Kabanata 11

1.6K 49 2
                                    

Natalya's POV:

Dahil nga sa naiwan ko si Charlie ay nagpatawad ako sa kaniya through phone.

Nakiusap pa ako kay Hon na payagan akong ilibre si Charlie para makabawi.

Sabi kong gagala kami dahil I felt sorry for Charlie na naghintay ng matagal para makabalik ako.

After like an hour na pagpapaliwanag ko sa kaniya ay pinayagan niya na ako, make sure ko lang daw na bumalik before 8 pm at 'wag na daw ako magpa-kiss. Lumabas kami ni Charlie at naggala sa mall, kumain na rin. Hindi nga ako mapakali noon kasi may nararamdaman akong nakatingin sa akin kahit wala naman.

Since nung nangyari sa office ay mas naging addict si Brielle sa make love.

Kahit noong kakauwi palang namin ng bahay after work ay yun agad ang sinabi niya.


"Hon, pagod na po tayo. Kailangan na po natin magpahinga" Mahinhin kong tanggi sa kaniya.

"But baby, I want you-no scratch that, I need you right now" Pag-iinarte niya at ngumuso po na animo'y nagpapacute.

"Hon, kapag wala po tayong pasok" 

"That's 3 days of wait, why not do it now?"

"Pagod na po ako, kayo rin po" Kakauwi lang talaga namin at nai-stress pa ako kanina.

"Please baby" Nagpuppy eyes siya na hindi ko mahindian. Kaya pumayag na ako. Alam kong hindi siya magpapatalo kapag make love ang usapan. 


Every time she had the chance na siyang nag-aask na kahit nasa school kami ay gusto niya mag make love kami. She is being insatiable. After isang round lang namin at kapag 'top' ako ay tumba na agad ako. Nakakapagod.

Ngayon ay kumakain kami ni Erica sa isang cafe. Dito kami minsan naggagawa ng lesson plan, at masarap ang tinda nila. Malapit lang kasi ito sa school kaya dito kami dumiretso. Nagpaalam pa ako kay Brielle, at maraming tanong na sinagot bago niya ko hayaan.

Yun rin ang napansin ko, mas lalo siyang naging possessive.

"E-Erica" Nahihiya kong tawag sa kaniya.

"Yes, Nat?" Sagot niya habang naka-focus sa pagtitipa sa kaniyang laptop.

"Ahh naging top na ako dahil sa tinuro mo" Namumula ako habang sinasabi. I know personal ang sinasabi ko pero pinagkakatiwalaan ko naman siya. 

Tumigil siya sa pagtitipa at sinarado agad ang laptop niya. Tutok na tutok siya ngayon sa kin.

"Spill"

"Naging top po ako pero ang hirap pala nun, kasi isang round palang ay tumba na agad ako" Napatawa naman siya. Hindi niya alang alam ang pakiramdam. Paano kaya nakakaya ni Hon na maging top pero hindi agad napapagod? Built different ata siya.

"Anong nakakatawa dun?" Pagtataka kong tanong. Mahirap naman kasi talaga, dapat hindi nalang ako naging top, hmpp.

"Nothing, continue" 

"Matapos nun ay palagi nalang nag-aask si Hon ng make love. Araw-araw na. Hindi naman siya ganun dati" Pagrereklamo ko. Si Erica ang palagi kong tinatanong kapag may problem about kay Brielle, sa mga desires niya. Mas marami siyang alam sa akin sa mga ganitong bagay. Pinagkakatiwalaan ko siya kaya sinusunod ko ang mga sinasabi niya.

Lumakas ang tawa niya na kala mo'y may nakakatawa sa sinabi ko.

"Ibig sabihin lang nun ay hindi siya satisfied sa performance mo" Nagtaka naman ako. Mukha naman siyang natutuwa kapag ginagawa namin yun.

"Alam ko ang nasa isip mo. Yes, natutuwa siya, but you won't reach her desire. She want's you to last long hanggang sa maabot mo ang satisfaction niya." Tumango tango naman ako. Paano yun eh napapagod nga ako.

"I physically can't, Erica. Napapagod agad ako eh" 

"You should start doing work out. Mag gym ka, Nat." Siguro bukas ay mag start na ako.

"Baka kapag hindi mo siya napasaya pa ay hiwalayan ka niya" Ang sinabi niyang iyon ay nagpamutla sa akin.

Ayoko, mahal ko si Hon, at siya ang asawa ko. Hindi kami maghihiwalay nang dahil lang sa mahina kong katawan. 

"Erica naman eh" Naluluha kong sabi. Hindi ko ma-imagine na maghiwalay kami ni Hon. Siya lang ang nakikita ko sa future ko at wala ng iba. 

"Gago, bakit ka naiiyak? Lagot ako kay Brielle nan mala CCTV panmn yun" Nagtaka ako, CCTV? Paano? Nagtratransform si hon tapos nagiging camera. 

"Nat, may gaganapin ata sa bayan. Punta tayo tapos kain tayo dun" Natuwa naman ako. Gusto kong pumupunta sa mga ganun kasi hindi ko na-experience ang mga ganun noong bata pa.

"Sige, isama ko si Hon" 

"Hindi ka naman papaalisin non ng hindi siya kasama kaya sasama talaga yun" Humagikgik naman ako. Ngayon nalang ata ulit ako nakalabas ng hindi kasama si Hon. Gusto niya ay palagi akong nakikita.

"Bakit kaya ganon si Hon, ano?"

MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon