16

128 11 2
                                    

Chapter 16
Babangon si Art nang itulak siya ni Hilda ulit pahiga. Hindi nga alam ni Art kung saan nakuha ni Hilda ang lakas na iyon para itulak siya pabalik sa higaan.

"Art— ang init," bulong ni Hilda na ngayon ay nakadikit ang labi sa pisngi ni Art na kasalukuyang pilit na binabalik ang lahat ng senses niya.

Gusto niya itulak si Hilda at the same time wala siyang lakas para gawin iyon. Paanong naging ganoon kalakas ang epekto sa kaniya ng babae?

Nanatili nakaupo si Hilda sa ibabaw ni Art tapos binaba ng babae ang kapirasong tela na nakatali sa katawan niya na nakakabit sa dress na suot niya.

Napahawak si Art sa noo at bigla tumawa. Tinanong ni Art si Hilda kung alam ba nito ginagawa niya.

Madilim ni Art tiningnan si Hilda na ngayon ay half nake na nakaupo sa ibabaw niya. May inosenteng expression si Hilda ngunit kakaiba ang ngiti na binigay nito kay Art.

"Art?"

Wala itong binabanggit kung hindi ang pangalan niya. Inangat ni Art ang sarili at noong itutulak siya ulit ni Hilda pahiga agad na iyon sinalo ng lalaki.

Nagliliyab ang mga matang pinukol ni Art ng tingin si Hilda then sinabihan ito na huwag siya itulak.

Nakadikit ngayon ang labi ni Art sa leeg ni Hilda. Inangat ni Hilda ang isang kamay at pinulupot sa batok ni Art.

"Hold me Art. I'm cold."

Bulong ni Hilda na may malamlam na boses at tingin. Hindi alam ni Art kung ano sumapi sa kaniya nang gabi na iyon dahil sa unang pagkakataon hindi niya nakontrol ang sarili.

Hinalikan niya si Hilda at inihiga sa kama. Hinawakan ang dalawang hita ng babae at isa doon ay inangat niya. Hindi niya inalis ang pagkakatingin kay Hilda habang nakadikit ang mga labi ng lalaki sa hita ni Hilda.

"Don't try to take your eyes off me. You started this," bulong ni Art. Walang pag-aatubili na sinira ni Art ang suot na dress ni Hilda. Tanging puti at manipis na tela na lamang ang tanging nagtatakip sa kahubaran ng babae.

"Art."

Binuka ni Hilda ang mga braso at parang sinasabi na yakapin siya ni Art. Agad na umangat ang lalaki at niyakap si Hilda.

"This is the first and last time you will touch alcohol," bulong ni Art sa tenga ng babae bago binaba ang halik sa leeg ng babae patungo sa dibdib nito.

Nagising si Hilda at agad na napaingit dahil sa biglang sakit na bumalot sa katawan niya galing sa pagitan ng mga hita niya.

Nanlaki ang mata ni Hilda after may ma-realize. Napatakip ng bibig si Hilda.

Noong umaga na iyon gulong-gulo ang babae like— may naka-sex siya tapos hindi niya kilala or maalala ang mukha.

Ayaw niya isipin si Art iyon dahil imposible na mapunta doon ang lalaki at— dumilim ang expression ni Hilda. Parang sirang plaka na umulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Gabriel na may pamilya na ito.

"Ouch."

Mas lalo sumakit ulo niya dahil doon. May kumatok sa pinto at narinig boses ni Fiona.

"Hilda!"

Bumukas iyon at nagulat si Fiona after makita si Hilda. Nagkalat ang mga damit nito sa sahig.

"Hilda ayos—"

Pumasok si Fiona at agad na sinara ang pinto after maaninag si Gabriel na papasok sa kwarto.

"Hey!"

May kumatok sa pinto. Sinabihan ni Fiona si Gabriel na kumuha ng mga damit para kay Hilda tapos pain reliever.

Touch Me and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon