Chapter 17
"Perfect!"Halata naman sa mukha ni Art na naguguluhan ito matapos makita ang isang maliit na bahay. Gawa ito sa kahoy at mukhang napaglipasan na ng panahon dahil sa kalumaan.
Tinanong ni Art kung sure ba si Hilda na doon ni Hilda gusto mag-stay.
"Yes kasi magkakaroon tayo ng mini roleplay," ani ni Hilda. Napatingin si Art.
Noong makapasok sila sa loob bumungad sa kanila ang maalikabok na lugar at punit na mga kurtina.
"If maga-act kasi ako na may kaya sa buhay or something natatakot ako na hindi ako maka-stick ng maayos sa role ko? So? Mas safe kung magpapakatotoo ako," ani ni Hilda then nilingon si Art at kumindat.
"Nabasa ko sa mga novels tapos napanood sa mga drama mas gusto ng mga male lead iyong mga babae na honest!"
Sinuntok ng babae ang hangin. Nakatingin lang si Art. Hindi na pinagtuunan ni Art ng pansin ang babae at dinampot ang plastic bag sinabi na mag-start na sila maglinis kung ganoon.
Natutuwa si Hilda dahil may dalawang room doon. May kusina, sala tapos siyempre bathroom.
Katulad ng sinabi ng may ari ng lupa ayos naman ang kuryente at tubig doon.
"Gosh! Buti na lang kasama kita! Hindi ako marunong magkabit ng ilaw."
Bumaba ng hagdan si Art after ikabit iyong ilaw. Sinabi ni Hilda na bukas na siya mamimili ng kurtina para sa bahay at ilang kitchen utensils.
Tinitingnan ni Hilda ang mga daliri niya at iniisip iyong mga bibilhin pa nila para sa bahay. Nakatingin sa kaniya si Art.
Tumingin ang lalaki sa binta at nakita na papadilim na.
"Let's buy dinner first. It's almost dinner time," ani ni Art. Napatigil si Hilda.
"Hala! Mag-dinner time na pala!"
Bumuga ng hangin si Art at sinabi na siya na bibili sa labas ng dinner nila. Kinuha ng lalaki ang jacket niya.
Tumingin-tingin sa paligid tapos makita na wala tao doon medyo nakaramdam ng takot si Hilda.
Naisip ng babae na sinabi ng matanda matagal na bakante din ang bahay na iyon.
"Sama ako Art! Baka madami multo dito," ani ni Hilda at hinabol si Art palabas.
Hindi na dinala ni Art ang sasakyan. Sigurado kasi sila may mga mabibili sila ulam sa tabi-tabi.
"How was your mission last time?"
—Tiningnna ko si Art na naglalakad sa tabi ko. Nasa bulsa ng pants ang mga kamay nito at nakatingin sa kawalan.
Napaiwas ako ng tingin. Tinatanong niya ba kung ano nangyari sa mismong mission?
"Medyo swerte ako dahil 'nong gabi na nalasing ako sinabi nina Gabriel na na-meet ko daw si sir Aron," ani ko. Napatingin si Art at tinanong ako kung bakit hindi ako sigurado.
"Kasi lasing ako," ani ko. May kinabit sa akin na device sina Gabriel tapos mula doon nakikita nila iyong mga tao na nasa venue at lumalapit sa akin.
Noong gabi na iyon lumapit si sir Aron tapos— sinapo ko ang noo. May nangyari sa amin.
Naiinis ako sa sarili ko dahil paano ko nagawa iyon? Doon pa sa taong hindi ko almost na kilala. Hindi ko din makita ng malinaw iyong mukha ng guy dahil sa sobrang kalasingan.
Hindi nga ako makapaniwala na ako iyon. Iyong pakiramdam ko kasi nanonood lang ako something.
"Sina Gabriel nakakitan. Hindi ko na nakita mukha ni sir Aron dahil sa sobrang kalasingan," ani ko.
BINABASA MO ANG
Touch Me and You're Dead
General FictionSimula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siy...