Chapter 18
Noong magsarap ang pinto ng room ni Hilda. Nag-angat ng tingin si Art at pinako ang mga mata sa room ni Hilda. Tiningnan din ni Art iyong unan na binigay ni Hilda.Ang reason bakit hindi siya nagdala ay karaniwang hindi siya nakakatulog kahit gaano pa ka-exhausted ang katawan niya.
Noong makita niya iyong singsing na nilusot niya lang sa bag niya kinuha niya iyon at sinuot. Naka-connect iyon sa lock ng pinto. Kapag may nagtangka doon na magbukas magba-vibrate iyong singsing at maglalabas ng kaunting electricity.
Ini-activate niya iyon tapos hinagis ang bag kung saan. Humiga na ang lalaki tapos tiningnan ang unan na ngayon nasa paanan niya. Kinuha iyon ng lalaki tapos inilagay sa likod ng ulo niya.
Napatigil siya dahil naaamoy niya ang natural scent ng babae sa unan na iyon. Bigla niya naalala iyong sa hotel room. Napatakip ng labi ang lalaki at bumangon.
"F*ck," mura ng lalaki at ipinatong ang isang braso sa noo niya. Pumikit ng madiin ang lalaki at sa kaunting oras na pag-iisip niya sa mukha ni Hilda hindi niya namalayan na nakatulog na siya.
As in nakatulog siya— nagising lang siya ulit 'nong may nagkakaingay sa labas ng bahay.
Pagbangon niya umaga na at tirik na tirik ang araw. Nagulat si Art doon dahil feeling niya mga limang minuto lang siya natulog.
"Gosh, kahit natutulog ka may suot ka na shades?"
Una niya narinig boses ni Hilda na mukhang napadaan sa pinto ng room niya. Wala pinto doon kaya kitang-kita siya mula sa sala.
Nakita niya si Hilda na naglilinis ng living room. Bumaba ng kama si Art tapos lumabas ng roon niya hawak ang sentido niya tapos dumiretso sa kusina.
Naramdaman niya tingin ni Hilda ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Maghihilamos na muna siya tapos ayain na niya ang babae kumain sa labas.
"Hindi ko mabuksan iyong pinto. Hindi ako nakabili ng breakfast," ani ni Hilda na nagkakamot sa pisngi habang nakatayo sa pinto ng kusina.
"I'll give you a spare key later," sagot ni Art. Binaba ni Art iyong shades niya tapos naghilamos.
Sa isip ni Art bibili siya mamaya ng contact lens. Medyo hassle na sa kaniya gumamit pa ng shades.
Napagpasyahan ni Hilda at Art na kumain na lang sa labas. Pumunta sila sa isang coffee shop.
Agad sila na nakaagaw ng pansin doon kaya napatingin si Hilda sa sarili niya at inamoy ang sarili niya. Nag-shower naman kasi siya kagabi. Tiningnan niya mga tao sa loob tapos napansin lampasan tingin nito sa kanya.
Lumingon siya at nakita niya si Art na nakatingin sa paligid. Tumingin ito sa kaniya at naka-pokerface nito tinanong kjmg hindi ba sila mag-order.
Naka-t-shirt at pants lang si Art pero mukha itong rarampa. Napanguso si Hilda sinabi na napakaswerte talaga ng mga taong biniyayaan ng magandang mukha.
Bakas naman sa mukha ni Art na naguguluhan ito sa sinabi na iyon ni Hilda. Si Art na nag-order as usual since hindi naman ni Hilda maintindihan iyong mga nasa menu.
Naghanap si Hilda ng table para sa kanila ni Art. Nagpapasalamat na lang siya dahil kaunti lang tao doon.
May nakita siya table malapit sa glasswall kaya doon siya pumunta para hintayin si Art.
Umupo doon si Hilda. Maya-maya may tatlong lalaki pumasok sa shop tapos isa sa mga lalaki na ito nakapango ang tingin kay Hilda.
Isa sa lalaki didiretso sa kabilang bahagi ng shop lalayo sa table ng iba pang costumer nang—
BINABASA MO ANG
Touch Me and You're Dead
General FictionSimula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siy...