10

167 7 2
                                    

Chapter 10
Namangha ako 'nong makita ang isang art gallery pero mas mukha yata itong museum na nakikita ko sa mga pictures sa bodega na pagmamay-ari ng mga Alegre.

Maraming tao ang naglalabas-pasok sa lugar at katulad nga ng sabi ni Gabriel imposible makapasok ako sa loob dahil mukhang mayayaman ang mga taong pumapasok sa loob.

Sinabi din ni Gabriel na mukhang mga pili lang din na tao ang nakakakita ng loob ng museum.

Sumilip-silip ako sa entrance ng museum hanggang sa may lumapit sa akin na guard.

"Do you have an appointment miss?"

Napatigil ako. Anong appointment? Narinig ko nagsalita si Gabriel sinabing sumagot lang ako ng no.

Nagdududa na ako tiningnan ng guard at sinabi na bawal doon. Bagsak ang balikat na naglakad ako pababa ng hagdan at palayo sa entrance ng gallery.

Napatigil ako 'nong may nakita akong babae na nakasalampak sa sahig at nagkalat mga paninda nito sa ibaba ng hagdan.

Galit na galit iyong foreigner na sinisigawan iyong babae na nagso-sorry kahit pa mukhang iyong babae naman ang bumangga.

Pagkaalis ng babae agad ako bumaba at tinulungan ko iyong babae na nakaupo sa sahig pinupulot ang paninda niya.

Napatingin ito sa akin tapos nag-thank you. Sinabi ko na ayos lang kahit hindi ko alam kung naiintindihan niya iyon.

"Pilipino ka?

Napatigil ako at napaangat ng tingin. Nanlalaki ang mata nito na nakatingin sa akin. Nagulat din ako.

"Ah oo. Pilipino ako."

Sabay kami na tumayo tapos inabot ko sa kaniya iyong basket.

"Ano ginagawa mo dito? Nagtatrabaho ka din?"

Napatigil ako at agad na umiling. Sinabi ko na naghahanap ako at tinuro iyong gallery.

Lumingon ang babae sa entrance ng gallery tapos tumingin sa akin.

"Hindi sila tumatanggap ng workers diyan. Mga mayayaman lang nakakapasok diyan at sikat iyang gallery na iyan."

Palusot ko lang naman iyon dahil sinabi sa akin ni Gabriel na wala dapat makaalam about sa mission ko.

"Kung gusto mo may work. Hiring iyong shop namin. Need nila ng mascot ayan lang sa harapan."

Napatigil ako after marinig iyon tapos nilingon iyong tinuro ng babae. Agad na kuminang ang mata ko dahil tamang-tama iyon sa mission ko.

Agad ko kinuha ang kamay ng babae at nagtatalon.

"Thank you! Thank you! Kailangan ko talaga ng work."

'Nababaliw ka na ba?'

Hindi ko pinansin si Gabriel na tinatanong ano binalak ko. Mamaya ko na iyon ipapaliwanag sa kaniya.

Maga-apply ako as a worker. Tinulungan naman ako ng babae na nagpakilala na Maria. Ito kumausap sa boss niya dahil hindi nga ako marunong mag-english. Hinihingi ng mga ito dokumento mo. Napatigil ako.

'Accept it. Kami na bahala sa mga documents.'

Noong narinig ko na sinabi iyon ni Gabriel agad ko sinabi sa mukhang manager na bukas ko dadalhin mga documents ko.

Nakakatuwa dahil agad ako pinag-start. Pinagsuot lang nila ako ng mukhang sisiw na costume tapos namigay ng mga flyers. Siyempre hindi ko inaalis ang mga mata ko sa gallery.

Maganda din ito dahil hindi nakikita ang mukha ko. Super liit ng chance na makilala ako ng mga tauhan ng mga Truson habang nasa labas ako.

Sa tatlong araw na pagwo-work ko doon napamura ako dahil hindi ko 'man lang nakita ni anino ni Aron Nicastro as in. Nagpapasalamat na lang ko dahil hindi ako minamadali ng boss nina Gabriel.

Touch Me and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon