Wala akong masyadong binago. Pero eto na.
Sana hindi mapuna. Marami pong mali sa plot, kasi hindi naman planado itong story, go with the flow lang ang ginawa ko.
Enjoy reading!
Natalya Cordova-Amora's POV:
"Charlie hindi nga po ako sasama saiyo dahil may asawa na po ako" Mahinhin kong paliwanag. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko iyon ipagpapalit para lang sumama sa kaniya. Oo matalik kaming magkaibigan at kababata ngunit hindi yon sapat na dahilan upang sumama ako sa kanya.
She confessed her love to me, but I see her as my friend only, a sister. Nothing more.
"Bakit ba hindi mo mahiwalayan yang asawa mo? She doesn't deserve an angel like you!" Pasigaw niyang sabi.
"Ikaw na po mismo ang nagsabi, asawa ko po siya. Inimbitahan naman po kita sa kasal namin at nakita kitang dumalo, hindi ka po ba nakinig nung sinabi naming 'Till death do us part'? Panghahawakan ko po iyon"
Nahahalata ko na naiirita na siya.
"Natalya naman, bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita kung paano ka niya sinasakal?" Nabwibwiset niyang tanong.
"Kung siya po ang sumasakal sa akin, ayos lang po kung hindi na ako makahinga" Mahinhin kong sagot."You are stupidly in love, gosh" 'Di niya makapaniwalang sabi.
"Ayos lang po, basta sakanya" Kinilig pa ako sa sarili kong sinabi.
Kung hindi niya pa ako tigilan baka wala na siyang Natalya na kaibigan. I respect my wife and as much as possible I remain my distance to others so she won't be jealous.
Hindi ako magsisinungaling, minsan o palagi, sobra na ang pagka possessive ni Brielle. Pero alam ko na ganun siya dahil sa ayaw niyang may umagaw sa akin.
BINABASA MO ANG
Married
RomanceSawa na ako sa profxstud kaya profxprof ang naisip ko. Ayoko na rin nung plotwist na may nagka amnesia o may magkakaamnesia o may barilan at kidnapping, nakakasawa. Ang storyang ito ay walang conflict na ganun, puro LQ lang nung mag asawa. Unang st...