Chapter 07
"Take her."Iyon ang narinig ko bago may nagbukas ng compartment at may mga lalaki na inalalayan ako umupo at inilabas nga a lang ako sa compartment.
Compare sa mga tauhan ni Mr Truson hindi sila mga nakakatakot siguro dahil hindi sila mga mukhang bouncers at walang mga hawak na malalaking baril. Hindi din nila ako kinaladkad.
"Sorry, pero kailangan namin takpan ang mata mo," ani ng lalaki na mukhang pinoy din at tinakpan nga ang mga mata ko.
May humawak sa braso ko at pinaglakad ako. Unang nakita ko paglabas ng compartment ay maraming facilities sa lugar. Madami din tao it's just wala lang ang mga ito pakialam.
Parang hindi nila kami nakikita or mukhang hindi 'man lang ang mga ito naku-curious bakit ako nakatali or what.
"Nakakaintindi ka ng tagalog hindi ba?"
"Umm."
Kinakabahan ko tinanong kung papatayin ako ng boss nila.
"Hindi ko alam pero kung dinala ka dito ni boss sigurado may naisip siya na way para gamitin ka. Atleast hindi ka papatayin hindi ba?"
Napalunok ako. Ano? Anong gagamitin? Magandang idea ba iyon? Ang dami ko what ifs 'non hanggang sa tumahimik ang paligid tapos may narinig ako patak ng tubig. Nage-echo iyon.
"Nasaan tayo?" tanong ko. May nagsalita sinabihan na ako ng tahimik.
"Nasa tunnel."
Hindi ko alam kung ilang minuto kami naglalakad at kung gaano pa kami kalayo. Masyado ako na-occupy sa pag-iisip ng tiyura ng paligid. Nakakarinig kasi ako lagaslas ng tubig tapos madaming kaluskos.
"We're here. Take her in the basement and make sure she didn't excape," ani ng isa sa mga boses. Iyon ang huling narinig ko before may ng bumuhat sa akin at parang isang sakong bigas na pinatong sa balikat niya.
Basement? Hindi naman siguro nila ako ito-torture diba? Natatakot ako.
"Where do you think you will take her?"
"Sir Abott."
Napatigil ang lalaki na may buhat sa akin. Sinabi ng lalaking may buhat sa akin na sa basement ako dadalhin.
"No, take her in. Give her a d*mn room for god's sake."
Sinabi nito na walang inutos si Padrino na dalhin ako sa basement. Weird? Padrino ba name 'nong boss nila? Masyado pang matanda ang name. Anyway, buhat pa din nila ako— mukhang pumasok kami sa elevator tapos umakyta pa ng hagdan.
Sobrang tahimik tapos may kakaibang amoy sa paligid. Amoy halaman tapos kahoy.
Kakaiba din dahil wala ako naririnig na mga yabag like— sure ako nasa dalawa at apat ang kasama ko kasama iyong may buhat sa akin pero hindi ko talaga naririnig mga yabag nila.
Tumigil ang lalaki tapos nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Ibinaba ako ng lalaki doon tapos ibinaba ang suot ko na takip sa mata.
Bumugad sa akin ang isang kwarto. May kama, bathroom tapos ilaw. May kalakihan iyon medyo sumakit lang mata ko dahil sa liwanag.
"This a room where you can stay," ani ng lalaki na hindi ko naman maintindihan dahil sa bilis ng pagsasalita. Stay nga lang naintindihan ko.
Pumasok sa room iyong marunong mag tagalog. Medyo na-shock ako dahil ngayon nakikita ko siya sa liwanag hindi siya mukhang pinoy. Mukha itong pure italian. Natandaan ko lang siya dahil sa hairstyle at height.
"Hindi ka marunong mag-english?" tanong ng lalaki. Tumango ako at sinabi din na hindi ako marunong magbasa.
Totoo iyon dahil wala naman nagturo sa akin at hindi ako nag-aral. May nilabas na kutsilyo ang lalaki tapos inalis pagkakatali ng kamay ko.
BINABASA MO ANG
Touch Me and You're Dead
Ficción GeneralSimula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siy...