08

152 6 0
                                    

Chapter 08
"Kaya huwag mo tangkain na tumakas kasi once na lumabas ka ng building na ito intruder ka na. Maga-alarm ang light house at lahat ng miyembro na nasa city na iyon ha-hunting-in ka."

Tiningnan ko iyong light house na nakikita ko mula sa building na iyon. Nakita ko umilaw iyon once at natakot ako. Bakit hindi? Biglang nabalutan ng pula ang buong city as in.

Narinig ko mga usapan ng mga nagbabantay sa akin sa labas na may nakapasok sa city.

After ko mag-shower lumabas na ako ng room tapos katulad ng nakagawian ko na para magpalipas ng oras umuupo ako malapit sa glasswall at tinitingnan ang mga tao sa ibaba.

Umaga na 'non at mukhang lahat busy. Nakikita ko na ang maraming sasakyan na naglalabas pasok sa gate pati na din mga tao na nasa city na kasalukuyang naglalakad patungo sa kani-kanilang pupuntahan.

Napansin ko din sa lugar na iyon na tanging mga naka-black suit lang ang may mga sasakyan. May mga nakakabit sa tenga at bukod sa mga kotse tanging mga ambulansya at fire truck lang nakikita ko na tumatakbo sa kalsada.

At rest bike na ang gamit or mga naglalakad. May mga nakikita din ako mga batang nagtatakbuhan sa gitna ng kalsada at naiiwan ng mga magulang kung saan. Nakakatuwa kasi may mga nakasuit ang bumababa sa sasakyan nila at binabalik ito sa parents nila na para bang kilala agad ng mga ito sino ang magulang ng bata.

Wala din ako nakikita na nag-aaway at malinis ang paligid. Hinawakan ko ang glasswall. Gusto ko bumaba at makita ang buong lugar.

Maya-maya naagaw ang pansin ko nang isang sasakyan na papasok sa gate. Napatayo ako dahil sigurado ako na sasakyan iyon ng padrino.

Paano hindi? Hihigit sa siyam ang nakasunod na sasakyan dito at may simbolo ng dragon na nakapulupot sa cup na nakakabit sa hood ng kotse.

Lahat sila bumaba at napako ang tingin ko sa huling tao na bumaba sa sasakyan at nakasuot ng malaking sumbrero na nagtatakip sa kalahati ng mukha nito.

Nakita ko siya papasok sa kabilang building. Sana magkaroon ako ng chance makausap siya. Ayoko makulong dito habang buhay.

Halos kalahating araw ako na naghintay at walang Gabriel na dumating para dalhin ako sa padrino. Muntikan na ako mawalan ng pag-asa hanggang sa bumukas ang pinto.

Napatayo ako at nakita ko si Gabriel na tumawa. Sinabing halata na nabo-bored na ako doon.

"Kanina pa kita hinihintay. Nakausap mo na ba ang boss niyo?"

Ngumiti si Gabriel sinabi na nandoon nga siya para sunduin ako. Pinatatawag na ako ng boss nila. Muntikan na ako mapatalon dahil sa tuwa.

Agad din naman napawi iyon after actual na makita ko si padrino. Masyado mabigat ang atmosphere. Natatakot ako at dahil doon nakalimutan ko lahat ng sasabihin ko.

"Gabriel told me that you want to talk. I'm curious what is it," ani ng lalaki. Napalunok ako dahil sa lamig ng boses na iyon at lalim. Napaangat ang tingin ko sa lalaki na nakaupo sa pang-isahan na sofa at diretso na nakatingin sa akin.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim pero nakikita ko ng malinaw ang berdeng nga mata nito. Kumikinang iyon na parang mga gemstone.

Napailing ako. Gumising ka Hilda hindi iyon ang reason bakit nandito ka. Huminga ako ng malalim at sinabing gusto ko umalis sa lugar na iyon.

"Didn't you say that we should take you?"

Nagpapasalamat na lang ako dahil nakakaintindi siya ng tagalog pero ang problema hindi ako marunong makaintindi ng english.

Tiningnan ko si Gabriel na nasa likuran ko. Kinakabahan ko tinanong ano sinasabi ng boss niya since masyado ito mabilis magsalita.

"Ikaw daw nagsabi na dalhin ka namin."

Touch Me and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon