Cringy chapter.
Enjoy reading!
Erica's POV:
After ialis ni Charlie si Natalya ay tahimik lang kami. Buti at ginawa yun ni Charlie dahil alam kong nadudurog na sa loob-loob si Natalya. She is so soft hearted.
Nanoood kami ng fireworks. Sayang, gustong gusto pa naman ni Natalya ang mga ganito. Dapat masaya ang gabi na ito eh kaso nauwi sa problema ng mag-asawa.
Nilapitan ko si Brielle na nakahalukipkip, tahimik. Alam kong nagsisisi siya sa sinabi pero hindi niya na iyon mababawi. Alam kong tumatak na iyon sa utak ni Natalya.
"We need to talk" Malamig kong sabi sa kaniya. Tumaas ang isa niyang kilay.
"About what?" Ang tanong na iyon ay nagpakulo sa dugo ko.
"Ikaw ata ang bobo, Brielle" Nag-igting ang panga niya habang masamang nakatingin sa akin.
"Napaka tanga mo. Dapat hindi na kita pinatawad eh, alam mo ba kung paano niya ipaliwanag sa akin kung paano ka 'hinalikan' noong ex-fling mo? Para lang magbati tayo? I'm so done with you. You are telling her that she is st*pid even though, its really you"
"I didn't force her to explain it to you!" I clenched my fist. Unti nalang ay masasapak ko na ito.
"You know her heart is precious, fragile and easily hurt. Yet you had the guts to say those things. Ang tanga mo kasi sabi ka nang sabi ng hindi totoo" Pang ilan ko na itong mura. Nakakainis talaga, pangalawang beses na to na umiiyak si Natalya dahil sa kabobohan niya.
Napapaconyo tuloy ako dahil sa kaniya. Tangina.
"It is true, she is too innocent!"
"Alam mo ba na dahil sa kainosentehan niya ay naka input na sa utak ni Nat na ikaw lang? Ikaw lang ang mahal niya. Bulag ka ata eh, di mo nakikita kung gaano siya ka-loyal sayo. Dahil sa bata niyang pag-iisip ay nakatatak na doon na ikaw lang ang asawa niya, ang pagsisilbihan niya. Asawa ka na niya pero nagseselos ka pa rin, sayong sayo na yung tao, Brielle!"
Nakikita ko ang naluluha niyang mata. Sana naman ay matauhan na siya sa pinagsasabi ko. Wala akong pake kung mapaos ako ngayon, maihatid lang sa kaniya kung gaano nage-effort si Natalya para mapasaya siya.
"You said that she is immature, but in fact its you. You are making small problems big. You are acting like a jealous girlfriend. Can't take the truth that she is already your wife. Don't you trust her? I know she always reassure you that she is yours! You own her! Just by the song she sang earlier, can't you comprehend?"
"I trust her, but not the people around her. You know how f*cking weak she is" Pabalik niyang sagot na may halong gigil.
"Brielle, ewan ko kung ano ang nangyayari sayo. Nakakasakal ang mga ginagawa mo. You can worry about Natalya in a sweet way like she does. Palagi niya akong tinatawagan kung okay ka lang kasi iba kayo ng tinuturuan at ibang building. Kung nabwibwiset ka ay nag-iisip agad siya ng paraan pano pagaanin yang loob mo" Sabat ni Miriam. Brielle's eyes widened. Pati ako ay hindi alam na gingawa yan ni Natalya.
"Sabi mo pa na ikaw lang ang nagpapasaya sa marriage life niyo? Bulag! Hindi mo lang kasi alam kung paano niya ako tanungin para lang ma satisfy yang sexual needs mo. Yung mga weird actions mo na hindi niya maintindihan kung bakit mo ginagawa. She is trying her best to make you happy, you are the one who's dense here to not feel that." Grabe na ang inis ko. Kayang kaya ko sumigaw ngayon para lang masampal sa pagmumukha niya ang mga baseless accusations niya.
"She does makes me happy, I just told her that so she can take the message to do better"
"She is the better, for f*ck's sake. Yes, she is imperfect, pero ginagawa niya ang lahat para maging best na asawa sayo. Tapos sino pinagseselosan mo? Si Charlie? Yung mas nauna pa sayo. Yung kababata niya at KAIBIGAN niya lang. Kaibigan niya nga lang eh, I know na may gusto si Charlie sa asawa mo pero tangina, hindi mo ba makita na hindi siya nagbibigay ng maling akala kay Charlie, pinapakita niya na kaibigan lang sila para sayo!"
"B-But she can just distance her dumb self from that b*tch"
"Gaga! Kaibigan nga eh, lalayo siya para lang sa bobo mong utak na hindi matanggap na hindi ka ipagpapalit ni Natalya" Nang gigigil na talaga ako.
"I can see your love but it overcomes by your obsession, even if you deny it, it's so obvious. Masyado kang obsesssed sa ideya na asawa mo siya, na nagagawa niya ang mga gusto mo at nagagawa mo ang gusto mo sa kaniya, na may entertainment ka, na nakuha mo na siya. Nananatili siyang sayo, wag mo namang baguhin ang isip niya dahil sa actions mo"
"Hindi mo deserve ang isang katulad ng mala anghel kong kaibigan. Binalaan na kita na isa pa, ay ilalayo ko siya sayo. Para kang walang pake sa iisipin niya, you are so insensitive. Marami kang ginugol na oras para sa kaniya pero hindi mo ino-obserbahan kung gaano kalambot ang puso niya."
"No you will not take her away, Natalya will stay with me! I don't care about what you say." Hinablot niya ang collar ng suot ko. Kitang kita ang galit niya. Siguro kung cartoons kami ay nag-aapoy na ang mga mata niya.
"You are just a mere professor, you are nothing against my power" Hinigpitan niya ang hawak.
"Yung asawa mo ay na kay Charlie, kayang kaya niya ilayo sayo si Natalya." Napangisi ako. I know that Charlie is a threat for her kaya nga selos na selos siya dun eh.
May dumaan na takot sa mata niya. Mayaman si Charlie at may laban siya kay Brielle, pero hindi pa natin alam kung gaano ba siya kaimpluwensiyang tao.
"Ilalayo ko siya sayo. This is the point wherein I wish that Charlie is the one she is married to" Huli kong sabi bago siya tinulak palayo. Hindi sa gusto ko silang maghiwalay, pero ako yung nasasaktan para kay Natalya. Napaka halaga niya para sa akin, mahalaga ang ginawa niya dati na parang utang na hindi mababayaran.
Bahala siya umuwi mag-isa. Siguro kaya na yan ng matalino niyang utak. Nakakainis talaga. Sana naman ay sa lahat ng sinabi ko ay magbago siya.
I support their relationship, pero hindi nakakabuti kay Natalya ang mindset ni Brielle. She is suffocating my best friend. Masyado lang marupok si Natalya, she is stupidly in love na hindi niya namamalayang nakakasama na sa kaniya ang mga ginagawa ng asawa niya.
Kailangan ko ring buksan ang mga mata ni Natalya eh. Masyado siyang pinalaki ng tama para hindi makita ang ginagawa ng asawa niya. Kino-control na siya masyado. Nasanay siyang kinokontrol kaya akala niya ay normal na iyon.
Pupuntahan ko si Natalya, bago pa ako maunahan ni Brielle. Alam naman natin na mabilis magpatawad si Natalya, isang 'sorry' lang ni Brielle ay okay na sila.
Gabi na. Kahit galit ako kay Brielle ngayon ay sana ligtas siyang makauwi.
Kaibigan ko pa rin siya, pero kapag sinaktan niya ng malubha si Natalya, baka makalimutan ko yun.
BINABASA MO ANG
Married
RomanceSawa na ako sa profxstud kaya profxprof ang naisip ko. Ayoko na rin nung plotwist na may nagka amnesia o may magkakaamnesia o may barilan at kidnapping, nakakasawa. Ang storyang ito ay walang conflict na ganun, puro LQ lang nung mag asawa. Unang st...