ako ng lagaslas ng gulong at patungo iyon sa direksyon ko.
Pagtingin ko sa kabila may dalawang sasakyan na parating. Nanlaki ang mata ko at bigla yata bumalik sa akin lahat ng memories ko mula pagkabata. Mamatay na ba ako?
BINABASA MO ANG
Touch Me and You're Dead
General FictionSimula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siy...