Good evening.
Thank you for still reading and voting this story. I appreciate it. Thank you very much.
Kaunti nalang ay matatapos mo na ang story na ito, so please keep reading lang hehe.
Enjoy reading!
~~~~~~~~~~~~~~
Natalya's POV:Nakapunta kami sa bday party ni Charlie dito sa napakalaking mansiyon. Napatulala nalang ako dahil sa ang ganda. Ngayon lang kasi ako nakakita ng mansiyon sa totoong buhay pwera lang sa mansiyon ng mga magulang ni hon.
Hawak ko ang kamay ni hon habang papasok kami.
"Ang ganda ng mansiyon, hon" Mangha kong sabi kay hon.
Humigpit ng kaunti ang hawak niya sa akin.
"Tsk. We can live in a mansion too, baby" Kuminang ang mga mata ko. Oo nga pala billionaryo si hon.
"Hindi na po, mas okay ang simpleng tirahan." Ngiti ko. Sa garden daw gaganapin ang party kaya sumunod kami sa mga nag-a-assist.
"Did you just call me simple?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Wala naman akong sinasabi.
"Huh? Sabi ko po simpleng tirahan, hon" Sabi ko sa kaniya na meron pa ring pagtataka. Saan niya ba nakuha yun?
"Am I not your home, baby?" Nakanguso niyang sabi na nagpapa-cute.
"Ang corny mo, hon. Tahanan po yun, hindi tirahan" Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.
Ang mga tao ay nakatingin samin like we're some sort of celebrity. Masyadong ginandahan ni hon eh haha.
Binitawan niya ang kamay ko at ang aking bewang ang siyang hinawakan niya.
Nakarating kami sa garden at napakaraming tao.
"Walang aagaw jan" Sabi ni Erica habang papunta sa amin. Ang ganda ng dress niya, bagay sa katawan niyang payat.
"We are not sure" Sagot naman ni hon at lalong hinapit ang bewang ko.
"Kumuha nalang tayo ng table" Tumango kami at umupo sa bakanteng table, magkatabi kami ni hon of course. Halos lahat ng tao ay elegante at halatang mayayaman.
Nanliliit tuloy ako, parang hindi ako bagay dito.
Nakita namin si Charlie na papalapit sa amin. Ang garbo ng gown niya kaya alam na alam na siya ang celebrant.
Tumayo ako upang lumapit sa kaniya.
"Magandang kaarawan, Charlie" Ngiti ko tapos ay niyakap niya ako at nag beso kami.
"Thank you for coming ah, I'm surprised na pinayagan ka" Pagbibiro niya. Napakamot nalang ako ng ulo.
"Hindi ko pababayaang makaligtaan ang kaarawan mo, matalik kitang kaibigan eh" Ngumiti siya sa akin ng matamis.
"Sige salamat, balik na ako dun" Tumango ako at nag-entertain siya ng ibang bisita niya.
Bumalik na rin ako sa pagkaka-upo sa tabi ni hon.
Nakapikit siya habang humihinga ng malalim.
Kumunot ang noo ko, at nag-alala.
"Hon? Okay ka lang po?" Tanong ko.
May binubulong siya na hindi ko masyadong maintindihan.
"Calm down, Brielle. Calm, calm, calm. Baby calm" Mga bulong niya. Baka nagpre-pray si hon kaya pinabayaan ko nalang.
"Nagriritwal ata ang asawa mo" Sabi ni Erica habang natatawa.
"Baka nananalangin siya" Ako naman ang nagsabi. Tumawa siya lalo na kala mo ay nagpapatawa ako.
After ng ilang segundo ay nagmulat na ng mga mata si hon bago tumingin sa akin.
Ngumiti lang siya at hinawakan ang aking kamay.
"Hmm?" Tanong ko.
"Nothing, baby" Sagot niya. Tinutok ko nalang ang atensyon sa mc.
Nagsimula ang party pero nakakaantok. Wala lang man palaro, pero masasarap ang mga pagkain, expensive talaga. Umiinom na rin sila Erica at hon. Wala si Miriam kasi hindi daw siya makakapunta. Baka may personal errands.
Ang tangi kong iniinom ay juice kasi ayaw ko na malasing katulad ng dati, masakit sa ulo.
"Hon, Erica. Mag c-cr lang po ako" Paalam ko. Tumango si Erica.
"Want me to accompany you?" Tanong ni hon.
"Kaya ko na po, inom ka lang jan, hon" Ngiti ko bago umalis.
Nasa loob na ako ng mansiyon tapos naalala ko. Haluh unang beses kong pumunta dito kaya di ko alam kung saan ang banyo. Nakakahiya magtanong sa ibang tao.
Ihing ihi na ako ehh. Kaunti nalang at papatak na.
Baka abutin ako ng oras kung bubuksan ko lahat ng pinto sa mansiyon na ito, at tsaka bawal yun kasi invasion of privacy yun. Kahit kaibigan ko si Charlie ay hindi ko pwedeng gawin yun.
Tumingin ako sa kaliwat kana habang naiihi na talaga, masyadong marami ang nainom kong juice huhuhu.
Balik nalang ako kay hon?
Nag-iisip ako kung ano ang gagawin nang may humila sa aking braso. Pagkatingin ko ay si Charlie pala. Hinila niya ako sa loob ng isang banyo.
Kuminang ang mata ko.
"Charlie, kung may sasabihin ka, mamaya na po, ihing ihi na ako eh" Sabi ko bago siya pinalabas ng banyo. Nakatuod lang siya na kala mo ay lutang.
Nang nailabas na ang kailangan ilabas ay binuksan ko na ulit ang banyo at nandun pa rin si Charlie na naghihintay.
Pumasok siya.
"Bakit mo nga pala ako hinila dito? Tumatanggap ka na ba ng gifts? Na kay hon pa yung akin, puntahan natin" Mahaba kong lintanya.
"No, I need to talk to you" Sabi niya sa seryosong tono. Mukhang mahalaga ang sasabihin niya. May nangyari ba sa kaniya?
"Ano po yun?"
BINABASA MO ANG
Married
RomanceSawa na ako sa profxstud kaya profxprof ang naisip ko. Ayoko na rin nung plotwist na may nagka amnesia o may magkakaamnesia o may barilan at kidnapping, nakakasawa. Ang storyang ito ay walang conflict na ganun, puro LQ lang nung mag asawa. Unang st...